Iimbak

Posts Tagged ‘basa’

Kk for Katulad ng Paking Teyp

Hulyo 13, 2010 17 mga puna

Paking teyp. F*cking tape. Packing tape.

Kung ano man. Naging expression na namin yun ni THE ONE pag may super kabadtripang nagaganap. Basta.

Kagabi, nag-e-emo sya dahil sa past relationship nya. Kesyo di pa pala sya nakakamove on. Tanga pa din daw sya..blah blah blah.. (a.k.a. mga bagay na nakasakit sa akin ng sobra, pero sige lang, manhid-manhidan muna ako.)At natext na lang nyang “..Paking teyp na buhay na ‘to.”

At eto naman ang reply ko sa kanya.

“Aba, oo..parang paking teyp talaga ang buhay na ‘to. Isipin mo, nakakapit ang teyp sa papel at sa pader. Tapos bigla na lang dadating ang oras na may magtatanggal at paghihiwalayin ang papel at pader. Tapos ang masaklap pa nito, pwedeng mapunit ang papel at pwede ring makutkot ang pintura ng pader. Parehong mag-iiwan ng mapait na alaala ng nakaraan sa kanilang dalawa. ”

TANONG: SAAN KO KAYA NAPULOT ANG KAISIPANG ITO? aw.

Advertisements

Kk for Kaka-touch

Hunyo 12, 2010 10 mga puna

Nakakatuwa naman. One week na akong hindi nakakabisita dito and guess what i found out? Isang katotohanan na nakakatouch. :’)

MAY MGA TAO PALANG NAGBABASA NG POSTS KO! Kala ko mga langgam lang. Hehe. Kasi naman, nung una,nalulungkot ako at somewhat disappointed. Kasi hindi tumataas yung estad ko. Ayun. Finally! Haha.

Thank you! Thank you sa inyong lahat. Hehe. Alam ko, one of these days, makikilala ko rin kayo at magkakaroon din kayo ng lakas ng loob na magcomment. Hehe. O kaya naman e magkakaroon na ng sense ang mga nilalagay ko dito na talagang mapapa-comment kayo. Wehe.

Thank you po ulit.

Sabi ko na nga ba, KAYA KO ‘TO TEN TIMES e! ❤

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, ,