Iimbak

Posts Tagged ‘Dexter Determinado’

Kk for Karipas o KDrama?

Pebrero 4, 2015 2 mga puna

Run. Jog. Walk. Repeat until Fade.

Yan nga ang ginawa ko kagabi, kasama yung bff ko sa office. Sabi nya, naka- 4 km daw kami in 40 minutes. I’m not sure how true it was. Lol. Paikot-ikot lang naman kami dito. Nakakatawa lang kasi nung December ko pa binili ang rubber shoes ko. Hahah! Halatang clueless talaga ako sa ginagawa ko noh? “Rubber shoes”. Whatever it is! Haha! Sana magtuloy-tuloy na. Sa March pa yung Fun Run, kaya di pa kami nakakapag-register. At di pa din ako nakakapag-decide kung 3K o 5K ba ang sasalihan ko. Iniisip ko nga, applicable din ba dito yung nabasa ko dati na quote from somewhere: “The greatest danger for most of us is not that our aim is too high and we miss it, but that it is too low and we reach it.” Pero palagay ko, mapapatawad ako dito kasi sabi sa mechanics, kailangan matapos yung 3K or 5K in an hour. Kaya malamang, para di ako gaanong ma-disappoint sa first run ko, 3K na lang ang sasalihan ko para siguradong matatapos ko ano? Haha!

At dahil first post ko ito this year, i’ll let you in on a little secret: Matagal ko na talaga pangarap makasali sa marathon. Yes, that’s right! At sa totoo lang, nakasali na ako sa dalawang marathon! 1) Marathon ng classes, meaning, sunod-sunod na 20-minute classes mula 20:00KT hanggang 23:50KT na may 5-minute intervals lang.; at 2) Marathon ng KDrama, bakit kasi pinakilala nila sa akin si Dal Po at si In Ha e. Naadik tuloy ako. Tsk tsk.. Haha!

Epic fail lang ang mga marathon ko noh? Haha! Sana this time, totoong buhay na takbuhan na ang masalihan ko. Hihi! Sinong gustong sumama? Tara! 

Kaya ko naman ‘to diba? Fighting!

KAYAKOTOTENTIMES! 😀

Advertisements

Kk for Kaye Kontrabida

Setyembre 8, 2010 10 mga puna

Kilala nyo ba si Dexter Determinado at si Annie the Honest? Sila yung mga bata sa commercial ng milo. Nung napanood ko yun, nag-isip agad ako ng milo name ko. Kaye K______? Ano nga kaya? Kataba?  Kulit? Kyutipay? Korni?  Haha. Kadiri naman ang mga naiisip ko. Di bagay. Haha. Hanggang sa tinamad na ako mag-isip..

Hanggang kanina.. ting! KAYE KONTRABIDA. Bonggang-bongga! 😀

Siguro, kung mga estudyante ko ang pipili, lalo na ang advisory class ko, yan din ang pipiliin nila. Palagay ko kasi yan ang tingin nila sa akin. Lahat na lang pupunahin ko. Simula sa umaga, pagpasok ng gate, hanggang sa pag-uwi sa hapon.

SCENE 1- Sa labas ng gate, sa mga batang nakatambay pa

Kaye:  “Bakit anjan pa kayo? Pasok na. ”

SCENE 2- Sa flag ceremony

Kaye: “Pakiayos na agad ang pila. Umawit kayo.”

Kaye,bago mag-pass mula sa line: “Paki-tuck in ang t-shirt. Kung ayaw, maiwan dito sa pilahan.”

SCENE 3- Sa loob ng classroom

Kaye,bago pumasok sa room: “… … …” (di magsasalita,tititigan lang ang mga batang nagdadaldalan o wala sa proper seat. Pag umayos na, tsaka babati ng “Good Morning/Afternoon Class”)

Kaye,sa batang 3 times na hindi gumawa ng assignment: “May I have your Math notebook or your guidebook?” (then writes a letter to the parent) “I want to see your parent’s signature here tomorrow.”

Kaye,sa mga batang busy sa ibang bagay na walang kinalaman sa lesson: “Therefore, an angle bisector is…” “… … …” (di muna ulit magsasalita. Tititig lang muna sa mga bata. Pag umayos na, tsaka magpapatuloy.)

Kaye,habang nagku-quiz/exam at may lumingon sa katabi: “O. Lilingon ka pa.” without mentioning the name of the student. *This is one of my favorite scenes. Kasi naman, minsan, may mga batang bigla na lang sasagot ng “Hindi naman po ako nangongopya.” kahit na hindi ko naman talaga sya na-pinpoint. Laughtrip na pag ganun. Huli kasi agad kung sino ang guilty. Defensive masyado. Haha!*

SCENE 4 – Break time

Kaye, sa mga batang nakaupo sa hagdan: “Mga ate, bawal umupo sa hagdan diba? Wala na bang upuan sa may ____?”

Kaye, sa mga batang pumapasok sa EXIT door at lumalabas sa ENTRANCE door ng canteen: “Ops. Pakibasa. Balik. ”

SCENE 5- pag past 5:30 na at may mga bata pang nakatambay sa labas ng school

Kaye: “Bakit di pa kayo umuuwi? Hapon na.”

Isama pa jan ang pagpuna sa di naglelecture, di nagbubura ng board, di nagbabalik ng return slips ng mga sulat, di nagpa-practice para sa contest, pagsisinungaling, pag-absent, and the list goes on. It’s almost endless. *No wonder, paunti na ng paunti ang nalilinlang ng kagandahan ko. Noong first year of teaching ko, may ilan ring mga binata ang nahuhumaling sa akin. Aw. Joke lamang po. Haha. Ngayon naman, fifth school year ko na, bagya pa makaisa.* Haha.

Kidding aside, napaisip nga naman ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras, atensyon, lakas at kagandahan ang mga bagay na ginagawa ko? Sadya ba talagang tamad at iresponsable na ang mga bata ngayon? O sadyang pakialamera lang talaga ako at perfect?  

Naisip ko din, pag nakinig ba sila sa akin at naging successful sila sa buhay nila, will I gain anything from it? Syempre, magiging masaya ko. Pero in terms of material things, wala naman diba? Hindi naman yun tipong “Congrats, Ms.Kaye! Magkakaroon ka ng P150,000 na increase sa sweldo dahil 25 out of your 29 students who took the board exam passed,and 8 of which are in the top 10.” or something of that sort. Diba? Tapos, pag hindi naman sila nakinig sa mga tagubilin ko at napariwara sila at naligaw ng landas, will I lose anything from it? Syempre, malulungkot ako. Pero again,in terms of material things, wala din naman diba? Hindi din naman yun tipong “I’m sorry,Ms.Kaye but I have to fire you. Estudyante mo pala yung nanghostage nung isang linggo,  tambay dun sa kanto na nakipagbasag-ulo..” oh, forget it. Parang di ko maatim na makakarinig ako ng ganung balita. Grabe diba? Madudurog ang puso ko pag may nakarating sa akin na ganun. Hai.

At dahil jan, naisip ko, ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMALASAKIT.

Ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMAHAL.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging MAGULANG.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging GURO.

Salamat sa mga magulang at guardians na nakausap ko nung nag-report card distribution kami noong Saturday. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, nasa tamang landas pa rin pala ako sa pagiging guro. Bwahaha! Si Kaye Kontrabida pa rin nga ako! Bwahaha!

Ikaw, ano ang Milo name mo? ;D