Iimbak

Archive for Hunyo, 2010

Kk for Kala Ko

Hunyo 19, 2010 18 mga puna

Nakakainis ka.

Hindi ako umalis ng bahay dahil akala ko makakatext kita.
Nagmadali ako sa paglalaba dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako natulog ngayong hapon dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako sumama kay ate para magpunta sa dentista dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako nanood ng tv dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako nagmerienda kasama ang nanay ko dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ko na kinulit si ‘dating mahal na mahal na mahal’ dahil akala ko makakatext kita.
Ninamnam ko ang pag-ulan dahil akala ko makakatext kita. Hindi ako masyadong nag-farmville o nag-online sa chat sa facebook dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako gumawa ng exam dahil akala ko makakatext kita.
Hindi muna ako nagsulat dito sa wp dahil akala ko makakatext kita.

Hai talaga. Pambihira. Tapos ngayon, kung kelan alas-sais na, tsaka ka magtetext.. Wala na. Madami na ulit akong gagawin. Madami na ulit maiisip na iutos si mother. Tapos mamaya, expired na rin ang unli ko. Wala.

Hai. Topak moments. Lekat na yan. Akala-akala ako e. Sino ba kasing nagsabi na intayin ko ang text mo? Paking teyp. ๐Ÿ˜ฆ

..para kay THE ONE..

Advertisements

Kk for Kaka-touch

Hunyo 12, 2010 10 mga puna

Nakakatuwa naman. One week na akong hindi nakakabisita dito and guess what i found out? Isang katotohanan na nakakatouch. :’)

MAY MGA TAO PALANG NAGBABASA NG POSTS KO! Kala ko mga langgam lang. Hehe. Kasi naman, nung una,nalulungkot ako at somewhat disappointed. Kasi hindi tumataas yung estad ko. Ayun. Finally! Haha.

Thank you! Thank you sa inyong lahat. Hehe. Alam ko, one of these days, makikilala ko rin kayo at magkakaroon din kayo ng lakas ng loob na magcomment. Hehe. O kaya naman e magkakaroon na ng sense ang mga nilalagay ko dito na talagang mapapa-comment kayo. Wehe.

Thank you po ulit.

Sabi ko na nga ba, KAYA KO ‘TO TEN TIMES e! โค

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, ,

Kk for Koro

Hunyo 5, 2010 2 mga puna

Kakatuwa. May schedule kami ng kanta para sa Anticipated Mass kanina. 3pm ang call time. At anong nakakatuwa dun. Kasi naka-anim kami. Kamon. Ang bait-bait kaya ni Lord. Kala ko magsosolo ako sa koro e. Tsk tsk. ๐Ÿ™‚

Anyway, magpapasalamat lang ako sa mga batang nakasama ko kanina. Hindi nila siguro mababasa ‘to, pero just in case..hehe. ๐Ÿ˜‰

Salamat kay…(in chronological order sa pagdating..haha.)

..SV, ang aming soloista at bunsong katangkaran, na kauna-unahang dumating kanina. Grabe. Salamat kasi in-absorb mo ang litanya ko. ๐Ÿ™‚
..LC, ang ever-loyal na ate na kaliitan. Salamat kasi hindi nagkaroon na ako ng choice na kumumpas. Haha. Ang hirap kaya kung kami lang dalawa ni SV, tapos kukumpas pa ako. Haha. Ayan, tatlo na tayong magsu-swimming bukas ha. ๐Ÿ™‚
..KML, na kakagaling lang sa mahabang biyahe at kumain lang at sumama na sa amin. Haha. Salamat, SATB na tayo. Soprano ka, Alto si LC, Tenor si SV, at ako ang Bass. Waha. ๐Ÿ˜ฎ
..FMJB, na bigla kong nakita pagkamulat ng mata after ng prayers. Haha. Kala ko e bigla kang hinulog ni Lord mula sa kawalan para sagutin ang mga dasal namin. Haha. Salamat sa pagsama kahit kasama mo na yung newfound friends mo. Hehe. ๐Ÿ™‚
at kay…
…KdG, na huli man daw at magaling, huli pa rin. Haha. Salamat kasi dumating ka pa rin kahit galing din sa di kalayuang byahe. Haha. At least, hindi na ako yung bass. ๐Ÿ˜ฎ

Haha. At syempre, super big thanks kay Lord. Super. Kinaya naman namin diba? Hehe. Bukas ulit. ๐Ÿ™‚

KAYA NAMIN ‘TO TEN TIMES! โค

Mga Kategoriya:Kkantahan Mga kataga, , , , ,

Kk for Kahibangan, pero hindi Kalokohan

A few days ago, I sent this letter to someone I really love. Actually, not just someone, but someone whom I thought to be THE ONE. Pero sige, someone that I USED to love na nga lang. Lokohin ko pa ang sarili ko. Basta. Hayaan nyo lang akong i-post dito. Kahibangan nga atang matatawag to, pero seryoso ako dito.

Subject: Presinto ba ‘to?

(part 1)

bakit? dahil gusto kong magpaliwanag. amps.

tanong muna. galit ka ba sa akin? hai.

wala na akong maintindihan. para akong dinaanan ng buhawi at nahalo ang mundo ko. at hindi ko na alam kung saan ba mag-uumpisa o kung may ipagpapatuloy pa. today, it has been exactly one month since that fateful day. pinuntahan nyo ako sa bahay, nagwalkathon hanggang bayan, uminom ng sprite na kailangang kalugin muna, tumawa at kumwento, at nagtext.

echosan ng echosan. pero bawal ma-carried away. pero ako, walang kadala-dala. natangay at nahulog. pambihira. masaya ako with you, super. hindi ko naimagine na pwede palang mafeel ang ganon ng dalawang beses sa isang tao lang. and it was tooo much for me to handle.

(part 2)

o.. so, anong problema ko? hindi ko alam. kasi nga naguguluhan ako. tama nga yung kanta..(MIGRAINE by moonstar88) OO NGA PALA, HINDI NGA PALA TAYO. HANGGANG DITO NA LANG AKO.. NANGANGARAP NA MAPASAYO… NAHIHILO.. NALILITO.. ASAN BA ‘KO SA’YO? AASA BA ‘KO SA’YO?

I almost had you. ALMOST. tama nga kaya ako? o assumera pa rin ako hanggang ngayon?

ano bang meron nung may 15? sabi mo, “nung 15 q pa cnv n kng anu mangyri skn hnda q hrapin, d q man msv n akn k pro aus n ung mgng msya q sau…n wlng ngbbwk n lmapit aq sau…sna nga wla”

ako naman si gaga, i never learned my lessons.. naniwala pa rin ako. tanda ko na ba namang ito, hanggang ngayon e nadadala pa rin ako sa simpleng text. sobrang simple pero tinangay ang puso ko.

(part 3)

so ano nga ang problema ko?

hindi ko alam kung bakit kailangang magbago ang lahat. akala ko e ok na tayong dalawa. e bakit may nagbago. sa sarili ko, alam ko na nagbago ako. may something na mas malalim, mas matindi, mas ewan.

hindi ko alam kung bakit kailangan kong magselos. hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan. basta amps lang. antanga-tanga ko.

tapos ngayon, feeling ko, nag-iba ka na. parang anlayo-layo mo na sa akin. ako lang ba ang nakakaramdam nun o totoo nga yun? nahihirapan ako. inarte ko.

hindi ko alam kung makakaintay pa ba ako ulit ng tatlong taon just to have you. hai. tanga talaga ako.

(part 4)

e anong problema ko?

naguguluhan nga ako. may nagsabi sa akin, kulang kasi tayo sa usap. hindi daw talaga tayo magkakaintindihan kung sa text lang. e ang tanong, may dapat ba talagang pag-usapan?

sabi ko kahapon, nakamove on na ako. hindi ko alam kung totoo. parang hindi moving on yun. moving away ata. hai. engot.

alam mo ba yung kanta ni mandy moore? WE CAN’T PLAY THIS GAME ANYMORE, BUT CAN WE STILL BE FRIENDS? THINGS JUST CAN’T GO ON LIKE BEFORE, BUT CAN WE STILL BE FRIENDS? ayun. posible pa nga kayang maging friends pa tayo? hmm.

sige na, ako na ang kaguluhan sa lahat. aminado naman ako.

(part 5)

e ano ba talagang problema ko?

natatakot ako. saan? ewan. to lose you. AGAIN. seryoso naman ako nung sinabi ko na IKAW LANG ANG GUSTO KONG IPAGLABAN e. pero ang tanong, gusto mo rin ba? sobrang nilalamon na ata ako ng pride dahil ayoko pa rin umamin. parang ako naman lagi ang gumagawa nun e. at ako din naman lagi ang nagpapakatanga.

hai. hai talaga. sige, to cut the long story short, dalawang salita lang ang katapat ng limang pages na to. tawanan mo kung gusto mo.
MAHAL KITA.

lagi naman e. at ayoko magsorry dahil dun.

TAPOS.

Kk for Kongrachuleyshens!

Kamon. Kauna-unahang blog ko ‘to sa labas ng mga social networking sites. ๐Ÿ™‚

Welcome sa akin. Haha.

Isa ‘to sa mga pangarap ko e. Yung hindi lang sa papel magsulat. Nasubukan ko na kasi sa blackboard, sa white board, sa desk ng upuan, sa lamesa, sa dingding ng classroom, at sa pader ng cr, noong kabataan ko. Waha. Pero bata pa naman ako ah. Kaya para maiba lang, dito naman. ;P

Kung tutuusin, andami-daming tumatakbo ngayon sa isip ko..at malamang napapagod na rin sila. Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagsusulat e.. Kaya eto, sige ako sa pagtype ng kung anong tumatakbo sa isip ko. Basta na ako e. Haha. Sorry naman.

Siguro, i’ll try to organize my thoughts first bago ako magpost ulit ng bago. Magulo pa kasi ang isip ko. Haha. Hindi ko nga alam kung may magkakainteres ba na magbasa ng mga sinusulat ko e, pero ok lang. Ang una ko naman talagang purpose e mailabas lang lahat ng saloobin ko lalo na pag wala akong mapagsabihan. Haha. Ano ‘to, CR? Haha. Pis everyone. ^^

Basta, within this week, pag nasolo ko na ulit ang laptop, magpopost ulit ako. Amps.

KAYA KO ‘TO TEN TIMES! โค

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , , ,