Iimbak

Posts Tagged ‘baguhan’

Kk for Karipas o KDrama?

Pebrero 4, 2015 2 mga puna

Run. Jog. Walk. Repeat until Fade.

Yan nga ang ginawa ko kagabi, kasama yung bff ko sa office. Sabi nya, naka- 4 km daw kami in 40 minutes. I’m not sure how true it was. Lol. Paikot-ikot lang naman kami dito. Nakakatawa lang kasi nung December ko pa binili ang rubber shoes ko. Hahah! Halatang clueless talaga ako sa ginagawa ko noh? “Rubber shoes”. Whatever it is! Haha! Sana magtuloy-tuloy na. Sa March pa yung Fun Run, kaya di pa kami nakakapag-register. At di pa din ako nakakapag-decide kung 3K o 5K ba ang sasalihan ko. Iniisip ko nga, applicable din ba dito yung nabasa ko dati na quote from somewhere: “The greatest danger for most of us is not that our aim is too high and we miss it, but that it is too low and we reach it.” Pero palagay ko, mapapatawad ako dito kasi sabi sa mechanics, kailangan matapos yung 3K or 5K in an hour. Kaya malamang, para di ako gaanong ma-disappoint sa first run ko, 3K na lang ang sasalihan ko para siguradong matatapos ko ano? Haha!

At dahil first post ko ito this year, i’ll let you in on a little secret: Matagal ko na talaga pangarap makasali sa marathon. Yes, that’s right! At sa totoo lang, nakasali na ako sa dalawang marathon! 1) Marathon ng classes, meaning, sunod-sunod na 20-minute classes mula 20:00KT hanggang 23:50KT na may 5-minute intervals lang.; at 2) Marathon ng KDrama, bakit kasi pinakilala nila sa akin si Dal Po at si In Ha e. Naadik tuloy ako. Tsk tsk.. Haha!

Epic fail lang ang mga marathon ko noh? Haha! Sana this time, totoong buhay na takbuhan na ang masalihan ko. Hihi! Sinong gustong sumama? Tara! 

Kaya ko naman ‘to diba? Fighting!

KAYAKOTOTENTIMES! 😀

Advertisements

Kk for Kape-kape din Pag May Time

Hunyo 18, 2013 2 mga puna

Hello hello! 😀

Quick post lang. Nase-stress na ako e. Paano naman, kahapon pa hindi umaayos ang YM ko. E yun na nga lang ang pinakamabilis na daan mula sa puso ko papunta sa puso niya. Amp. Haayy.. it feels so weird. Ayan, napapakape na naman tuloy ako. Pinipigilan ko na nga e,pero mahirap pala lalo na at may bagong vending machine sa breakroom ng office. Hihi. Tara magkape!

But wait, there’s more! Ang kapeng ito, may dagdag na emote pa! Nakikita nyo ba yung maliit na sulat sa baba ng cup? Hihi. Eto o. mula sa google images

Awwww… Alam din ng kape? Napangiti naman tuloy ako. Hihihi. ❤

Well, well, well.. Inlabidabs lang TEN TIMES! 🙂

Kk for Kasipagan Kunyari

Enero 31, 2013 20 mga puna

Alam mo yung feeling na super-duper-mega-overly-bored-to-death ka na?
Ako, hindi pa. OA lang ang pagakakatanong ko. Haha. Halatang bored nga ako noh? Kaya naman nag-goodnight ako kagabi sa mga estudyante-turned-katropa-turned-ninja-turned-kapatid ko.

Eto ang naging takbo ng usapan namin ng isa sa kanila:

Kk: Goodnight, ninja. 🙂
Ninja bro: Mustasa?
Kk: Eto, ayos, pagod na sa buhay. Haha. Ikaw, kamusta?
Ninja bro: Haha, e loko ka pala e, ako na papatay sayo? Hahaha, ok lang, nakakaraos e haha
Kk:Hahaha. *insert pointless rant here* Gusto ko takasan ang buhay ko, magkapagbakasyon naman,tara. Haha.
Ninja bro: Aba’y paghanap ng ibang magagawa, kadami-daming pwedeng gawin i, haha hanap kana ibng work tas bgyan mu ku chks. San naman? Kung sa europe sasama ako haha,
Kk: Haha. Sige, san ba sa europe? Papa-book na ako ng flight. Haha.

At syempre, puro kalokohan lang kami. Ganun lang talaga kami mag-usap. Halatang bored na bored ako noh? Kaya eto, naghanap ako ng ibang magagawa.

10-day

Haha. 10-Day Blog Challenge lang muna ang sa akin. Bakit?
1) Testing pa lang kasi muna. Baka naman mapabigla pag 30-day blog challenge agad. Hihi.
2) Tsaka inggitera ako e, bakit ba?
3) Tsaka feeling ko kasi nakukurta ang utak ko sa kaka-English mula alas dos ng hapon hanggang alas onse ng gabi. Isipin ko pa lang ang classes, essays at speaking assessments sa buong araw, naku!
4) Tsaka para may iba naman nga akong mailagay dito. Haha. Para naman kasing wala pa akong naiipost dito na makabuluhan. Pero, syempre, wag nyo asahan na magiging meaningful din nga ang mga isusulat ko tungkol sa challenge na yan. Hihi.
5) Tsaka February na bukas e. Wala, maidahilan lang. Sigurado naman kasing puro love, love, at love pa din ang ipopost nyo e. So para maiba naman. Hehe. Peace! ^^V

Kaya ko kaya ‘to? Sampung araw na kasipagan? Well, for a change, KAKAYANIN KO ‘TO TEN TIMES! 😉

Kk for Kongrachuleyshens!

Kamon. Kauna-unahang blog ko ‘to sa labas ng mga social networking sites. 🙂

Welcome sa akin. Haha.

Isa ‘to sa mga pangarap ko e. Yung hindi lang sa papel magsulat. Nasubukan ko na kasi sa blackboard, sa white board, sa desk ng upuan, sa lamesa, sa dingding ng classroom, at sa pader ng cr, noong kabataan ko. Waha. Pero bata pa naman ako ah. Kaya para maiba lang, dito naman. ;P

Kung tutuusin, andami-daming tumatakbo ngayon sa isip ko..at malamang napapagod na rin sila. Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagsusulat e.. Kaya eto, sige ako sa pagtype ng kung anong tumatakbo sa isip ko. Basta na ako e. Haha. Sorry naman.

Siguro, i’ll try to organize my thoughts first bago ako magpost ulit ng bago. Magulo pa kasi ang isip ko. Haha. Hindi ko nga alam kung may magkakainteres ba na magbasa ng mga sinusulat ko e, pero ok lang. Ang una ko naman talagang purpose e mailabas lang lahat ng saloobin ko lalo na pag wala akong mapagsabihan. Haha. Ano ‘to, CR? Haha. Pis everyone. ^^

Basta, within this week, pag nasolo ko na ulit ang laptop, magpopost ulit ako. Amps.

KAYA KO ‘TO TEN TIMES! ❤

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , , ,