Iimbak

Posts Tagged ‘akala’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 013-016

Waaah.. Pwede ba ang magdaya at pagsama-samahin na ang mga nakaraang araw into one post? Haha!

Syempre, blog ko ‘to, hindi na din kayo makakatanggi diba? Lol.
**kaya nga ba walang bumibisita masyado dito e. Puro kabalbalan lang ang alam ko. hahaha. **

Anyway, hindi naman ibig sabihing hindi ako nakapagsulat since last Friday e hindi ako naging matagumpay to find what makes me happy .

Day 013 – Friday
– Hindi ako nakapagsulat kasi andito na naman ang isa sa aking friends na bumisita nung isang linggo. Past 5pm, tinext nya ako kung anong oras daw ang break ko, pupunta daw sya sa office. Ayun, chikahan to the max na naman. May pasalubong pang caramel sundae. Magte-ten na ata nung umuwi sya kasi sunod-sunod na nun ang classes ko.
Na-realize ko tuloy na nagiging mabuti naman pala akong kaibigan paminsan-minsan. Hahahah! Kasi wala na naman talaga syang ibang sinadya dito sa office kundi ako. May kabutihan pa din pala akong taglay. Hihi. ๐Ÿ™‚

Day 014 – Saturday
– Ngarag ang beauty ko sa isang oras at kalahating pagpapabalik-balik sa dating boarding house at sa bagong boarding house. Nakakaloka. Kala ko mapuputol na ang mga balikat at kamay ko e. Kung sumali pala ako sa The Biggest Loser, malamang ako ang nanalo sa mga ganung klaseng challenges. Hahaha!
Anyway, ayun, awa naman ni Lord e naging successful naman ako. Nakuha ko pang ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko sa kabila ng ilang attempts na sumuko at kumausap na ng mga bata sa kapitbahay na ipagbitbit ako ng mga gamit sa halagang P100. Haha. Tsaka nakuha ko na din ang refund ko, kaya feeling ko, sulit ang ginawa ko. Hahahha!
Ah, eto pa pala, sinamahan ko magpa-check up sa cardiologist si Mother Earth, kasi nagka-heart attack sya last November. Ang good news dito, binawasan na yung mga gamot na iniinom nya. May mga tinanggal na na gamot, meron namang binabaan na ang dosage, at meron namang binawasan na ang number. Praise God! Naaawa na ako sa nanay ko pag nakikita ko syang umiinom ng sandamakmak na gamot e. ๐Ÿ™‚

Day 015 – Sunday
– Binilhan kami ni Mother Earth ng bagong gadget. Hihi. Well, it was more than what I expected. Ay, actually, hindi talaga yun libre kasi babayaran namin ni ate yun kasi credit card nya yung ginagamit. Hahahah! Anyway, mabuti na din yun na bumili nito, para di naman ako nalulungkot kasi mag-isa na lang ako talaga ngayon sa nilipatan kong boarding house.

Day 016 – Monday
– Manic Monday sa iba. Panic Monday sa akin. Hahaha! Bakit kasi mas masarap matulog pag Monday ng umaga e?! Edi Plan A ako, sumakay ng aircon bus hanggang sakayan ng van. Pero pagdating ko sa terminal ng bus, wala pang sakay kahit isa! Oh no..
Buti na lang at may Plan B – sumakay sa ordinary na bus na saktong papaalis na pagkarating ko. Pagbaba ko sa sakayan ng van, oh no! Nasaan ang van? Shemay, yun pala yung kakaalis lang. Kala ko, pa-Calamba yung kasalubong ng bus. Rawr!
Buti na lang at may Plan C – sumakay ng aircon bus ulit papunta sa isa pa ulit sakayan ng van. Haaay! At salamat naman, malapit na mapuno nung dumating ako.
So, maaga pa naman ako nakarating sa office. Kala ko, aabot ako sa Plan Z e. Haha!

Magulo ba? Mahaba ba? Madaldal ba? Oo noh? Hayaan nyo na, ganyan talaga, Panic Monday e. :p

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 010

Marso 11, 2014 2 mga puna

Kahapon, sinilip ko ang schedule ko for today.

Ang total number of classes: 9.5

Pagsilip ko ngayon: 13

May new classes, may sub classes, at may make-up classes na napadagdag ngayong araw na ‘to.

Stressful ba? Isama pa ang mga kaibigan kong hindi ko matiis dahil love na love ko sila.ย 

Isabay pa ang biglang paglalaho ng isa kong student na napalipat sa ibang teacher na hindi naman nagpabago ng oras. Huhuhu. “Hello, IR” na ba ito?

Haaaayy.. nauubos na ang lakas ko.

Pero, madami akong natutunan mula sa araw na ito, at sa #100happydays na ito.

– Pabor din naman pala sa akin ang mga new/sub/make up classes dahil nadagdagan ang workload ko. Char! Mukhang incentive?! haha! Hindi.. nakakatuwa din kasi I get to meet new students today, maliban sa mga estudyante kong araw-araw kong kausap. Kumbaga, nagkaroon ng bagong flavor ang araw ko. ๐Ÿ™‚

– Kahit super jam-packed ang sched ko, I still managed to find time to help my dear friends. Nakakatuwang isipin na nakatulong din naman ako sa kanila in a way.

– Natutunan ko na i-overcome ang aking fear of the unknown. O diba, natatakot akong baka may IR na pala ako mayamaya o bukas na bukas din, e wala naman akong ginagawang masama. Kaya, tinanong ko mismo ang Kpop manager namin! Haha! Ako na ang nagtanong kung bakit. At sabi naman nya, wala daw negative feedback mula sa student. Natapos langย daw ang enrolment nya kaya biglang napalipat sa ibang teacher nung nag-renew sya. Edi kung hindi ko tinanong yun, edi araw-araw akong papasok sa opisina na para bang may bibitay sa akin mayamaya lang.

– And finally, ang pinakamahalaga kong natutunan mula sa Challenge na ito: ANG MAKITA ANG BAWAT POSITIBONG BAGAY SA MGA PANGYAYARI SA BUHAY. Grabe.. gusto ko na mamatay kanina dahil sa pagka-ngarag. Pero habang iniisip ko ang isusulat ko dito, bigla kong narealize na ang dami palang lessons na mapupulot sa araw na ito – which made me a better person today. At yun ang mas nakapagbigay sa akin ng HAPPINESS.

 

Praise God ten times! ๐Ÿ˜€

Kk for Kagandahan. :)

Abril 22, 2013 14 mga puna
popular din sa 9gag.com

mula sa memegenerator.net na sikat din sa 9gag.com

You can skip to video in 5..4..3..2..1.. SKIP AD.

Seriously? Meron bang nanonood talaga ng mga ads sa youtube except for me? LOL. Busy man ang Monday ko dahil sa bagong group class, pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi na ako makakapag-check ng mail, ng wp, at ng youtube. Pero dahil nga ako mahilig magmulti-tasking, ayun! Hindi ko na naabangan ang SKIP AD button na yan. At ang kinahinatnan, eto..

Ang naabutan ko lang kasi nung una e yung part na nagssketch na yung lalaki. At dahil isa yun sa mga hidden talents ko (na nananatili pa rin atang nakatago kaya patuloy ko pa ring hinahanap), naengganyo akong panoorin ang video. Baka mamaya may sketching tutorial na rin pala ang Dove diba? lol. At talagang hinanap ko pa kung saan makikita ang hiwalay na video nito..Only to find out that I will be..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
… INSPIRED. ten times pa. ๐Ÿ˜€

Disclaimer: Hindi sa akin ang video. Galing ito sa doveunitedstates.
Hindi ko din intention na i-promote ang Dove.
Ang pino-promote ko dito ay ang message.

REMEMBER: YOU are more beautiful than you think. ๐Ÿ™‚

Kk for Keep Chasing…

Saktong-saktong soundtrip para sa babaeng may Wednesday Sickness. :[

Pasaway kasi ‘tong si Mareng Adele e. Napapahimig at napapaisip tuloy ako. Tama bang magpatuloy pa kung alam mong wala din namang patutunguhan? Pero paano ka nakakasigurado na wala ngang patutunguhan kung hindi mo susubukan? Dapat bang tumigil na kung tama naman ang iyong nararamdaman? Pero paano kung matuklasan mong mali naman pala ito, in the long run? Lagi na lang bang kailangang mag-play safe? O oras na din naman para mag-take ng risk? Magkaiba naman ang TAMA at DAPAT. Pwedeng TAMA pero hindi DAPAT. Pero ang DAPAT, laging TAMA. Sabi nga ni Pareng Aristotle (na isa din sa mga crushes ko lately) sa isa nyang awitin, DAPAT TAMA. Lol. Maisingit lang. Haaayy.. Adobo Mode.

*credits sa totoong may-ari ng video. ๐Ÿ™‚

If you don't try you'll never know if you don't go after what you want you'll never get it and if you never ask the answer will always be no

*ang imaheng ito ay nagmula naman sa Google Images. ๐Ÿ™‚

Kk for Kaylayo Mo Pala!

It’s good to be back! Pagkatapos ng mahaba-habang bakasyon at mas mahaba-habang byahe, nakapaglista ako ng mga kung ano-anong bagay na natutunan ko sa aking trip:

– Wag na subukan bilangin kung makakailang hikab na magagawa, ilang riles ng tren, barangay, at bayan ang madadaanan, ilang sasakyan ang oovertake at mao-overtake-an, at ilang beses liliko sa kurbada ang sasakyan. Maiinip ka lang.
– Um-overtake lamang pag wala sa kurbada.
– Kung truck ang nasa unahan nyo, abangan na lang kung kailan matatapos ang kurbada para maka-overtake at hindi abutin ng siyam-siyam.
– Wag din magsuot ng relo para hindi madoble ang inip.
– Wag titigan ang kasamang gwapo para hindi mamiss ang tanawin sa labas, at para na din hindi gaanong maumay.
– Kahit summer na, magdala pa rin kahit ng pambalabal man lang para di lamigin sa aircon sa van. Instant pantakip na din sa araw yan.
– Pag nilamig sa aircon, magandang pampainit ng tiyan ang cup noodles, lalo na at libre. Saktong pampa-dighay lang o pampa-diglow.
– Magdala din ng pamaypay kahit aircon ang sasakyan.
– Sulitin ang stopovers. Umupo lamang pag iihi.
– Habang naiinip din sa stopovers, maghanap na din ng gwapo. Magstretching at magsayaw na din sa cr, siguraduhin lang na walang makakakita.
– Magbaon ng madaming tubig para di ma-UTI sa kakachichirya at kakasoftdrinks.
– Magbaon na din ng pampony dahil baka abutin na din ng paghaba ng buhok sa tagal ng byahe.
– Siguraduhing hindi lowtech ang camera na gagamitin dahil kung hindi, malamang tindahan, trak, kubo, at mga puno na lang ang makuhanan mo sa halip na bulkan.
– Tumabi sa nanay. Para mo na ring katabi si Dora at si Doraemon.
– Hindi siguro talaga maiiwasan ang may makasamang backseat driver. Pagtiyagaan na lamang.
– Magtiwala sa driver. Sa kanya nakasalalay ang buhay mo habang bumibyahe.
– Maging creative sa pag-iisip ng iba’t-ibang styles ng pag-upo.
– Manggulo sa mga naglalaro ng Logos Quiz.
– Sipatin mabuti kung nakapila nga ng maayos ang mga puno ng niyog na madadaanan.
– Wag magturo ng magturo, baka manuno. Inguso mo na lang. Hihi. :0
– Magtanong ng magtanong ng maraming bakit at ano sa nanay at tatay.
– Magdasal para sa safe trip. Magdasal para makapagnilay. Magdasal ten times.

Haha. O sya, andami na pala nito. Masaya ang naging byahe ko kasama ang mga mahal sa buhay. Madami akong natutunan, at ito ang pinaka-hindi ko makakalimutan: Pag sinabi ng kasama mo na 8 hours lang ang byahe, wag maniwala. Ihanda ang sarili sa 18 hours na paglalakbay. ODK! Muntik na ako mapaiyak. Mabuti na lang talaga at sulit ang lahat.

Hanggang sa muli. Dios mabalos, Bicol! ๐Ÿ™‚

Kk for Kaka-ewan lang…

…kasi Wednesday pa lang ngayon.
…kasi di kami makakapag-Chillax mamayang uwian.
…kasi matagal pang kailangang i-stretch ang budget.
…kasi lango na naman ako sa antok dulot ng paputol-putol na tulog kagabi.
…kasi di makakainom ng dalawang boteng San Mig light mamaya.
…kasi di ko sila mapapanood mamaya.
…kasi hindi ka pa bumabalik.
…kasi kanina pa akong 1:30 dito sa opisina.
…kasi 6:30 pa ako nagsimula magklase.
…kasi sa Biyernes pa ang sahod.
…kasi di ko matapos-tapos ang dapat tapusin.
…kasi sinumpong na naman ng sakit.
…kasi di naaprubahan ang leave ko sa March 28.
…kasi reklamador ako.
…kasi napanaginipan ko si ninja bro.
…kasi sabi nya napanaginipan din nya ako.
…kasi atat na akong mag-Sky Ranch sa weekend.
…kasi di ako sanay na walang ginagawa. (lol. di lang talaga ginagawa)
…kasi Wednesday na.

 

Ah basta. Basta na nakadahilan. Na-LSS lang naman talaga ako sa kanta ni Nyoy.ย Nakaka-ewan talaga. Teka, nasaan ka na nga ba?ย 

 

Kanta-kanta din TEN TIMES. ๐Ÿ™‚

Kk for Kapirasong Bahagi

Pebrero 27, 2013 16 mga puna

“Nais ko pang ika’y mas makilala sana…
Ngunit nagpaalam kang ika’y lalayo na.
Tugon ko’y ‘oo’ nang walang kakurap-kurap.
Batid mo kayang ika’y lagi pa ring hanap?”

ย 

ย 

~ Naisulat lamang ni Kk dahil nakapulot ng kaunting inspirasyon kay Jay Contreras.
Wala na akong masabi. Ohaaaay na lang. Kaya yan ten times! :]