Iimbak

Archive for Hulyo, 2010

Kk for Katulad ng Paking Teyp

Hulyo 13, 2010 17 mga puna

Paking teyp. F*cking tape. Packing tape.

Kung ano man. Naging expression na namin yun ni THE ONE pag may super kabadtripang nagaganap. Basta.

Kagabi, nag-e-emo sya dahil sa past relationship nya. Kesyo di pa pala sya nakakamove on. Tanga pa din daw sya..blah blah blah.. (a.k.a. mga bagay na nakasakit sa akin ng sobra, pero sige lang, manhid-manhidan muna ako.)At natext na lang nyang “..Paking teyp na buhay na ‘to.”

At eto naman ang reply ko sa kanya.

“Aba, oo..parang paking teyp talaga ang buhay na ‘to. Isipin mo, nakakapit ang teyp sa papel at sa pader. Tapos bigla na lang dadating ang oras na may magtatanggal at paghihiwalayin ang papel at pader. Tapos ang masaklap pa nito, pwedeng mapunit ang papel at pwede ring makutkot ang pintura ng pader. Parehong mag-iiwan ng mapait na alaala ng nakaraan sa kanilang dalawa. ”

TANONG: SAAN KO KAYA NAPULOT ANG KAISIPANG ITO? aw.

Advertisements

Kk for Kapwa Ko

Hulyo 11, 2010 4 mga puna

I attended mass this morning with the whole family. I was too glad to meet our new assistant parish priest and to hear his homily about one of my favorite stories – THE GOOD SAMARITAN.

Sino nga ba ang KAPWA KO? Yung mga taong katulad ko lang ba? Paano yung iba sa akin? How should I deal with them?

Naalala ko tuloy yung isang experience ko two weeks ago.

Eksena: Papasok na si Kk sa school. Sakay sa tricycle.
Buti na lang medyo maaga-aga ako nun sa usual kong pasok. Umandar ang tricycle. Mayamaya pa, nagmenor ito at parang titigil para isakay ang isang babaeng high school student mula sa public school sa amin. (NOTE: Wala sa national road yung school kaya bihira talagang pagsabayin ang mga pasahero ng private at public school.)Pero dahil nga mukhang isasakay sya ng driver, wala akong ibang choice kundi huminga ng malalim while these thoughts are running through my mind..

..Ano ba yan? Sana ako ang unang ihatid ng driver, dahil kung hindi, first time kong male-late pag nagkataon.
..Sana barya lang ang ibayad nung estudyante. O kaya naman e may pansukli si mamang driver. Karaniwan kasi P50 o P20 ang binabayad at wala pang pansukli ang driver.
..Sana hindi traffic papasok at palabas dun.
..Sana hindi sya dun sa annex ihahatid. Male-late talaga ako. AS IN!

At bigla ngang sinakay ang estudyante. Pagsakay nya, tumingin sya sa akin at ngumiti at sinabing..

“GOOD MORNING PO.”

Napangiti na lang ako at sumagot ng “GOOD MORNING DIN.”

Kk for Kaunahang Mansari

Oo,mansari ko lang ‘to. Asa pa naman akong sa aming dalawa ni THE ONE diba? Haha. ;p

5 posts, 1 page, 4 categories, 37 tags, at 36 comments.

Kakatuwa naman. I’ve been here for exactly one month, and it still amazes me to find other people’s comments on my posts. Natutuwa ako kasi marami na akong friends dito. Yeah, i now consider you as my friends. Touching diba? Hehe. Natutuwa din ako kasi sa kabila ng pagbi-busy-busy-han sa school e naiisip ko pa ring magkomento sa blog ng may blog, magsulat ng posts, sumagot sa mga comments sa posts ko, at problemahin ang lovelife ko. Ang galing-galing talaga. One month na din akong kinukulit ni THE ONE na ipakita ko na sa kanya itong blog ko, at one month ko na ring pinipilit sa kanya na joke lang ang ideyang nagba-blog nga ako. Haha. 🙂

Wala na akong maisulat. Wala na din akong maisip..kundi siya. Haha! Seriously, gusto ko lang talaga batiin ang sarili ko. Haha. Maruta ako e. Echosera. At bitter. Kaya sige, sa mga susunod na posts na lang ulit.

HAPI MANSARI ulit sa akin. 🙂

Alam ko, madagdagdagan pa ‘to ng marami pang mansaris. Syempre pa, KAYA KO ‘TO TEN TIMES diba? 😀

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , ,