Kk for Kaligayahan Challenge Day 022

This day is a really amazing one for me.

Sama-sama kami nagsimba kanina – ako, si nanay, si tatay, at si BOYFRIEND! πŸ™‚

It is indeed a VERY HAPPY WEEKEND! πŸ™‚

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Kk for Kaligayahan Challenge Day 020

I did a random act of kindness to a stranger.

Salbahe ba ako kasi shinare ko pa? Haha! I don’t intend to brag what I did. I only wanted to share what made me happy today.

Kakaibang HAPPINESS. πŸ™‚

Kk for Kaligayahan Challenge Day 019

ULALAMMM Bistek Walastik made my day. Good job! Hindi ako nagkamali sa pagbili ng extra half rice. LOL.

At 10th monthsary namin ni Boyfriend ngayon. <3<3<3

Kk for Kaligayahan Challenge Day 018

Para sa isang taong may Wednesday sickness (na hindi ko alam kung saan nagmumula), struggle pa rin sa akin na hanapin ang happiness pag Wednesday.

Pero kanina, habang kausap ko yung isang 8-year old student ko, tinanong ko sya: “Why are you happy today?”

Ang sagot nya: “Because I think so. Because I want to.”

Napangiti naman ako dun. Oo nga naman. πŸ™‚

Kk for Kaligayahan Challenge Day 017

1) First time ko maghandle ng Group Class na Phonics pa ang lesson. Nakakaloka. Nakakatawa. Nakakatuwa. Nag-enjoy kasi ako. πŸ™‚

2) The last class on my schedule ended at 22:35KT.

Kelan pa ba ang huling beses na na-experience ko ito? Magdadalawang taon na ata ang nakalipas. Haha!

Hayahay ang buhay. πŸ™‚

Kk for Kaligayahan Challenge Day 013-016

Waaah.. Pwede ba ang magdaya at pagsama-samahin na ang mga nakaraang araw into one post? Haha!

Syempre, blog ko ‘to, hindi na din kayo makakatanggi diba? Lol.
**kaya nga ba walang bumibisita masyado dito e. Puro kabalbalan lang ang alam ko. hahaha. **

Anyway, hindi naman ibig sabihing hindi ako nakapagsulat since last Friday e hindi ako naging matagumpay to find what makes me happy .

Day 013 – Friday
– Hindi ako nakapagsulat kasi andito na naman ang isa sa aking friends na bumisita nung isang linggo. Past 5pm, tinext nya ako kung anong oras daw ang break ko, pupunta daw sya sa office. Ayun, chikahan to the max na naman. May pasalubong pang caramel sundae. Magte-ten na ata nung umuwi sya kasi sunod-sunod na nun ang classes ko.
Na-realize ko tuloy na nagiging mabuti naman pala akong kaibigan paminsan-minsan. Hahahah! Kasi wala na naman talaga syang ibang sinadya dito sa office kundi ako. May kabutihan pa din pala akong taglay. Hihi. πŸ™‚

Day 014 – Saturday
– Ngarag ang beauty ko sa isang oras at kalahating pagpapabalik-balik sa dating boarding house at sa bagong boarding house. Nakakaloka. Kala ko mapuputol na ang mga balikat at kamay ko e. Kung sumali pala ako sa The Biggest Loser, malamang ako ang nanalo sa mga ganung klaseng challenges. Hahaha!
Anyway, ayun, awa naman ni Lord e naging successful naman ako. Nakuha ko pang ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko sa kabila ng ilang attempts na sumuko at kumausap na ng mga bata sa kapitbahay na ipagbitbit ako ng mga gamit sa halagang P100. Haha. Tsaka nakuha ko na din ang refund ko, kaya feeling ko, sulit ang ginawa ko. Hahahha!
Ah, eto pa pala, sinamahan ko magpa-check up sa cardiologist si Mother Earth, kasi nagka-heart attack sya last November. Ang good news dito, binawasan na yung mga gamot na iniinom nya. May mga tinanggal na na gamot, meron namang binabaan na ang dosage, at meron namang binawasan na ang number. Praise God! Naaawa na ako sa nanay ko pag nakikita ko syang umiinom ng sandamakmak na gamot e. πŸ™‚

Day 015 – Sunday
– Binilhan kami ni Mother Earth ng bagong gadget. Hihi. Well, it was more than what I expected. Ay, actually, hindi talaga yun libre kasi babayaran namin ni ate yun kasi credit card nya yung ginagamit. Hahahah! Anyway, mabuti na din yun na bumili nito, para di naman ako nalulungkot kasi mag-isa na lang ako talaga ngayon sa nilipatan kong boarding house.

Day 016 – Monday
– Manic Monday sa iba. Panic Monday sa akin. Hahaha! Bakit kasi mas masarap matulog pag Monday ng umaga e?! Edi Plan A ako, sumakay ng aircon bus hanggang sakayan ng van. Pero pagdating ko sa terminal ng bus, wala pang sakay kahit isa! Oh no..
Buti na lang at may Plan B – sumakay sa ordinary na bus na saktong papaalis na pagkarating ko. Pagbaba ko sa sakayan ng van, oh no! Nasaan ang van? Shemay, yun pala yung kakaalis lang. Kala ko, pa-Calamba yung kasalubong ng bus. Rawr!
Buti na lang at may Plan C – sumakay ng aircon bus ulit papunta sa isa pa ulit sakayan ng van. Haaay! At salamat naman, malapit na mapuno nung dumating ako.
So, maaga pa naman ako nakarating sa office. Kala ko, aabot ako sa Plan Z e. Haha!

Magulo ba? Mahaba ba? Madaldal ba? Oo noh? Hayaan nyo na, ganyan talaga, Panic Monday e. :p