Bungad > Kkachorvahan lang, Kkamahalan, Kkantahan > Kk for Kami Na Nga Kaya? :”>

Kk for Kami Na Nga Kaya? :”>

^______________________________________________^

Ganyan ngayon ang ngiti ko: Maka-punit pisngi. ❤

Magkatext kami ni THE ONE nung Monday ng gabi, usapang emohan. Haha.

THE ONE: Sino ba ang pinaka nanakit sayo at iniyakan mo?

KK: Kasama ka ba sa choices? Haha.

THE ONE: Ako? Kung kasama, ako ba?

KK: Oo. Haha. Amps ka.

THE ONE: Bakit naman ako?

KK: Isipin mo na lang kung anong meron ang mga lalaking ito na wala ka (insert exbfs’ names here).

THE ONE: May kaagaw ka? Ai, mali ata. Hindi ko alam.

KK: Hai naku, wag ka na nga humula. Baka lalo lang ako masaktan sa isasagot mo. Haha.

THE ONE: Kasi wala akong pakialam sa feelings mo? Ganun ba?

KK: Aw. Parang. Haha.

THE ONE: Natumbok ba?

KK: Hindi masyado. Sige, sasabihin ko na nga. Sila-minahal nila ako. Ikaw-hindi. 

THE ONE: Eh mahal na naman kita..

KK: Hmmmm..

THE ONE: Yah..hehe..  I LOVE YOU.. no joke.. promise..

Ayun, natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi. Aw. Haha.

Parang ayoko maniwala. Hindi ko alam kung totoo pero parang ganun na nga. Kinabukasan, tinanong ko sya kung sigurado ba talaga sya sa sinabi nya. Oo daw. Nag-i love you ako. Nag-i love you din sya. Hmm..bago yun. Dati kasi, meron syang subscription sa Daily I Love You Messages ni Kaye, pero di naman nya sinasagot ng “i love you”.

Kanina, magkatext pa rin kami, tamang kulitan lang. Biglang out of the blue, nagtext sya: “I LOVE YOU”. Nagulat din lang ako. At marami pa syang ganung moments kanina. Nakakapanibago pero pwede namang matutunan e. Para akong gaga. Para akong nga-ngayon lang nagkaboypren. Para bang ngayon lang ako minahal. Haha. Nakakatawa lang kasi nagugulat pa din ako pag nagtetext sya ng “I LOVE YOU”. Oo, kinikilig ako. Hai.

Sa totoo lang, he’s been acting strangely these past few weeks. Napansin ko yun two weeks after kong nagpaalam sa kanya. (Refer to “Kk for Kailangan na ata..” para malaman ang sinasabi ko.) Dati kasi, pag weekends lang kami nagtetext, kasi busy daw sya sa pag-aaral, tsaka tipid sa load. Ngayon naman, 3 weeks na kaming nagtetext everyday. Ang katwiran nya, pag gusto daw, may paraan. Gumigising pa sya ng maaga para lang magkatext kami bago bumangon. Haha. Dati, hindi kami halos magkita sa loob ng two to three weeks. Ngayon, 3 weeks na kaming malimit magkita – isang oras man o isang minuto lang, basta magkita.  Yung tipong aagahan nya ang alis ng bahay nila para lang maintay ako at magkita kami bago ako pumasok sa umaga. O kaya naman, iintayin nya ako sa hapon kahit alam nyang may meeting pa kami. O kaya, bigla na lang syang susulpot sa may teachers’ lounge dahil di na nya ako maintay sa may gate. O kaya naman iintayin nya ng kalahating oras para lang makapag-dinner kami ng sabay.

Kakaaliw. Kakabaliw. Kakamangha. Kakataranta. Kakaloka. Hindi ko na alam kung ano ang itatawag sa kung ano mang namamagitan sa aming dalawa ngayon. Alangan namang ako pa ang magtanong kung boypren ko na ba sya. Parang tanga lang. Haha. Anlabo. Kumbaga sa math, (Kk + The ONE)/0 = undefined. Basta ang alam ko lang, masaya ako. SOBRANG HAPPY AKO DAHIL SA KANYA. Ganito pala ang feeling pag mahal ka ng mahal mo. Hai. Pakipadalhan na lang po ako ng isang trak na ban-eyd. Duguan na kasi ang pisngi ko sa kakangiti.

^______________________________________________^

 

 

 

 “…I just  can’t believe that you are mine now. You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can’t compare you with anything in this world. As endless as forever, our love will stay together. You’re all I need to be with FOREVERMORE…”  – Side A

  1. Setyembre 30, 2010 bandang 12:17 umaga

    dumaan lang. kamusta?

    • Oktubre 1, 2010 bandang 8:15 hapon

      ayos lang. eto, duguan pa rin ang pisngi sa kaka-ngiti. ^______________^

      kamusta ka naman SB? 🙂

      • Oktubre 1, 2010 bandang 10:21 hapon

        okay naman ako, nasa mabuti naman akong kalagayan. ikaw?

  2. Setyembre 30, 2010 bandang 10:00 hapon

    AYIIIII 🙂

    im so happy naman 🙂 pati tuloy ako kinilig sayo 🙂

    • Oktubre 1, 2010 bandang 8:48 hapon

      thanks keko. 😀

      hai. super. hanggang ngayon e kinikilig pa rin ako. haha. feeling teenager..parang adik lang noh? haha. 😀

  3. Oktubre 1, 2010 bandang 2:45 umaga

    nakanaman. bigtime. ikaw na masaya ate :))

    nakaka-inggit ah. yihhiiiii ^^

    • Oktubre 1, 2010 bandang 8:51 hapon

      hi jec. grabe. really bigtime! malay ko ba namang dadating din pala ang araw na mamahalin din nya ako. haha. 😀

      don’t worry, one day, your prince will come. at pag dumating yun, ako naman ang balitaan mo ha? 🙂

  4. Oktubre 5, 2010 bandang 2:19 hapon

    weeeeeeeeeeeeeee hangsaya saya

    ms kk.. enjoy mo muna yung moment.. wag ka na mag ano ano pa muna dyan.. basta kung masaya ka ngayon go go go tenthousand times.. parang i cherish mo muna.. wag kang muna mag isip ng nega.. happy for you mwaaah!

    • Oktubre 6, 2010 bandang 9:48 hapon

      hai sis. super thanks sa reminder at sa words of encouragement. tama ka. dapat talagang ienjoy ko nga muna ang moments namin bago ako ma-praning. haha. at talagang alam mong may tendency talaga akong magpaka-nega. haha. salamat ulit. kakayanin ko to 1000x! mwah. 🙂

  5. 25pesocupnoodles
    Abril 15, 2013 bandang 5:50 hapon

    🙂

    • Abril 15, 2013 bandang 6:37 hapon

      Buti ka pa at napa-smile. Nakalimutan ko na ata ang feeling na yan. (//_+) Haha.

      • 25pesocupnoodles
        Abril 15, 2013 bandang 6:39 hapon

        asus… pakinggan mo ulit ung “mahirap” hehe.

        • Abril 15, 2013 bandang 6:48 hapon

          hmmm.. ayoko nga.. naka-dalawang ulit na ako ngayong araw na ‘to e.

  1. Abril 8, 2013 bandang 3:30 hapon

Mag-iwan ng puna