Iimbak

Archive for Marso, 2013

Kk for Kaninang Umaga Lang

Marso 22, 2013 2 mga puna

Nagulat ako. Pag-uwi ko, nalaman kong ikakasal na pala ako.

Bakit hindi ko alam? Ano ‘to, lokohan? Bakit bukas na yun? Agad-agad?

Hmmmm.. Kalma, Kaye…bilang muna.. 1 to 10.

Tanong muna, kanino? Kay Ano daw.

Oh? Officemate ko yun ah! Teka lang, kalma. Okay lang sa kanya? Bakit hindi nya ako sinabihan? Kala ko sa pelikula lang ‘to nangyayari?

Saglit, bakit pinapapagbihis nyo na ako ngayon? Kala ko ba bukas pa ang kasal? Hindi pa ako nakakapagsabi sa HR sa office. Hmmm.. sige, okay lang. Pwede naman ‘tong i-file na Emergency Leave e. Itetext ko na nga lang si Ms. M. Seven days din yun. Sarap.

Bakit ba nagmamadali lahat ng tao sa paligid ko?

Ayun, nakita ko na din si Ano! “Huuuuuuuuyy.. teka! Ano ‘to?!” “Saglit, iche-check ko lang kung may essay ako.” “Saan tayo pupunta?”

Bakit andito si ACM J? Wow! May regalo ang opisina? Taray, hotel accommodation. Hihihi. Gusto ko ‘to!

Teka, kanino nga ulit ako ikakasal? Bakit? Naku, e hindi ko naman sya mahal. “Ginagawa naman nya ang lahat para sa’yo ah.” “Huh?! Ganun ba yun?”

“Saglit! Nasabihan nyo ba si Madam A? Pakipuntahan naman sya. Sabi ko kasi, sya ang unang-unang makakaalam pag ikakasal na ako. Pag wala sya sa bahay nila, siguradong nasa school lang yun. Andun naman yun lagi kadalasan e.”

O, asan na si Ano? Ayun! Hahaha! Mapayat, matangkad, mejo maputi-puti… Hindi naman ganun ang tipo kong lalaki ah. Hahaha. Nababaliw na ata silang lahat. Hmmm… Ah..may goatie naman pala sya. Cute. Sige, pwede na din.

Bakit sya naka-cowboy hat? Hahahahaha! Weird.

Oo nga, ginagawa nya lahat para mapasaya lang ako. Hindi katulad ng iba jan. Hmp.

Baka naman nga madali ko na din lang syang matututunang mahalin. Haaaaayyy..

Lalapitan ko na nga. Kakahiya naman sa kanya.

“Hmmm..Ano…E… Thank you ha…”

ODK! Hahalikan nya ba ako?

Sabi ng scumbag brain ko, lumingon muna ako sa kaliwa..

***POOF!

Nawala sya sa paningin ko. Nakalimutan ko kung anong pangalan nya. Nakalimutan ko kung sino ba sya talaga. Watda.. Nananaginip lang pala ako! Tsss…

Kaye-baliwan ten times! x_X

Advertisements

Kk for Kasipagan Challenge – Day Eight

Marso 11, 2013 12 mga puna

10 – Day Blog Challenge Day EIGHT: 3 Turn Ons

 

Wala na ‘tong intro-intro pa. Hindi ako makatulog kaya magsusulat na lang ako. Eto na ang top 3 ko. Hehe. 😀

 

May sense of humor. Siguro kasi dahil makulit din ako, at mahilig din akong maghihirit ng kung ano-anong kakornihan kabulastugan, kaya bet ko ang lalaking may sense of humor. Feeling ko kasi, mataas ang IQ ng mga ganitong lalaki. Feeling ko lang yun ha? Kasi kailangan ng tamang hirit, tamang timing, at tamang delivery. Kailangan ng matinding ninja moves dito. Hehe. Tsaka mas okay na yung napapatawa ako kesa naman yung napapaiyak ako. Hihi.

 

May musical inclination. Para sa akin, nakaka-attract ang lalaking may talent sa music. Nakaka-gwapo pag kumanta (tulad ni Richard Poon. Ai, gwapo na pala talaga yun! Sige, tulad na lang ni Pareng Jay. Hihi.). O tumutugtog ng gitara (tulad ni Sungha Jung o kahit tulad na lang ni Bert. Hihi. ), o ng violin (tulad ni Jun Sung Ahn), o ng drums, o ng keyboard, o ng cajon. Pag marunong magconduct, ayos din. Big time ba masyado? Hehe. Hindi naman yung galing ang napapansin ko e, yung passion sa ginagawa. 😉

 

Yung family-oriented. Feeling ko kasi, pag ang lalaki, mapagmahal sa magulang nya at sa mga kapatid nya, ganun din sya sa magiging pamilya nya in the future. Yung tipong husband material at may potensyal na maging responsableng tatay din. 🙂

 

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

 

And/Or ang listahang ito ha. Andun sa Day Three ang iba pang kaartehan ko sa buhay. Haha.

Pag po nakasalubong nyo na ang lalaking may mga katangiang nabanggit sa itaas, maari po lamang na ipagbigay-alam ito sa akin. Malugod ko pong tatanggapin ang inyong mga mungkahi. LOL. :p

 

Pagbigyan nyo na ang kalokahan ko. Masaya lang kasi Monday na ulit. Hehe.

Kaya ko ‘to TEN TIMES. ^_^

Kk for Kaka-ewan lang…

…kasi Wednesday pa lang ngayon.
…kasi di kami makakapag-Chillax mamayang uwian.
…kasi matagal pang kailangang i-stretch ang budget.
…kasi lango na naman ako sa antok dulot ng paputol-putol na tulog kagabi.
…kasi di makakainom ng dalawang boteng San Mig light mamaya.
…kasi di ko sila mapapanood mamaya.
…kasi hindi ka pa bumabalik.
…kasi kanina pa akong 1:30 dito sa opisina.
…kasi 6:30 pa ako nagsimula magklase.
…kasi sa Biyernes pa ang sahod.
…kasi di ko matapos-tapos ang dapat tapusin.
…kasi sinumpong na naman ng sakit.
…kasi di naaprubahan ang leave ko sa March 28.
…kasi reklamador ako.
…kasi napanaginipan ko si ninja bro.
…kasi sabi nya napanaginipan din nya ako.
…kasi atat na akong mag-Sky Ranch sa weekend.
…kasi di ako sanay na walang ginagawa. (lol. di lang talaga ginagawa)
…kasi Wednesday na.

 

Ah basta. Basta na nakadahilan. Na-LSS lang naman talaga ako sa kanta ni Nyoy. Nakaka-ewan talaga. Teka, nasaan ka na nga ba? 

 

Kanta-kanta din TEN TIMES. 🙂

Kk for Kasipagan Challenge – Day Seven

10 – Day Blog Challenge Day SEVEN: 4 Turn Offs

 

Una sa lahat, simula nung pumasok ako para mag-aral maging guro, napagtanto-tanto kong ang guro dapat ay mayroong bukas na puso para sa lahat. Kahit na anong klase ng itsura, ugali, amoy, at estado ng estudyante pa yan. At yun naman nga ako – MAPAGMAHAL. (naks, char char lang. lol.) Pero katulad nga ng depenisyon ni Kuya Cheese sa terminong “Turn Offs”, hindi ko ito ina-apply sa lahat ng tao. Sa mga prospects lang, ika nga. Hihi. *Wag nyo masyadong seryosohin ha?* 😉

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

 

– Conceited, vain, self-proclaimed, at iba pang mga kapatid ng mga salitang ito. Hello?! Oo na nga, obvious na mukhang gago gwapo sya o tarantado talentado. At sige, maraming nagkakagusto sa kanya, posibleng kasama pa din nga ako dun. Okay lang na i-joke paminsan-minsan, pero hindi naman kailangang ipagsigawan yun sa buong sangkatauhan minu-minuto. Si Coco Martin nga, parang hindi naman sinusubukang gawin yun e. Magkape para kabahan sa sinasabi mo. Eto o. cl_l Hihi.  May pa-swag-swag pang nalalaman, ipa-swag ko kaya sa kalabaw ng kapitbahay namin? Hahaha.

 

– BO (in any form). Tinuruan naman siguro tayong lahat ng proper hygiene sa school noong nasa elementary pa lang tayo, at imposibleng may hindi naka-gets yun. Kasi parang nakakapanliit naman kung reregaluhan ko pa ng toothbrush o deodorant diba? Tsaka kaya nga hindi na ako umulit pa ng pagbili ng Chili Con Carne sa Wendy’s e. Hahaha! Pero hindi ko din naman inaasahang maging kasing-bango sya ng mga lalaki sa commercials ng Axe dahil malamang hindi ko din gugustuhing mapalapit sa kanya. Sakto na ako sa neutral na amoy. Konting pabango ay ayos na din. Hihi.

 

– J3j3m0n. e3ouWsZxs pF0zXs?! Suntukan na lang o. jejeje.

 

– Bastos. 2 klaseng bastos ang ayoko. A) Yung bastos at di rumerespeto lalong-lalo na sa magulang/nakakatanda. Hindi ko sinasabing dapat lagi may ‘po’ at ‘opo’ pag kinakausap sila. Wala yun sa structure ng sentences e, nasa content na yun. Halimbawa: “Antanga-tanga mo naman, Nay!” Asus, sana hindi na lang tinawag na nanay. At sana sinundan na din ng “P*t*ng*na naman po!” para nasulit ang kabastusan. Haha. at B) Yung bastos na pervert. Alam kong may mga oras din namang kailangang maglandian kuminsan, pero wag namang SUPERMAN as in SUPER MANiac. Kahit nga si DJ Alvaro, ang sabi diba, “Ang tipo kong lalaki – maginoo pero MEDYO bastos.” MEDYO lang, hindi to the highest level. Pangalan pa nga lang ang alam mo, itatanong mo na agad kung virgin pa sya. Ano ‘to, lokohan?!

 

At bago ko ito tapusin, ibabahagi ko muna ang munting kaisipang sinabi sa akin ni nanay seven years ago: “Anak, hindi naman ibig sabihing nakakita ka na ng gwapo o mayaman, yun na agad. Pipili-pili din naman. Kaya nga mas mataas ang isip kaysa sa puso e.”
Na dinugtungan ko naman ng “At kaya nga mas mataas ang puso kaysa sa puson.” BOOM!

 

Nagmamaganda lang TEN TIMES. 😉