Kk for Kaya Ko Ba?
Jan.1,2012-10:06pm-room
Happy new year! Kailangan ba talaga ng new year’s resolution? Oh well,let me try listing some down..
1. Lagi na akong maghuhugas ng kinainan. Kahit kailan naman e hindi nagsawa na magtrabaho at magluto sina nanay at tatay para sa akin e. ![]()
2. Mag-ipon! Gusto ko talaga bumili ng violin. O ng camera. Baka may alam kayong medyo affordable,inform nyo naman ako. Salamat! ![]()
3. at para maka-ipon..Bawasan ang pagloload masyado.
4. Kumain lang ng sapat at ng kailangan ng katawan. Wag na kumain ng junk food para di mapuno ng junk ang isip. Wahaha!
)
5. Gumising ng mas maaga para makapag-exercise at para di na ma-late. XD
6. Bawasan ang haters,dagdagan ang lovers? Haha. Joke.
7. Maging mas maunawain,mas mapagmahal, at mas mapagpatawad. Paano? Ewan. Daanin sa dasal. Maraming-maraming dasal! ![]()
8. Sipagan ang pagta-trabaho.
9. Appreciate what i have. Bawasan ang pagiging reklamador.
10. Matupad ang mga laman ng Dreamboard ko. I’ll post about this soon. ![]()
11. Ihanda ang sarili para maging MS.RIGHT nya. <3
Ang tanong ngayon,kaya ko ba lahat ng ito?
Aba,matupad ko lang ang 10 out of 11 dito,masaya na ako. I know this year's gonna be a great one for me.
KAYA KO 'TO TEN TIMES!
HAPPY NEW YEAR!
Kk for Kwentong Walang Kwenta
2 things about me:
-I was too busy with so many things but blogging. Andami ko na ngang naipon na kwentong walang kwenta e. And I miss this so much. :’)
-25 na ako next sunday!
E ano? Wala lang. Dunno if I should even be excited with it. Ahai. Eto na naman po ako sa birthday syndrome ko. Wala. Basta. Parang ayoko dumating yun. Parang gusto ko lang matulog o maglaho na lang bigla sa araw na yun. Baliw na naman ako. Amp.
My goodness,someone help me get out of this feeling! >.<
Kaya ko ba to ten times?
Kk for Kasalan Na! ;)
Andami-dami na ulit ngayong tribute sa EDSA 1. Naalala ko tuloy yung isang eksena namin ni mother last week. Nanonood sya ng tv habang ako naman ay busy sa fb. Haha.
Nanay: 25 years na pala ang EDSA? Ambilis naman..
Kk: Oho, 25 na ako sa August e.
Nanay: Oo nga noh? 25 ka na nga pala. Aba, anak, mag-asawa na.
Kk: Aba, nay, pwede ho bang mag-boyfriend muna?
)
Laugh trip kami dito.
)
Napaisip naman ako. Kailangan ba talagang may taning ang pagiging dalaga? Paano nga kung ganitong wala naman talaga ni magyaya sa akin na mag-date? Yung magpakasal pa ba naman.. Haha.
At lalo na akong napaisip dahil sa mga eksenang ito..
Lunch break, kasama ko yung dalawang co-teachers ko, sina Ms.N at Ms.DJ.
Ms.N: Napag-usapan ka nga naming dalawa ng asawa ko kagabi. Sabi nya, irereto ka daw namin sa kuya nya. Gwapo yun! Mas gwapo pa sa asawa ko. Nagta-trabaho pa yun sa ibang bansa. Kaya lang, baka di mo magustuhan. 30 na yun e. Hiwalay sa asawa.
Kk: Nye.. haha.
)
*syempre, napaisip naman ako dun sa kuya ng asawa ni Ms.N. Kasi naman, gwapo talaga yung asawa nya. Edi lalo pa yung kuya. Bwahaha. Joke.*
The next day..
Ms.DJ: Naikwento kita sa nanay ko. Kung hindi nga lang daw maloko si kuya, dun ka na lang namin papaligawan e.
Kk: Ganon? Super. Kinwento mo talaga ako. Haha.
)
Ms.N: Sabi ng asawa ko, hingin ko na nga lang daw ang number mo at ibibigay nya dun sa pinsan nya. Mabait yun.
Kk: Haha. Kayo talaga..
)
Ms.N: Bakit? Wala namang masama diba? Magtetext lang naman kayo.
At eto pa ang isa. Christmas break naman ‘to naganap. Nakita ako sa simbahan nung registrar ng school namin..
Ms.NE: Bakit parang gumaganda ka ata lalo? May boyfriend ka na noh?
Kk: Naku, wala nga po e.
Ms.NE: Wala ba? Sige, may ipapakilala kami ni mama sayo. Abangan mo ha?
Waw. Ano ba? Nakakaloka lang yung mga ganitong moments kasi hindi na naman ako ulit nag-o-open tungkol sa lovelife ko. Hinding-hindi pa nga ako nakaka-move on kay THE ONE, at kung paano kami nagkahiwalay ng ganun-ganun lang ilang araw bago mag-pasko, eto naman silang lahat para uriratin ang lovelife ko..Dapat ba akong maging masaya? Pero syempre, ibang istorya yung paghihiwalay namin. Ahahaay.
Ganun ba talaga ka-bothering ang magkaroon ng kaibigan/anak na single habang lahat sila ay masaya sa buhay-pag-ibig nila? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanila. Hindi din naman ako nag-e-emo o nagmamaktol na wala akong lovelife. Hindi din naman ako lalong pumangit at nagmukhang miserable. Kasi,sa totoo lang,ngayon ko lang naranasan na maraming nagsasabi sa akin na gumaganda ako. At dahil marami sila,(mula sa mga estudyante at dating estudyante, hanggang sa co-teachers, hanggang sa principal namin, hanggang sa dati kong HS math teacher, hanggang sa parish priest namin, hanggang sa mga kamag-anak at iba pang kaibigan na matagal ko nang di nakikita),gusto ko na tuloy maniwala na gumaganda nga ako. Haha.
Isa lang ang kongklusyon ko dito: Minsan pala, pangit din ang maging maganda. Bwahahaha! Bakit kasi ngayon ko lang natuklasan na mas bagay naman pala sa akin ang kulot kong buhok na ilang taon ko ring pinilit na ipatuwid? Yun ang salarin ng lahat ng ito e. Hehe.
)
At ang susunod na pinaka-nakakayamot na tanong naman sa akin ngayong mga panahong ito ay:
NAGPAKULOT KA BA?
Rar! Kagatin ko kaya sila? Ang kukulit e. Haha.
KAYA KO PALANG MAGING MAGANDA TEN TIMES. <3
Kk for Kaleidoscope
Nagfe-facebook ako kagabi nung nakita ko yung isang album na naka-tag yung kapatid ng lolo ko. Naisip ko, astig talaga tong si Lola MC, di nya tunay na pangalan. Hanggang ngayon updated sya sa kung anong uso.
Nun kasing mga bata pa kami, lagi syang may regalo sa amin tuwing Pasko,pero di ko na matandaan yung ibang binigay nya kasi may memory gap ako. Haha. Pero ang pinakanatandaan ko talaga, at pinakapaborito ko sa lahat ng natanggap kong regalo galing sa kanya ay isang tube. Kulay white yun na may kung ano-anong design sa labas. May maliit na butas sa isang dulo at may clear na plastic sa kabilang dulo. Sa loob naman, may mga salamin tsaka may mga maliliit na kung anik-anik na iba’t-ibang kulay at shapes. Astig kasi ako lang ang meron nun sa aming magkaka-klase. Hindi ko na nga lang yun naipreserve. Malamang nasira na din yun kasi burara akong bata. Haha. Nakakatuwa namang alalalahanin yung moments na yun.
Pero ngayong tumanda na ako, naisip ko, marami nga pala akong pwedeng matutunan mula sa isang simpleng laruang Kaleidoscope ang pangalan. Para din pala itong buhay. *wag kayo mag-alala, di ko ilalagay dito yung lyrics ng kanta ni Francis M.*
Natutunan ko na gaano man kasaya o kalungkot ang isang pangyayari, lahat ng yun ay lilipas din. Yung kaleidoscope, pipihitin at pipihitin ko pa din ito para makatuklas ng mga bagong images. Katulad ng araw at oras, tatakbo at tatakbo din ito.
Kung masaya ang experience, dapat i-cherish ko na yun habang andito pa. Kasi,pag nakalampas na yun, di na yun babalik pa. Ginawa ko yun dati sa kaleidoscope ko e. May magandang design, tinawag ko yung ate ko. E antagal nya lumapit, kaya yun, pagsilip ko, iba na ulit yung design. Kaya ang ginawa ko, dahan-dahan kong pinihit pabalik yung tube. Wala. Nakailang ikot na ulit hindi na bumalik yung image. Nayamot lang ako sa ate ko. Haha.
Pag naman malungkot ang experience, alam ko na din ang solusyon. Pihitin ang tube at mag-move on. Ang simple nga naman.
Natutunan ko din na ang bawat araw ay may dalang saya para sa akin. Minsan nga lang, hindi ko napapansin kasi mas masaya yung kahapon kaysa ngayon, kaya akala ko malungkot ako.
Ngayon, ang misyon ko naman ay humanap ng mabibilhan ng kaleidoscope. Kung saan, ewan. Bahala na. Basta KAYA KO ‘TO TEN TIMES!
Kk for Kaedi’s Leaving (again)
Ahahahayy..
I miss writing so much. I miss reading blogs, as much as I miss everyone here. I haven’t been here for almost 2 and a half months.
But since Kaedi will be again leaving for SG on the First of January, I guess I’ll be around more often. Why? For an obvious reason. I’d be alone again, with no one to talk to.
**teka, sino ba si Kaedi?**
Si Kaedi..
..she is more than a relative, a co-worker, and a picture buddy.
..she is a shoulder to cry on, a hanky to wipe my tears, a guidance counsellor, a super-duper-mega-over great listener.
..she makes lunch breaks more meaningful and worthwhile.
..she could bear my “kalandian” without being so judgmental.
..kunsintidor pero taga-gising din ng natutulog kong diwa at natatanga kong puso.
..taga-share ng bagong chichiria na meron sa neighborhood.
..taga-tawa sa mga korni kong jokes.
..promotor ng mga pagtambay sa bahay.
..kasabay sa pag-uwi.
..kasabay din sa pagiging late sa umaga.
..ka-chat sa papel during meetings.
..kaibigan, kapatid, kapuso, kapamilya.
Hmm..lahat na. Andami-dami pa, pero ayoko naman umiyak pa sa pagsusulat nito. Ayoko naman sya pigilan kasi alam ko naman na para sa ikabubuti din nya yun, at ng family nya. At di naman ako ganun ka-selfish para gawin yun. Haha. Pero dahil nga wala naman akong ibang choice, dito na lang ako ulit magkukwento. I hope you could still bear with me. ;D
Kakayanin ko kahit wala sya. Ayoko malungkot. KAYA KO ‘TO TEN TIMES! <3
Kk for Kalma Lang
Nagsimba ako kaninang 6am. Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.
Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.
Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.
Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.
At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.
PRAISE GOD ten times!
Kk for Kumplikasyon sa Puso
Oct.3, Sunday. As usual, he is attending the second mass. Me and my members will be singing for the third mass. At syempre, nagkita kami bago sya umuwi at bago ako pumasok sa simbahan. Tamang apiran lang. Tropang-tropa lang talaga. Kwento ng konti. Very casual. Ayoko naman kasing maging awkward ang feeling namin dahil baka sa text lang pala nya ako mahal at naglolokohan lang kami at lumabas na ilusyonada lang ako. Aw. Emo. Haha.
KK: O, sige na, umuwi ka na. Di ka pa ata nakakalaba e.
THE ONE: Oo nga. Pero konti lang yun. Pero sobrang dami ko pang gagawin.
KK: Lakad na. Ba-bye. Ingat.
THE ONE: I love you. (ngiti sabay talikod)
KK: … …. (napanganga, natulala,at speechless for a few seconds)
THE ONE: (naglakad na palayo)
KK: I love you too. (waw, narinig pa nya.)
Grabe ang feeling. Tumigil bigla ang mundo ko. Ai, hindi pala. Ako lang pala ang natigilan. Haha. So ganun na nga ang standing naming dalawa. Sinabi na nya personally na mahal nya ako. Ano yun? Boypren ko na ba sya at gelpren na nya ako? Hmm.. Naisip ko naman, hindi na naman mahalaga na bigyan pa namin ng pangalan ang relasyong ito. Ang mas mahalaga e yung alam na namin na mahal namin ang isa’t-isa.
Nung kinwento ko yun sa isang kaibigan ko, sabi nya, hindi daw ba mas madali kung malinaw ang lahat sa aming dalawa? Yung alam namin kung ano ba talaga kami. Para at least, pwede na kaming magdemand from each other. May karapatan na magselos, may karapatan na magbawal, may karapatan na malaman kung nasaan ang isa at kung ano-ano pang mga karapatan.
Pero naisip ko, dati na naman kaming ganun ni THE ONE. Alam nyang selosa ako at pinagseselosan ko yung Super-Mega-Grabeng Feelingerang Froglet nyang Friendship. Sinasabi nya na dapat daw, sinasabi ko sa kanya kung nasaan ako. Ibig sabihin, kailangan i-inform ko sya kung saan ako pupunta kahit wala syang load at hindi nya ako mare-replyan. May extra load naman daw ako lagi kaya maiitext ko sya lagi. Edi parang ganun na din yun. Kung may nabago man sa aming dalawa, alam na namin ngayon na mahal namin ang isa’t-isa.
Tapos naisip ko pa, kailangan ko ba syang bawalan? Halimbawa, sa pagdodota. Oo, pinapaalam nya na magco-computer muna sya, kaya hinahayaan ko lang sya. Kahit na ba dapat yung oras na yun e quality time na namin. Haha. Maarte ako. May nalalaman pa akong quality time ngayon, samantalang dati, di yun nagpapaalam na may gagawin sya. Haha.
Diba? Naisip ko talaga, kailangan bang magbago na kami ng routines sa buhay dahil mahal na namin ang isa’t-isa?
Kailangan ko nga bang magdemand na dapat itetext na nya ako lagi? As in everyday? E diba dati naman, weekends lang kami nagkakatext talaga? Fixed na yun at wala namang problema sa akin yun. Medyo nabago lang yun nung “ligawan stage” namin. Oo, feeling ko, yun na yung ligawan stage namin. Yung three weeks na araw-araw kaming nagtetext at malimit din kaming nagkikita. Hai. Kasi naman ngayon, di kami nagkita o nagkatext man lang the whole week. Finals week kasi nila. Ayoko namang makaabala. Hai talaga. At dahil dyan, sinusumpong na ako ng kapraningan. Haist.
Ano bang tawag sa akin? Gaga? Martir? Understanding? Ambisyosa? Nananaginip? All of the above? None of the above? Hai.
Sana KAYANIN KO PA ‘TO TEN TIMES. X-/

sabi-sabi..