Kk for Kung Sino at Kung Bakit

Sino ako?  Ako si Kaye. Yun lang. Kk?

Birthday: Nung pinanganak ako,  limang buwan at labintatlong araw pa lang ang nakakalipas mula nung nag-People Power 1. Wala naman. Gusto ko lang bilangin kasi matuos akong tao at mahilig ako sa math.

Profession: Part-time lover, full-time friend. ;p At dahil nga mahilig ako sa math, yun ang pinagkakaabalahan ko ngayon. Magturo. Opo, guro nga ako. Walang aangal. **Hindi na nga pala ako math teacher ngayon. Pagiging online teacher na sa mga Kpop ang pinagkakaabalahan ko. Hindi ko din ba alam kung bakit ako napadpad dito. Siguro, para makilala ko kayo. At ikaw. 🙂 [UPDATED: May 20,2013]

Bakit “kyakototentimes“? Yan kasi ang paborito kong motivation sa mga bata. Nagsimula yan nung medyo nahirapan na talaga yung mga estudyante ko na intindihin yung lesson namin. (Naalala ko bigla na may nagsabi sa akin dati na “You are what you repeatedly do.”  Diba?  So yun nga, sabi ko sa mga bata, “Sabihin nyo nga ang ‘KAYA KO ‘TO’ ten times. Kailangan nga lang e maniwala kayo na kaya nyo nga. Yung paloko-loko dyan, asahan nyo na hindi nyo nga ito kakayanin.” And true indeed, pagkatapos nun, biglang parang gets na nila agad yung sinasabi ko. Kahit yung batang napakadalang maka-recite ng tama, biglang napa-recite ng tama. Astig. Hindi ko alam pero feeling ko, biglang nagpadala si Lord ng sangkaterbang mga anghel at sinagip ako. Haha. Pero syempre, may mga batang maloloko pa rin, ang sabi nila, “pwede po bang pag tinatamad, sabihin na lang e ‘KAYA KO ‘TO TEN TIMES’?” Haha. Ayun. Kaya simula nun, naging trademark ko na yun sa batch na yun. <end of story> Haba. :)))

Bakit merong “Ang Letter Kk“? Napag-usapan kasi namin ni THE ONE  na may bago na akong hobby. Blogging. Kinukulit nya ako kung alin nga dito yung blog ko. Pero syempre, hindi ko sinabi for two reasons.

1) Ayoko kayang malaman nya na pinost ko dito yung letter ko sa kanya. Haha. ;

at 2) Gusto kong magkaroon ng PRIVATE LIFE PUBLICLY. Magulo ba? Ganito kasi yun,andami-dami kong gustong i-share at i-express..opinions, ideas, feelings.. Pero dahil andami laging matang nagmamasid sa mga katulad kong teacher, hindi ko magawa. Kaya gusto ko magkaroon ng mundo na masasabi ko ang gusto ko nang hindi nahuhusgahan sa kung ano ako.

Pero syempre, yung number 2 reason lang ang sinabi  ko sa kanya. Haha. Baka kasi pag nalaman nya yung number 1, ay naku! Hindi ko na lang alam. Haha. Pag nalaman nya na ‘to at hindi kagandahan ang naging reaksyon nya, malamang tumigil na ako.

Pero habang hindi pa, go lang! Sulat lang ng sulat! Syempre pa, KAYA KO ‘TO TEN TIMES! ❤

~Written – June 18, 2010, 8:13 pm

 

Ngayon, wala na si THE ONE. Hindi na din nya ata nalaman ang tungkol sa blog na ‘to.

Madami nang nabago, pero ako pa rin ito. Yun nga lang, STRONGER and BETTER. Hindi STRANGER and BITTER. Hihi.

[UPDATED: May 20,2013]

Advertisements
  1. Hunyo 24, 2010 bandang 9:07 hapon

    susubukan ko hulaan kung sino si THE ONE, un e kung may blog sya. nice blog teacher kaye! kk?!

    • Hunyo 24, 2010 bandang 9:44 hapon

      hi kuya ilocano! salamat po sa pagbisita. thanks din po for the appreciation. 🙂

      haha. sino po ba sa hula mo si THE ONE? haha. naku, di mo po mahuhulaan yun. wala syang blog e. haha. 😉

      • Hunyo 28, 2010 bandang 9:51 hapon

        hahaha! madali lang kung gusto mo talaga mabuking. hehehe. nasa IP Address mo lang kasi yan. pero wag na lang para tuloy-tuloy pa din blog mo. 🙂

        san ka pala nagtuturo (bayan na lang) kasi maganda school nyo para dyan ko pag-aralin mga anak ko. anong grade pala tinuturo mo?

        • Hunyo 30, 2010 bandang 7:47 hapon

          haha. wala naman pong blog dito si THE ONE. hehe. 😀

          naku, secret po kung san ako nagtuturo, kahit yung location. haha. hindi po elem ang tinuturuan ko e. High school. 😀

  2. Setyembre 21, 2010 bandang 8:11 hapon

    nice meeting you po mam!

    • Setyembre 24, 2010 bandang 9:11 hapon

      sir pong! nice meeting you din po. salamat po at naligaw kayo dito sa aking mumunting pahina. it’s such an honor. nakakatuwa dahil parang sa pages lang ng mga big time bloggers ko lang nakikita ang comments mo, tapos andito ka na. 😀

  3. Oktubre 7, 2010 bandang 9:53 umaga

    Parang narinig ko na yang “kaya ko to, ten times” di ko lang maalala kung saan.

    Ah alam ko na! Kay Rock Lee ng konoha.

    ~
    Magandang araw!

    • Oktubre 9, 2010 bandang 10:45 hapon

      hi diwata. magandang araw din! 🙂

      nagulat naman ako nung nabasa ko yung simula ng comment mo. kala ko ang karugtong nun e yung pangalan ko. haha. naisip ko agad, patay! estudyante ko to. haha. :)))

      sino si rock lee? hehe.. di kasi kami close. 🙂

  4. Nobyembre 14, 2010 bandang 5:45 hapon

    Ay! muntik! basta wala na lang sabihan ng pangalan. 🙂

    Isa siyang ninja ng Konoha. Sa bawat parte ng buhay nya, motivation nya na higitan palagi kung ano mang meron sya sa pangkasalukuyan. (Naruto)

    (Ang tagal ng reply na ‘to ah)

  5. Hunyo 28, 2013 bandang 10:44 umaga

    Di ko alam pero dito talaga ako napahinto: “Siguro, para makilala ko kayo. At ikaw. [UPDATED: May 20,2013]”. Tapos binalikan ko uli yung latest mong post at napangiti.

    hihihi…thanks for following. 😀

    • Hulyo 2, 2013 bandang 10:53 hapon

      Hihi! Kasi naman.. *tonong kinikilig na teenager.ewwww* Hihi.

      Lab lab lab lang. ❤

      Yes, you're welcome. Di pa nga ako nakakadalaw sa blog mo. Busy-busyhan pa e. Hihi. 🙂

  6. Marso 3, 2014 bandang 9:38 hapon

    Salamat sa pag-follow ng aking munting blog. 🙂

  7. Marso 25, 2014 bandang 10:06 umaga

    Hello. Napadaan lang po. Na-curious kasi ako ano yung “kyakoto” yun pala Kaya ko to! Haha. Nice thought for a boring office Tuesday morning. 🙂

    • Marso 26, 2014 bandang 7:14 hapon

      Hello! Thanks for dropping by. Daan ka ulit minsan ha. 🙂

  8. Enero 5, 2015 bandang 3:25 hapon

    Hi Ms. Kk 🙂 Kaya to to ten times!!! Astig! 🙂

    • Pebrero 4, 2015 bandang 8:49 hapon

      Hi, doc! Naks, may doktor na naligaw dito. Salamat po sa pagdaan. 🙂

      • Pebrero 5, 2015 bandang 11:30 umaga

        walang anuman! Dadaan ulit ako sa uulitin 🙂

  1. Pebrero 3, 2013 bandang 11:30 hapon
  2. Mayo 20, 2013 bandang 5:59 hapon

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: