Iimbak

Archive for Setyembre, 2010

Kk for Kami Na Nga Kaya? :”>

Setyembre 29, 2010 14 mga puna

^______________________________________________^

Ganyan ngayon ang ngiti ko: Maka-punit pisngi. ❤

Magkatext kami ni THE ONE nung Monday ng gabi, usapang emohan. Haha.

THE ONE: Sino ba ang pinaka nanakit sayo at iniyakan mo?

KK: Kasama ka ba sa choices? Haha.

THE ONE: Ako? Kung kasama, ako ba?

KK: Oo. Haha. Amps ka.

THE ONE: Bakit naman ako?

KK: Isipin mo na lang kung anong meron ang mga lalaking ito na wala ka (insert exbfs’ names here).

THE ONE: May kaagaw ka? Ai, mali ata. Hindi ko alam.

KK: Hai naku, wag ka na nga humula. Baka lalo lang ako masaktan sa isasagot mo. Haha.

THE ONE: Kasi wala akong pakialam sa feelings mo? Ganun ba?

KK: Aw. Parang. Haha.

THE ONE: Natumbok ba?

KK: Hindi masyado. Sige, sasabihin ko na nga. Sila-minahal nila ako. Ikaw-hindi. 

THE ONE: Eh mahal na naman kita..

KK: Hmmmm..

THE ONE: Yah..hehe..  I LOVE YOU.. no joke.. promise..

Ayun, natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi. Aw. Haha.

Parang ayoko maniwala. Hindi ko alam kung totoo pero parang ganun na nga. Kinabukasan, tinanong ko sya kung sigurado ba talaga sya sa sinabi nya. Oo daw. Nag-i love you ako. Nag-i love you din sya. Hmm..bago yun. Dati kasi, meron syang subscription sa Daily I Love You Messages ni Kaye, pero di naman nya sinasagot ng “i love you”.

Kanina, magkatext pa rin kami, tamang kulitan lang. Biglang out of the blue, nagtext sya: “I LOVE YOU”. Nagulat din lang ako. At marami pa syang ganung moments kanina. Nakakapanibago pero pwede namang matutunan e. Para akong gaga. Para akong nga-ngayon lang nagkaboypren. Para bang ngayon lang ako minahal. Haha. Nakakatawa lang kasi nagugulat pa din ako pag nagtetext sya ng “I LOVE YOU”. Oo, kinikilig ako. Hai.

Sa totoo lang, he’s been acting strangely these past few weeks. Napansin ko yun two weeks after kong nagpaalam sa kanya. (Refer to “Kk for Kailangan na ata..” para malaman ang sinasabi ko.) Dati kasi, pag weekends lang kami nagtetext, kasi busy daw sya sa pag-aaral, tsaka tipid sa load. Ngayon naman, 3 weeks na kaming nagtetext everyday. Ang katwiran nya, pag gusto daw, may paraan. Gumigising pa sya ng maaga para lang magkatext kami bago bumangon. Haha. Dati, hindi kami halos magkita sa loob ng two to three weeks. Ngayon, 3 weeks na kaming malimit magkita – isang oras man o isang minuto lang, basta magkita.  Yung tipong aagahan nya ang alis ng bahay nila para lang maintay ako at magkita kami bago ako pumasok sa umaga. O kaya naman, iintayin nya ako sa hapon kahit alam nyang may meeting pa kami. O kaya, bigla na lang syang susulpot sa may teachers’ lounge dahil di na nya ako maintay sa may gate. O kaya naman iintayin nya ng kalahating oras para lang makapag-dinner kami ng sabay.

Kakaaliw. Kakabaliw. Kakamangha. Kakataranta. Kakaloka. Hindi ko na alam kung ano ang itatawag sa kung ano mang namamagitan sa aming dalawa ngayon. Alangan namang ako pa ang magtanong kung boypren ko na ba sya. Parang tanga lang. Haha. Anlabo. Kumbaga sa math, (Kk + The ONE)/0 = undefined. Basta ang alam ko lang, masaya ako. SOBRANG HAPPY AKO DAHIL SA KANYA. Ganito pala ang feeling pag mahal ka ng mahal mo. Hai. Pakipadalhan na lang po ako ng isang trak na ban-eyd. Duguan na kasi ang pisngi ko sa kakangiti.

^______________________________________________^

 

 

 

 “…I just  can’t believe that you are mine now. You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can’t compare you with anything in this world. As endless as forever, our love will stay together. You’re all I need to be with FOREVERMORE…”  – Side A

Advertisements

Kk for Kaye Kontrabida

Setyembre 8, 2010 10 mga puna

Kilala nyo ba si Dexter Determinado at si Annie the Honest? Sila yung mga bata sa commercial ng milo. Nung napanood ko yun, nag-isip agad ako ng milo name ko. Kaye K______? Ano nga kaya? Kataba?  Kulit? Kyutipay? Korni?  Haha. Kadiri naman ang mga naiisip ko. Di bagay. Haha. Hanggang sa tinamad na ako mag-isip..

Hanggang kanina.. ting! KAYE KONTRABIDA. Bonggang-bongga! 😀

Siguro, kung mga estudyante ko ang pipili, lalo na ang advisory class ko, yan din ang pipiliin nila. Palagay ko kasi yan ang tingin nila sa akin. Lahat na lang pupunahin ko. Simula sa umaga, pagpasok ng gate, hanggang sa pag-uwi sa hapon.

SCENE 1- Sa labas ng gate, sa mga batang nakatambay pa

Kaye:  “Bakit anjan pa kayo? Pasok na. ”

SCENE 2- Sa flag ceremony

Kaye: “Pakiayos na agad ang pila. Umawit kayo.”

Kaye,bago mag-pass mula sa line: “Paki-tuck in ang t-shirt. Kung ayaw, maiwan dito sa pilahan.”

SCENE 3- Sa loob ng classroom

Kaye,bago pumasok sa room: “… … …” (di magsasalita,tititigan lang ang mga batang nagdadaldalan o wala sa proper seat. Pag umayos na, tsaka babati ng “Good Morning/Afternoon Class”)

Kaye,sa batang 3 times na hindi gumawa ng assignment: “May I have your Math notebook or your guidebook?” (then writes a letter to the parent) “I want to see your parent’s signature here tomorrow.”

Kaye,sa mga batang busy sa ibang bagay na walang kinalaman sa lesson: “Therefore, an angle bisector is…” “… … …” (di muna ulit magsasalita. Tititig lang muna sa mga bata. Pag umayos na, tsaka magpapatuloy.)

Kaye,habang nagku-quiz/exam at may lumingon sa katabi: “O. Lilingon ka pa.” without mentioning the name of the student. *This is one of my favorite scenes. Kasi naman, minsan, may mga batang bigla na lang sasagot ng “Hindi naman po ako nangongopya.” kahit na hindi ko naman talaga sya na-pinpoint. Laughtrip na pag ganun. Huli kasi agad kung sino ang guilty. Defensive masyado. Haha!*

SCENE 4 – Break time

Kaye, sa mga batang nakaupo sa hagdan: “Mga ate, bawal umupo sa hagdan diba? Wala na bang upuan sa may ____?”

Kaye, sa mga batang pumapasok sa EXIT door at lumalabas sa ENTRANCE door ng canteen: “Ops. Pakibasa. Balik. ”

SCENE 5- pag past 5:30 na at may mga bata pang nakatambay sa labas ng school

Kaye: “Bakit di pa kayo umuuwi? Hapon na.”

Isama pa jan ang pagpuna sa di naglelecture, di nagbubura ng board, di nagbabalik ng return slips ng mga sulat, di nagpa-practice para sa contest, pagsisinungaling, pag-absent, and the list goes on. It’s almost endless. *No wonder, paunti na ng paunti ang nalilinlang ng kagandahan ko. Noong first year of teaching ko, may ilan ring mga binata ang nahuhumaling sa akin. Aw. Joke lamang po. Haha. Ngayon naman, fifth school year ko na, bagya pa makaisa.* Haha.

Kidding aside, napaisip nga naman ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras, atensyon, lakas at kagandahan ang mga bagay na ginagawa ko? Sadya ba talagang tamad at iresponsable na ang mga bata ngayon? O sadyang pakialamera lang talaga ako at perfect?  

Naisip ko din, pag nakinig ba sila sa akin at naging successful sila sa buhay nila, will I gain anything from it? Syempre, magiging masaya ko. Pero in terms of material things, wala naman diba? Hindi naman yun tipong “Congrats, Ms.Kaye! Magkakaroon ka ng P150,000 na increase sa sweldo dahil 25 out of your 29 students who took the board exam passed,and 8 of which are in the top 10.” or something of that sort. Diba? Tapos, pag hindi naman sila nakinig sa mga tagubilin ko at napariwara sila at naligaw ng landas, will I lose anything from it? Syempre, malulungkot ako. Pero again,in terms of material things, wala din naman diba? Hindi din naman yun tipong “I’m sorry,Ms.Kaye but I have to fire you. Estudyante mo pala yung nanghostage nung isang linggo,  tambay dun sa kanto na nakipagbasag-ulo..” oh, forget it. Parang di ko maatim na makakarinig ako ng ganung balita. Grabe diba? Madudurog ang puso ko pag may nakarating sa akin na ganun. Hai.

At dahil jan, naisip ko, ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMALASAKIT.

Ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMAHAL.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging MAGULANG.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging GURO.

Salamat sa mga magulang at guardians na nakausap ko nung nag-report card distribution kami noong Saturday. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, nasa tamang landas pa rin pala ako sa pagiging guro. Bwahaha! Si Kaye Kontrabida pa rin nga ako! Bwahaha!

Ikaw, ano ang Milo name mo? ;D