Iimbak

Posts Tagged ‘beinte kwatro’

Kk for Kaye’s Dalawang Dosena

Agosto 11, 2010 12 mga puna

Dalawang dosenang kung ano-ano. Dalawang dosenang mga bagay na minahal ko sa dalawang dosenang taon ko dito sa earth.

1.    FAMILY.  Wala naman kasi akong friends. Yeah, you read that right. I don’t have friends – only people from different walks of life who cared to share a piece of their life with me. Diba family naman talaga ang tawag dun?

2.   MUSIC. Name it, i love it.
                Favorite keyboard pieces: Minuet by J.S. Bach; right hand nga lang ang alam ko hanggang ngayon.
Tsaka You Were There; left hand lang ang alam ko dito. haha.  ;P
                First videoke song sang in public: Before I Let You Go by Freestyle; akala ko kasi lalaki ako noong unang panahon. haha.
                First major concert that I’ve watched: True Faith and Barbie’s Cradle @PNU-Manila (2003)
                First dance music that I’ve performed in public: When You’re Looking Like That by Westlife (2001); bongga diba? Meeting de Avance yun ng student body. Ayun, talo naman. haha.
               First song sang in public, na hindi sa videoke: Jealous by Nina (2009); super!
               Favorite Rey Valera song: Kumusta Ka?; cute kaya yung ah-ha-ha..ah-ha-ha..ah-ha-ha..ah-ha-ha..la..la. ❤
               Favorite David Pomeranz song: Old Songs; pero dahil sinayaw ako ng crush ko sa King and Queen of Hearts, yun na lang! haha!
               Favorite makalumang kanta: Maalaala Mo Kaya
               Favorite sunday oldies songs: Sad Movies, Delilah, Quando Quando Quando
               Favorite ballroom music: Can’t Take My Eyes Off You
               Favorite Abba song: Thank You For The Music
               Favorite gangstah song: Stupid Love; hahaha! Nang mainlab ako sa’yo, kala ko pag-ibig mo ay tunay, pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay.. haha. Pasensya na, adik ako. Haha. :p
               Favorite Aegis song: Basang-basa Sa Ulan; sabi ko naman nga, kanya-kanyang trip yan.
               Favorite MTV shows: Paco Park Presents, at Concert at the Park. (Music television show naman talaga yun diba? :p )
               Instruments that I have: Guitar, Organ, Bamboo flute; pero wala akong na-master kahit na isa jan.
               Instrument that I so dream to have: VIOLIN! utang na loob, baka may pinamimigay kayo jan, tatanggapin ko! haha. 😛
Tama na nga muna yan..andami na masyado. Haha.

3.     MATH. Sinabi ko na nga dun sa isa kong post, matuos kasi akong tao, and so I LOVE MATH.

4.     SPORTS. I love to play! Super! I love to play – basketball, volleyball, badminton, bowling, I swim, ride bicycles..nagpapatintero, naghoholen,nagpapalipad ng saranggola, nagka-cartwheel! In short, sportsminded. Ang tanong, bakit di ako pumapayat? Obviously, nasa mind lang yung sports. Hehe! Natural, wala kaya akong makalaro! Mukha naman akong timang pag naglaro ako mag-isa diba? Ayun, I ended up playing sudoku, solitaire, hangaroo, brain genius, kakuro, at capsule. Pambihira talaga! (copy paste lang ito mula sa fb ko. haha.)

5.     FOOD. Teka, mali pala. Eating lang pala. Haha. Enough said. :p

6.     BLOGGING. Hey, that’s why I’m here!

7.     MY ADVISORY CLASSES. Itatago natin sila sa mga sections na ‘to: I-K(2006-2007), I-P(2007-2008), III-E(2008-2009), IV-S(2009-2010) and IV-F(2010-2011). Palagay ko, kung marami man akong naituro sa kanila, wala yun kumpara sa lahat ng natutunan ko sa kanila. :’)

8.      SLEEPING. Napariwara ako nung kolehiyo dahil di ako pumapasok masyado. At ang dahilan? Hindi dahil nakikipag-eyeball ako o nag-co-computer. Yun ay dahil natutulog lang ako sa dorm. At oo, mas gusto kong matulog kesa kumain.

9.      CARTOONS. Pag di ako pumapasok, yan ang unang-una kong hinahanap sa tv. Spongebob Squarepants, Doraemon, Jimmy Neutron, Danny Phantom, Prince Mackaroo. Basta cartoons! :p

10.    JOURNAL-WRITING. Natatandaan ko, grade 5 ako nung nagsimula akong magsulat. I find it so relieving. Lalo na pag walang makausap at disoras na ng gabi. Dahil jan, may natuklasan akong talent. Ang pagsusulat ng walang tinginan. Haha. Kasi naman, napapagalitan ako ni mother pag gabing-gabi na at bukas pa ang ilaw. Di daw sya makatulog. So go pa rin ako sa pagsusulat kahit patay ang ilaw. Haha. Bulag!

11.     KUMWENTO at DUMALDAL. Magkaiba ba yun? Haha. Hindi ko alam. Basta. :p

12.     MAKINIG. Such an irony? Haha. Hindi naman. Depende lang sa mood. Minsan gusto ko lang talaga tumahimik at makinig.

13.     MAGBASA. Haha. Kausuhan pa lang ng friendster, nakikibasa na ako sa blog ng may blog. Marami kasi akong natututunan. Nakakatuwa kasi minsan nakakarelate din ako. Hanggang sa natuklasan ko na nga itong WP.  Nakakatuwa. Tapos kahit na nga yung features sa Yahoo! homepage, binabasa ko. Kahit libro (fiction, adventure, fairy tale, romance, textbook), dyaryo (comics at horoscope section lang), magazine, print ads, journals. Epekto siguro ito ng pagiging Best in Reading ko noong Kinder. Haha!

14.       MAGREFLECT at MAGDASAL.

15.       LAUGHTRIP at JOKES. Narinig ko lang itong joke na ito sa isang seminar ng mga teachers.
                    Teacher: Spell BOY.
                    Pedro: B-O, ma’am!
                    Teacher: Wrong!
                    Pedro: Why,ma’am?
                    Teacher: Very good!
              (Sige na, aminado naman akong korni ako.)

16.     COMMERCIAL ADS. Adik nga ako diba? Ewan. Amazing lang. Haha. Madami-dami na din pala akong commercials na tinawanan, nakabisa, at niluhaan.
              Favorite McDo ad: yung may -Lolo: ito, para sa paborito kong apo, si Karen. (Napaluha ako dito, I miss my Lolo so much.)
              Favorite Sprite ad: yung ad na kasama si Ryan Agoncillo, with the ever famous line “Are you in heat?” haha.
              Favorite line (most recent): Pakawalan mo kami, maruta!
              Favorite Jollibee ad song: The rabbit on the hat chased the dog and the cat, that jumped on the head of the moose and he said, “Get the JolliKiddie meal with the JolliBeannie Gang, 39pesos lang!” So the elephant flew with the panda in the shoe, while the hippo and ram, to Jollibee they ran!
              Favorite Nutroplex ad: Sabi nila, sleeping with a book under your pillow will make you smart. But mom says, mag-nutroplex! May brain-boosting iron.. (haha. Tama na. Baka maniwala na talaga kay0ng adik ako. Haha.)

17.       CHICK FLICKS. Mapa-action, drama, love story, comedy,basta girls ang bida, solb na ako jan! A few of my favorites are So Close, DOA, and Ultraviolet.

18.        si THE ONE. Naman! Minahal ko na sya three years ago, nagkahiwalay kami. Nagkita ulit kami, pareho na kaming single. Mahal ko pa rin pala sya. Hai.

19.        GAME SHOWS. Lumaki kasi akong nangangarap na mapasali sa mga ganito. Diba? Parang super astig pag nakasali ka sa mga game shows, tapos makikita ka ng maraming tao, tapos unang tanong pa lang, mali na yung sagot mo  mananalo ka. Battle of the Brains, Crystal Maze, Digital LG Quiz, GoBinGo, Pilipinas, Game KNB?, Family Feud, Catholic Family Bible Quiz Bee, Panahon Ko ‘To, Wheel of Fortune, Weakest Link, Who Wants To Be A Millionaire. Ano pa ba ang kulang? Ah! Ano nga ba yung title nung game show na may malaking screen at may malaking keypad na bago pindutin ng player ang letter, sasabihin muna nyang “Give me a __!” ?

20.        KUMANTA SA VIDEOKE. Ang nakakabadtrip nga lang minsan, kung kailan may mga okasyon na pwedeng-pwede akong magpamalas ng aking natatagong talento, dun ako biglang inuubo, napapaos, o naba-blangko at walang maisip na kanta. Hai. Hirap nun diba? Haha.

21.         MAGLABA. Haha. Adik na adik na ba talaga ako at pati paglalaba e trip ko na din? Hmm.. di naman. Nagkataon lang na nagiging kaaya-aya para sa akin ang paglalaba kasi dun kami malimit nakakapag-heart-to-heart ng nanay ko. Pramis! Yun ang favorite bonding moment ko with my nanay. O kaya naman, pag ako lang mag-isa ang naglalaba, yun naman yung oras ko para magreflect at mas mapag-isipan ang ilang mga bagay sa buhay ko. Ayun.

22.        UMIYAK. Kahit na terorista ang tingin ng lahat ng estudyante sa akin, emo pa rin ako. Ewan. Iyakin lang talaga ako. Pero di ako umiiyak sa loob ng classroom. Haha. Basta ang alam ko, we need to cry once in a while, so that the tears may clear up our vision.. for us to see better. :’)

23.        MAGING NINJA.
.
.
.
.
.
.
.
Nabasa nyo ba yun? Hindi? Masyado kasing mabilis yung pagkakatype ko, ninja kasi. Zooooooom! :p

24.        MAGCELEBRATE NG BIRTHDAY. I just do. I simply do. Ayoko kasi dati pag nagbi-birthday ako. Kasi naman, lumaki akong bitter sa ate ko. Kasi parang di naman sine-celebrate ang birthday ko,alanganin kasing araw lagi. E sa kanya, pagkatapos na pagkatapos lang ng isang okasyon na sine-celebrate ng halos buong mundo, kaya laging masaya, may kainan, may bisita, may mga regalo. Ako, ang birthday ko, maliban sa may pasok lagi, minsan naman bagyuhan pa. Wala. Bitterness lang ang inaabot ko lagi.
Pero that was before I was enlightened. Ngayon, hindi na. Na-realize ko, wala naman nga pala sa ibang tao ang pagiging masaya ko. I COULD ALWAYS FIND IT WITHIN ME. Now, I choose to be happy. And to be thankful for the people that I still have in my life. Ayun. Yes, mature-mature-an naman ako sa lagay na ‘to. Haha!

Ayan! Solb na ang dalawang dosena ko. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga maisip ang title nung game show na yun! Rawr. Tulong!

KAYA KO ‘TO TEN TIMES! ❤

Advertisements