Iimbak

Posts Tagged ‘emo’

Kk for Katahimikan! Katahimikan!

Abril 5, 2013 9 mga puna

Dear The One,

Wag ka na bumalik sa buhay ko, utang na loob! Pagod na pagod na ako sa paghabol sa’yo noon. Natauhan na ako. Tapos na yun diba? Wag ka na magparamdam. Wag ka ring magtanga-tangahan na okay pa din ang lahat between us. Wag ka na mag-inarte pag hindi mo na nakukuha ang katulad na atensyon na binibigay ko sa’yo dati (na inaksaya mo lang naman). Wag mo na isumbat sa akin na nagbago na ako. Oo, nagbago na talaga ako. Wag mo na sabihin pa na nalulungkot ka at hinihintay mo lagi ang mga replies ko sa mga messages mo. Alam ko namang nakakatulugan mo pa rin yun katulad ng dati kaya hindi ka nakakareply. O kaya naman baka hindi mo na lang napansin dahil katext mo din sya. Ayaw na kitang maging kaibigan. Hindi mo ba yun naiintindihan? At sa pagkakaalala ko, hindi Mike Enriquez ang pangalan mo para hindi mo ako tantanan.

Akala ko kinalimutan mo na ako dahil hindi mo ako tinext ng ilang linggo din, tapos biglang ako pa ngayon ang sasabihan mong baka binura ko na ang number mo. Well, fyi, hindi ko na yung kailangang gawin dahil hindi naman talaga naka-save ang number mo sa fone ko. Wag ka na umasta na parang MAHALaga pa ako sa’yo. Alam kong hindi, wag ka na magpanggap. Uulitin ko lang, wag mo na ako balikan. Wag mo na akong gawing panakipbutas sa mga oras na hindi ka napapansin ng girlfriend mo, na nakakatawang “THE ONE” din ang tawag sa’yo.

Hayaan mo na akong mag-move on. Pagod na pagod na ako. Wag mo na guluhin ang puso ko. Ok na ako. Hayaan mo namang makumbinsi ko ang sarili ko na ok na nga ako. At ngayon ko lang sasabihin ‘to sa’yo at pakitandaan: Hindi na kita mahal. (sana makumbinsi ko nga ang sarili ko ng 100%)

RIP, (Resting in Pieces)
Kaye

At palagay ko, ito ang kantang magsa-summarize ng nararamdaman ko ngayon. leche lang. (//_+)

*credits kay Mareng Nina sa talaga namang makabagbagdamdaming pag-awit nya. Salamat din kay FallenxAngelxLover sa pag-a-upload ng video na ito sa youtube. ūüôā

**para sa ilang sulyap ng aking kabaliwan kay THE ONE, eto ang ilan: ang loveletter1, ang loveletter2,  ang makapunit-bibig na ngiti ko, ang unang tikim (ng aylabyu), ang simula ng katapusan.

Move on-move on din pag may time. Bilis-bilisan din ten times. >.<

Advertisements

Kk for Kasipagan Challenge – Day Five

Pebrero 6, 2013 37 mga puna

10- Day Blog Challenge Day FIVE: 6 Things You Wish You’d Never Done

Katulad nga ng nasabi ko nung Day One, may pagka-introvert ako. Tipong OC na, perfectionist pa. OA to the highest level lang diba? Perfectionist pero di naman kayang maging perfect. Ganun naman talaga lagi. Hehe. Epekto siguro ng pagiging math teacher ko dati. Kasi naman pag teacher ka, lahat nakamasid sa’yo. Parang bawal magkamali. Tapos sabi pa, ang math daw ay exact science. So ano pa nga bang aasahan nyo? Hihi.
And, I wouldn’t deny the fact that I have a list of things that I wish I’d never done (or things that I wish I had done).

6) Nag-cutting classes nung college. Hahahah! Pero wala ako nun sa SM Manila o nakikipag-EB sa harap ng National Bookstore. Wala din ako sa San Mar para lang mag-internet. Pwes, nasaan ako nung mga oras na yun? Nasa dorm – NATUTULOG.

5) Pumunta sa isang job interview ng hindi prepared. Ito ang pinaka-recent e. As recent as last week. Haha. Hindi ko nga ba alam kung bakit ganun ako ka-gaga. Niyaya lang kasi ako ng roommate ko na testingin mag-apply ng part-time. Edi syempre, gora ako. Raket din yun e. Haha. Print ng resume, bihis ng disente, gising ng maaga. Take note: hindi ako MORNING PERSON. Edi lumulutang-lutang lang ako sa kawalan habang nasa jeep at habang naghihintay na tawagin, kasi iinterviewhin na din pala nung araw na yun. Tsk tsk. At eto ang pinaka-memorable na tanong:
Interviewer: Do you know any Japanese word?
Kk: Hmmmm… HAI! Haha!
BOOM sa katangahan ko. Haha. Buti na din lang at pa-resign na din yung interviewer namin. Haha. At buti na lang din at nadaan sa karisma ko. Ayun, magsisimula na kami sa Sabado. Hahaha!

4) Hindi ipaglaban ang relationship. Haha. Ayoko kasi ng pa-martir effect. Madali naman akong kausap e. Gaano kadali? Ganito:
BF: Maghiwalay na muna tayo.
Kk: Ok.
Oo, nangyari talaga yan. Wala nang tanong-tanong pa. Bakit ko pa ipagpipilitan at ipagsisiksikan ang sarili ko kung umaayaw na nga diba?  Pero in the end, ako yung namumugto ang mata.

3) Pumayag maging isang lampara. Ano daw? Basta, yun yun. Haha.

(NOTE –¬†02/18¬†:¬†ow-em! ngayon ko lang na-realize na mali palang lampara ang ginamit kong term. pareho kasing sa gabi ginagamit e. hihihi. -_-v dapat pala ay ‚Äúmumunting kabinet sa gilid ng kama‚ÄĚ. hahaha.)

2) Pumayag na lamunin ng inferiority complex. Awwww..emo much? Give me a hug! Haha.Buti na lang at naka-get over na ako sa chapter na ito ng buhay ko. ūüėÄ

imagesCAB7S1SS

1) Magpuyat gabi-gabi, at pagsisihan ito paggising kinabukasan. Repeat until fade. Hahaha. Sigurado namang hindi lang ako ang guilty dito diba? HIhihi. ūüôā

Ansaya ng mga pinagdaanan/pinagdadaanan ko diba? Sabi nga ni Ninja Bro, “Ginusto mo yan e. Hayaan mo na, naging masaya ka naman.” Haha. So true.¬†Isa pa,

 What Doesn't Kill You, Makes You Stronger.

Ganun talaga. Sabi nga nila, there are NO MISTAKES, only LESSONS LEARNED.

Kaya eto ako ngayon, STRONGER and TEN TIMES BETTER THAN EVER. ūüėÄ

***ang mga larawan po dito ay hindi sa akin. credits sa totoong may-ari. peace. ūüôā

Kk for Kalma Lang

Oktubre 17, 2010 11 mga puna

Nagsimba ako kaninang 6am.¬†Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.

Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.

Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.

At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.

PRAISE GOD ten times!¬† ūüėÄ

Kk for Kumplikasyon sa Puso

Oktubre 16, 2010 7 mga puna

Oct.3, Sunday. As usual, he is attending the second mass. Me and my members will be singing for the third mass. At syempre, nagkita kami bago sya umuwi at bago ako pumasok sa simbahan. Tamang apiran lang. Tropang-tropa lang talaga. Kwento ng konti. Very casual. Ayoko naman kasing maging awkward ang feeling namin dahil baka sa text lang pala nya ako mahal at naglolokohan lang kami at lumabas na ilusyonada lang ako. Aw. Emo. Haha.

KK: O, sige na, umuwi ka na. Di ka pa ata nakakalaba e.

THE ONE: Oo nga. Pero konti lang yun. Pero sobrang dami ko pang gagawin.

KK: Lakad na. Ba-bye. Ingat.

THE ONE: I love you. (ngiti sabay talikod)

KK: …¬† …. (napanganga, natulala,at speechless for a few seconds)

THE ONE: (naglakad na palayo)

KK: I love you too. (waw, narinig pa nya.)

Grabe ang feeling. Tumigil bigla ang mundo ko. Ai, hindi pala. Ako lang pala ang natigilan. Haha. So ganun na nga ang standing naming dalawa. Sinabi na nya personally na mahal nya ako. Ano yun? Boypren ko na ba sya at gelpren na nya ako? Hmm.. Naisip ko naman, hindi na naman mahalaga na bigyan pa namin ng pangalan ang relasyong ito. Ang mas mahalaga e yung alam na namin na mahal namin ang isa’t-isa.

Nung kinwento ko yun sa isang kaibigan ko, sabi nya, hindi daw ba mas madali kung malinaw ang lahat sa aming dalawa? Yung alam namin kung ano ba talaga kami. Para at least, pwede na kaming magdemand from each other. May karapatan na magselos, may karapatan na magbawal, may karapatan na malaman kung nasaan ang isa at kung ano-ano pang mga karapatan.

Pero naisip ko, dati na naman kaming ganun ni THE ONE. Alam nyang selosa ako at pinagseselosan ko yung Super-Mega-Grabeng Feelingerang Froglet nyang Friendship.¬† Sinasabi nya na dapat daw, sinasabi ko sa kanya kung nasaan ako. Ibig sabihin, kailangan i-inform ko sya kung saan ako pupunta kahit wala syang load at hindi nya ako mare-replyan. May extra load naman daw ako lagi kaya maiitext ko sya lagi. Edi parang ganun na din yun. Kung may nabago man sa aming dalawa, alam na namin ngayon na mahal namin ang isa’t-isa.

Tapos naisip ko pa, kailangan ko ba syang bawalan? Halimbawa, sa pagdodota. Oo, pinapaalam nya na magco-computer muna sya, kaya hinahayaan ko lang sya. Kahit na ba dapat yung oras na yun e quality time na namin. Haha. Maarte ako. May nalalaman pa akong quality time ngayon, samantalang dati, di yun nagpapaalam na may gagawin sya.  Haha.

Diba? Naisip ko talaga, kailangan bang magbago na kami ng routines sa buhay dahil mahal na namin ang isa’t-isa?

Kailangan ko nga bang magdemand na dapat itetext na nya ako lagi? As in everyday? E diba dati naman, weekends lang kami nagkakatext talaga? Fixed na yun at wala namang problema sa akin yun. Medyo nabago lang yun nung “ligawan stage” namin. Oo, feeling ko, yun na yung ligawan stage namin. Yung three weeks na araw-araw kaming nagtetext at malimit din kaming nagkikita. Hai. Kasi naman ngayon, di kami nagkita o nagkatext man lang the whole week. Finals week kasi nila. Ayoko namang makaabala. Hai talaga. At dahil dyan, sinusumpong na ako ng kapraningan. Haist.

Ano bang tawag sa akin? Gaga? Martir? Understanding? Ambisyosa? Nananaginip? All of the above? None of the above? Hai.

Sana KAYANIN KO PA ‘TO TEN TIMES. X-/

Kk for Kami Na Nga Kaya? :”>

Setyembre 29, 2010 14 mga puna

^______________________________________________^

Ganyan ngayon ang ngiti ko: Maka-punit pisngi. ‚̧

Magkatext kami ni THE ONE nung Monday ng gabi, usapang emohan. Haha.

THE ONE: Sino ba ang pinaka nanakit sayo at iniyakan mo?

KK: Kasama ka ba sa choices? Haha.

THE ONE: Ako? Kung kasama, ako ba?

KK: Oo. Haha. Amps ka.

THE ONE: Bakit naman ako?

KK: Isipin mo na lang kung anong meron ang mga lalaking ito na wala ka (insert exbfs’ names here).

THE ONE: May kaagaw ka? Ai, mali ata. Hindi ko alam.

KK: Hai naku, wag ka na nga humula. Baka lalo lang ako masaktan sa isasagot mo. Haha.

THE ONE: Kasi wala akong pakialam sa feelings mo? Ganun ba?

KK: Aw. Parang. Haha.

THE ONE: Natumbok ba?

KK: Hindi masyado. Sige, sasabihin ko na nga. Sila-minahal nila ako. Ikaw-hindi. 

THE ONE: Eh mahal na naman kita..

KK: Hmmmm..

THE ONE: Yah..hehe..  I LOVE YOU.. no joke.. promise..

Ayun, natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi. Aw. Haha.

Parang ayoko maniwala. Hindi ko alam kung totoo pero parang ganun na nga. Kinabukasan, tinanong ko sya kung sigurado ba talaga sya sa sinabi nya. Oo daw. Nag-i love you ako. Nag-i love you din sya. Hmm..bago yun. Dati kasi, meron syang subscription sa Daily I Love You Messages ni Kaye, pero di naman nya sinasagot ng “i love you”.

Kanina, magkatext pa rin kami, tamang kulitan lang. Biglang out of the blue, nagtext sya: “I LOVE YOU”. Nagulat din lang ako. At marami pa syang ganung moments kanina.¬†Nakakapanibago pero pwede namang matutunan e. Para akong gaga. Para akong nga-ngayon lang nagkaboypren. Para bang ngayon lang ako minahal. Haha. Nakakatawa lang kasi nagugulat pa din ako pag nagtetext sya ng “I LOVE YOU”. Oo, kinikilig ako. Hai.

Sa totoo lang, he’s been acting strangely these past few weeks.¬†Napansin ko yun¬†two weeks after kong¬†nagpaalam sa kanya. (Refer to¬†“Kk for Kailangan na ata..” para malaman ang sinasabi ko.)¬†Dati kasi, pag weekends lang kami nagtetext, kasi busy daw sya sa pag-aaral, tsaka tipid sa load. Ngayon naman, 3 weeks na kaming nagtetext everyday. Ang katwiran nya, pag gusto daw, may paraan. Gumigising pa sya ng maaga para lang magkatext kami bago bumangon. Haha. Dati, hindi kami halos magkita sa loob ng two to three weeks. Ngayon, 3 weeks na kaming malimit magkita – isang oras man o¬†isang minuto lang, basta¬†magkita.¬†¬†Yung tipong aagahan nya ang alis ng bahay nila para lang maintay ako at magkita kami bago ako pumasok sa umaga. O kaya naman, iintayin nya ako sa hapon kahit alam nyang may meeting pa kami. O kaya, bigla na lang syang susulpot sa may teachers’ lounge dahil di na nya ako maintay sa may gate. O kaya naman iintayin nya ng kalahating oras para lang makapag-dinner kami ng sabay.

Kakaaliw. Kakabaliw. Kakamangha. Kakataranta. Kakaloka. Hindi ko na alam kung ano ang itatawag sa kung ano mang namamagitan sa aming dalawa ngayon. Alangan namang ako pa ang magtanong kung boypren ko na ba sya. Parang tanga lang. Haha. Anlabo. Kumbaga sa math, (Kk + The ONE)/0 = undefined. Basta ang alam ko lang, masaya ako. SOBRANG HAPPY AKO DAHIL SA KANYA. Ganito pala ang feeling pag mahal ka ng mahal mo. Hai. Pakipadalhan na lang po ako ng isang trak na ban-eyd. Duguan na kasi ang pisngi ko sa kakangiti.

^______________________________________________^

 

 

 

¬†“…I just¬† can’t believe that you are mine now. You were just a dream that I once knew. I never thought I would be right for you. I just can’t compare you with anything in this world. As endless as forever, our love will stay together. You’re all I need to be with FOREVERMORE…”¬† – Side A

Kk for Kailangan na ata..

Agosto 23, 2010 17 mga puna

Dear THE ONE,

Tama ka.  Nasasaktan ako. Hindi lang ako makareklamo. Super. Kasalanan ko ba kung duwag talaga ako pagdating sa bagay na yun? Ayoko ng rejection. Sino ba ang may gusto? Badtrip lang. Badtrip talaga.

Alam mo namang hindi kita kayang papiliin. Bakit? Simple lang. Alam kong HINDI AKO ANG PIPILIIN MO. Ano ba ako? Friend. Special friend. Yun lang. Hanggang doon lang. Malabo ka kasi kausap. Ayaw mong lumayo ako, pero ayaw mo naman akong pigilan. Sabi mo, mahalaga ako sayo. I’M YOUR DEAR SPECIAL SOMEONE. Yeah right. Saang banda? Paking teyp talaga.

Tapos ngayon, sasabihin mong hindi na naman din mahalagang malaman ko pa kung galit ka sa akin o hindi. C’mon! Alam mo namang you were everything that mattered to me. Ano pa ba ang gusto mong mangyari? Yan kasi ang hirap sayo. Hanggang ngayon, wala ka pa ring ibang alam kundi saktan ako. *Haha. Adik ako. Sinisi pa talaga kita. Eng-eng.* Hindi mo naman nga pala ako pinilit na mahalin kita. Ako lang ang nagvolunteer sa sarili ko. Rar.

I’m still the same stupid girl who fell in love with you three years ago. O ngayon, eto na naman ako. Mahal na naman kita. Mahal pa rin pala kita. E ano naman ang laban ko sa kanya? Ex mo sya. Moment mo na yan. Go, balikan mo na. Okay na ako. Masaya ka na naman ulit e. Diba nga, yun lang naman ang role ko sa buhay mo – ANG PASAYAHIN KA. At dahil masaya ka na, ano pa ang gagawin ko sa buhay mo? Edi exit na muna ako. Oo, i still love you, but then again, I chose not to show it anymore. Ayoko pa magpaalam, pero parang yun na ang tawag ng pagkakataon. KAILANGAN NA ATA..

Sige, see you after three years. Sana pag dumating ang pagkakataong yun, handa ka na na mahalin ako. Yung ako lang, wala na silang lahat.  At sana, pag dumating na din ang pagkakataong yun, mahal pa rin kita.  Pagod na pagod na ako.

Goodbye, my boss. I love you still.

-Kaye

Kk for Katulad ng Paking Teyp

Hulyo 13, 2010 17 mga puna

Paking teyp. F*cking tape. Packing tape.

Kung ano man. Naging expression na namin yun ni THE ONE pag may super kabadtripang nagaganap. Basta.

Kagabi, nag-e-emo sya dahil sa past relationship nya. Kesyo di pa pala sya nakakamove on. Tanga pa din daw sya..blah blah blah.. (a.k.a. mga bagay na nakasakit sa akin ng sobra, pero sige lang, manhid-manhidan muna ako.)At natext na lang nyang “..Paking teyp na buhay na ‘to.”

At eto naman ang reply ko sa kanya.

“Aba, oo..parang paking teyp talaga ang buhay na ‘to. Isipin mo, nakakapit ang teyp sa papel at sa pader. Tapos bigla na lang dadating ang oras na may magtatanggal at paghihiwalayin ang papel at pader. Tapos ang masaklap pa nito, pwedeng mapunit ang papel at pwede ring makutkot ang pintura ng pader. Parehong mag-iiwan ng mapait na alaala ng nakaraan sa kanilang dalawa. ”

TANONG: SAAN KO KAYA NAPULOT ANG KAISIPANG ITO? aw.