Iimbak

Posts Tagged ‘echos’

Kk for Kape Ka Ba?

“Para kanino ka bumabangon?”, tanong ni Nescafe.

“Para kanino nga ba?”, sagot ko naman.

Hahaha. Baliw lang. Ganyan talaga pag gustong magsulat, pero walang maisulat, at wala din namang oras para magsulat. Bakit kasi sobrang busy, simula pa lang ng May? Samantalang pinakamarami ang paskil ko sa April pag kinumpara sa iba pang mga buwan ko dito.

Nakakatuwang isipin na naka-isang taon na ako dito sa opisina, at isang taon ko na din palang dahilan ito para bumangon araw-araw. Record-breaking ito para sa pinakakonti kong absent sa isang taon. ISA LANG. At partida, Holy Thursday pa yun, at kailangan lang naming pumunta ng Bicol. Kung nagkataon sigurong sa bahay lang kami nung Mahal na Araw, ZERO sana ang bilang ng absence ko. Hihi. Naalala ko pa nga, wala nang pasok ang halos buong PIlipinas dahil sa habagat nung isang taon, pero bumangon pa rin ako. Ang katwiran ko naman, wala naman yung habagat sa Korea e. Hahaha. Katapus-tapusan nun, pinauwi rin kami at nagcelebrate ako mag-isa ng birthday ko sa dorm. Forever Alone lang ang peg. Haha.

Nakakatuwa kasi nakikita ko kung paano ako nagbago, kung paano ako naging mas responsable, at kung paano ako naging masipag.

Nung sa Times pa ako nakatira, natutulog ako ng 1am, tapos bumabangon ng 10 am, kasi kakain pa ako sa karinderya sa labas o kaya magkikita kami ng officemate ko para maglunch sa Festi.

Nung lumipat na ako ng boarding house at nagpasyang makipag-“live-in” sa kaibigan/kaopisina kong nangangailangan ng aruga, alas tres o alas kwatro ng madaling araw, gising pa kami. Bumabangon kami ng 12 ng tanghali para makaalis ng 1pm. Minsan, bumabangon din ako ng 9 ng umaga para makapagluto ng mashed potato, o mamalengke sa Moonwalk , o magluto ng kakainin namin for lunch. Pag hindi nakapagluto, bumibili na lang sa cafeteria at kumakain na lang sa opisina.  

Nung umalis na sya at kinuha ng tita nya na nasa Dubai, may kaibigan/kaopisina naman akong nagmalasakit sa akin at siya naman ang ka-“live-in” ko ngayon. Haha. Bumabangong na ako ng mas maaga pag Wednesday at Friday kasi may klase sya ng saktong alas dos ng hapon, kaya kumakain na kami ng breakfast sa bahay. Beakfast-breakfastanlang naman dahil kape at tatlong maliliit na buns lang naman yun. Haha. Pero pag ibang araw, bumabangon kami bago mag-12 kasi kumakain na kami sa karinderya bago pumasok. Ang katwiran, para bawas hugasin na din. LOL. Medyo spoiled kasi sya e, di sanay sa gawing bahay. Hihihi.

At ngayong week na ‘to, it was too unusual for me. Ganung oras pa rin ako natutulog. Pero anong oras ako bumabangon? Alas sais, alas syete, o alas otso. At nakakatawa dahil nagiging automatic na ito para sa akin. At ang mas nakakatawa, hindi naman ako inaantok sa oras ng trabaho. May nagsabi sa akin, inspired daw siguro ako. Oo, baka nga.

May bago na ba akong sagot sa tanong ni Nescafe? Hmm hmm lang ten times. :p

Basta ang alam ko, kailangan ko bumangon bukas ng maagang-maaga para di maiwan sa outing. 😀