Iimbak

Archive for Oktubre, 2010

Kk for Kalma Lang

Oktubre 17, 2010 11 mga puna

Nagsimba ako kaninang 6am. Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.

Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.

Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.

At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.

PRAISE GOD ten times!  😀

Advertisements

Kk for Kumplikasyon sa Puso

Oktubre 16, 2010 7 mga puna

Oct.3, Sunday. As usual, he is attending the second mass. Me and my members will be singing for the third mass. At syempre, nagkita kami bago sya umuwi at bago ako pumasok sa simbahan. Tamang apiran lang. Tropang-tropa lang talaga. Kwento ng konti. Very casual. Ayoko naman kasing maging awkward ang feeling namin dahil baka sa text lang pala nya ako mahal at naglolokohan lang kami at lumabas na ilusyonada lang ako. Aw. Emo. Haha.

KK: O, sige na, umuwi ka na. Di ka pa ata nakakalaba e.

THE ONE: Oo nga. Pero konti lang yun. Pero sobrang dami ko pang gagawin.

KK: Lakad na. Ba-bye. Ingat.

THE ONE: I love you. (ngiti sabay talikod)

KK: …  …. (napanganga, natulala,at speechless for a few seconds)

THE ONE: (naglakad na palayo)

KK: I love you too. (waw, narinig pa nya.)

Grabe ang feeling. Tumigil bigla ang mundo ko. Ai, hindi pala. Ako lang pala ang natigilan. Haha. So ganun na nga ang standing naming dalawa. Sinabi na nya personally na mahal nya ako. Ano yun? Boypren ko na ba sya at gelpren na nya ako? Hmm.. Naisip ko naman, hindi na naman mahalaga na bigyan pa namin ng pangalan ang relasyong ito. Ang mas mahalaga e yung alam na namin na mahal namin ang isa’t-isa.

Nung kinwento ko yun sa isang kaibigan ko, sabi nya, hindi daw ba mas madali kung malinaw ang lahat sa aming dalawa? Yung alam namin kung ano ba talaga kami. Para at least, pwede na kaming magdemand from each other. May karapatan na magselos, may karapatan na magbawal, may karapatan na malaman kung nasaan ang isa at kung ano-ano pang mga karapatan.

Pero naisip ko, dati na naman kaming ganun ni THE ONE. Alam nyang selosa ako at pinagseselosan ko yung Super-Mega-Grabeng Feelingerang Froglet nyang Friendship.  Sinasabi nya na dapat daw, sinasabi ko sa kanya kung nasaan ako. Ibig sabihin, kailangan i-inform ko sya kung saan ako pupunta kahit wala syang load at hindi nya ako mare-replyan. May extra load naman daw ako lagi kaya maiitext ko sya lagi. Edi parang ganun na din yun. Kung may nabago man sa aming dalawa, alam na namin ngayon na mahal namin ang isa’t-isa.

Tapos naisip ko pa, kailangan ko ba syang bawalan? Halimbawa, sa pagdodota. Oo, pinapaalam nya na magco-computer muna sya, kaya hinahayaan ko lang sya. Kahit na ba dapat yung oras na yun e quality time na namin. Haha. Maarte ako. May nalalaman pa akong quality time ngayon, samantalang dati, di yun nagpapaalam na may gagawin sya.  Haha.

Diba? Naisip ko talaga, kailangan bang magbago na kami ng routines sa buhay dahil mahal na namin ang isa’t-isa?

Kailangan ko nga bang magdemand na dapat itetext na nya ako lagi? As in everyday? E diba dati naman, weekends lang kami nagkakatext talaga? Fixed na yun at wala namang problema sa akin yun. Medyo nabago lang yun nung “ligawan stage” namin. Oo, feeling ko, yun na yung ligawan stage namin. Yung three weeks na araw-araw kaming nagtetext at malimit din kaming nagkikita. Hai. Kasi naman ngayon, di kami nagkita o nagkatext man lang the whole week. Finals week kasi nila. Ayoko namang makaabala. Hai talaga. At dahil dyan, sinusumpong na ako ng kapraningan. Haist.

Ano bang tawag sa akin? Gaga? Martir? Understanding? Ambisyosa? Nananaginip? All of the above? None of the above? Hai.

Sana KAYANIN KO PA ‘TO TEN TIMES. X-/

Kk for Karibal ba?

Oktubre 7, 2010 13 mga puna

Nanonood ako ng Magkaribal kanina, at BOOM! Bongga! Sounds familiar? Gelai, ako ba yan? Rar. Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun. E teka, ano bang pinagsasasabi ko?

Some few years ago, I fell in love with this guy and stayed in our on-off relationship for over a year and a month. He was actually my first “legal” boyfriend, but my family doesn’t like him that much. I also had the chance to meet his family, and they loved me so. Haha. Of course, I’m such a sweet, pretty girl. But then, it ended up as a tragedy. Good girl meets Bad boy. Against all odds. My mother has a lot to say.  I love him but I have to say goodbye. Tragic. But wait, there’s more!

The broke up happened at around April, and so, I tried to move on. But by December that same year, he began texting and calling me again..telling me he misses me, he still loves me, and we should get back together. Cool. Wait, I haven’t moved on that far yet, maybe I could still go back, I thought. Until one night…

He texted me. Something’s bothering him. As in something really, really bothering. He got his “bestfriend” pregnant. Stupid. I asked him why, and his answer was, “Intindihin mo naman ako. Lalaki lang ako. Punta sya ng punta lagi sa bahay, natukso lang ako.” And he was apologizing all throughout. (Teka lang, time out muna. Feeling ko, sumasakit ang dibdib ko dahil sa mga pinagsususulat ko dito. Amps.)

Okay, going back to the story, here’s something more. HE ASKED ME TO MARRY HIM. Yeah right. He’s 21 and I’m 22. I asked him why, and he gave me a list of stupid reasons. He doesn’t love her. His family loves me. The girl’s family will sue him if he won’t support her and their child. If we’ll get married, then he’ll have a reason not to marry that girl. And he was pleading just for me to marry him. If I’ll just accept his proposal, his family will be at our house the next day and ask for my parents’ blessing. So stupid.  And I was crying all along.

But far worse than a guy trying to escape his responsibility is a girl trying to think if it was all worth the risk… and that would be ME.

Imagine, ang sinagot ko lang sa kanya,”saglit lang, hayaan mo muna akong mag-isip..” Haha. Alamat ng Gaga pala dapat ang title nito. Haha. Grabe noh? Mahal na mahal ko kaya yun. And I was so confused. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa sobrang bilis at dami ng tumatakbo sa utak ko. Akala ko nga, may stampede na. Eto ang mga naisip ko:

  • Handa na ba akong mag-asawa? Marunong akong maglaba, maglinis, at magplantsa. Magluto? Magaling naman sya dun, kaya di ko na kailangang problemahin yun.
  • Marunong na ba akong mag-alaga ng bata? Naku,baka nga di ko mahugasan yun pag jumebs e..Huhu.
  • Saan kami titira? Malamang dun sa bahay nila dahil baka wala na akong mukhang maihaharap sa magulang ko pag nalaman nila ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin.
  • Paano kami mabubuhay? Ano yun? Ako ang magta-trabaho para mabuhay kami? Di pa kasi sya guma-graduate that time.
  • Paano yung magiging anak nila? Edi walang tatay? Oo, malamang. Aagawan ko nga diba? Maaatim ko ba yun?Hmm.. pagdating ng future, isa na din yun sa mga batang po-problemahin ng teachers dahil walang tatay na gagabay.
  • Hindi kaya tumutol sa kasal namin yung babae? Aw. Artista? Teleserye? Basta, feeling ko pwede din yun mangyari sa totoong buhay. Hai.
  • Paano kung manggulo yung babae pag mag-asawa na kami? Aw ulit. Peace-loving citizen of the world naman ako ah, ayoko ng eskandalo.
  • E diba mahal ko sya? If I let this chance just pass me by, there won’t be any next times. Di ko na sya mahahabol pag pinakawalan ko pa sya.
  • Ano kayang sasabihin ng nanay at tatay ko? For sure, di matutuwa yung mga yun. Basta. Sino bang magulang ang matutuwa ng ganun? Panakipbutas lang ang anak nila kaya nakapag-asawa.

At dun natapos yun sa huling tanong ko. At sumagot ako ng hindi. Ayoko pala. Naisip ko ang nanay at tatay ko. Ganun na ba ako ka-selfish at talagang kahihiyan na lang ang kaya kong ibigay sa kanila?

Napapatawa na lang tuloy ako sa Magkaribal. Magpapakasal pa rin si Gelai kay Louie kahit na alam nyang nabuntis na nun si Victoria. Para tuloy gusto kong abangan na lang sa mga susunod na gabi kung anong mangyayari sa kanila. Diba? At least, magka-ideya man lang ako kung ano nga bang nangyayari pag ganun. Haha. Bruha talaga ako. ;D