Iimbak

Posts Tagged ‘facebook’

Kk for Kasalan Na! ;)

Pebrero 17, 2011 1 puna

Andami-dami na ulit ngayong tribute sa EDSA 1. Naalala ko tuloy yung isang eksena namin ni mother last week. Nanonood sya ng tv habang ako naman ay busy sa fb. Haha.

Nanay: 25 years na pala ang EDSA? Ambilis naman..
Kk: Oho, 25 na ako sa August e.
Nanay: Oo nga noh? 25 ka na nga pala. Aba, anak, mag-asawa na.
Kk: Aba, nay, pwede ho bang mag-boyfriend muna? :))

Laugh trip kami dito. :))
Napaisip naman ako. Kailangan ba talagang may taning ang pagiging dalaga? Paano nga kung ganitong wala naman talaga ni magyaya sa akin na mag-date? Yung magpakasal pa ba naman.. Haha.

At lalo na akong napaisip dahil sa mga eksenang ito..

Lunch break, kasama ko yung dalawang co-teachers ko, sina Ms.N at Ms.DJ.

Ms.N: Napag-usapan ka nga naming dalawa ng asawa ko kagabi. Sabi nya, irereto ka daw namin sa kuya nya. Gwapo yun! Mas gwapo pa sa asawa ko. Nagta-trabaho pa yun sa ibang bansa. Kaya lang, baka di mo magustuhan. 30 na yun e. Hiwalay sa asawa.
Kk: Nye.. haha. :))
*syempre, napaisip naman ako dun sa kuya ng asawa ni Ms.N. Kasi naman, gwapo talaga yung asawa nya. Edi lalo pa yung kuya. Bwahaha. Joke.*

The next day..
Ms.DJ: Naikwento kita sa nanay ko. Kung hindi nga lang daw maloko si kuya, dun ka na lang namin papaligawan e.
Kk: Ganon? Super. Kinwento mo talaga ako. Haha. :))
Ms.N: Sabi ng asawa ko, hingin ko na nga lang daw ang number mo at ibibigay nya dun sa pinsan nya. Mabait yun.
Kk: Haha. Kayo talaga.. :))
Ms.N: Bakit? Wala namang masama diba? Magtetext lang naman kayo.

At eto pa ang isa. Christmas break naman ‘to naganap. Nakita ako sa simbahan nung registrar ng school namin..

Ms.NE: Bakit parang gumaganda ka ata lalo? May boyfriend ka na noh?
Kk: Naku, wala nga po e.
Ms.NE: Wala ba? Sige, may ipapakilala kami ni mama sayo. Abangan mo ha?

Waw. Ano ba? Nakakaloka lang yung mga ganitong moments kasi hindi na naman ako ulit nag-o-open tungkol sa lovelife ko. Hinding-hindi pa nga ako nakaka-move on kay THE ONE, at kung paano kami nagkahiwalay ng ganun-ganun lang ilang araw bago mag-pasko, eto naman silang lahat para uriratin ang lovelife ko..Dapat ba akong maging masaya? Pero syempre, ibang istorya yung paghihiwalay namin. Ahahaay.

Ganun ba talaga ka-bothering ang magkaroon ng kaibigan/anak na single habang lahat sila ay masaya sa buhay-pag-ibig nila? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanila. Hindi din naman ako nag-e-emo o nagmamaktol na wala akong lovelife. Hindi din naman ako lalong pumangit at nagmukhang miserable. Kasi,sa totoo lang,ngayon ko lang naranasan na maraming nagsasabi sa akin na gumaganda ako. At dahil marami sila,(mula sa mga estudyante at dating estudyante, hanggang sa co-teachers, hanggang sa principal namin, hanggang sa dati kong HS math teacher, hanggang sa parish priest namin, hanggang sa mga kamag-anak at iba pang kaibigan na matagal ko nang di nakikita),gusto ko na tuloy maniwala na gumaganda nga ako. Haha.

Isa lang ang kongklusyon ko dito: Minsan pala, pangit din ang maging maganda. Bwahahaha! Bakit kasi ngayon ko lang natuklasan na mas bagay naman pala sa akin ang kulot kong buhok na ilang taon ko ring pinilit na ipatuwid? Yun ang salarin ng lahat ng ito e. Hehe. :))

At ang susunod na pinaka-nakakayamot na tanong naman sa akin ngayong mga panahong ito ay:
NAGPAKULOT KA BA?

Rar! Kagatin ko kaya sila? Ang kukulit e. Haha.

KAYA KO PALANG MAGING MAGANDA TEN TIMES. ❤

Advertisements

Kk for Kalma Lang

Oktubre 17, 2010 11 mga puna

Nagsimba ako kaninang 6am. Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.

Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.

Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.

At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.

PRAISE GOD ten times!  😀

Kk for Kala Ko

Hunyo 19, 2010 18 mga puna

Nakakainis ka.

Hindi ako umalis ng bahay dahil akala ko makakatext kita.
Nagmadali ako sa paglalaba dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako natulog ngayong hapon dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako sumama kay ate para magpunta sa dentista dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako nanood ng tv dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako nagmerienda kasama ang nanay ko dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ko na kinulit si ‘dating mahal na mahal na mahal’ dahil akala ko makakatext kita.
Ninamnam ko ang pag-ulan dahil akala ko makakatext kita. Hindi ako masyadong nag-farmville o nag-online sa chat sa facebook dahil akala ko makakatext kita.
Hindi ako gumawa ng exam dahil akala ko makakatext kita.
Hindi muna ako nagsulat dito sa wp dahil akala ko makakatext kita.

Hai talaga. Pambihira. Tapos ngayon, kung kelan alas-sais na, tsaka ka magtetext.. Wala na. Madami na ulit akong gagawin. Madami na ulit maiisip na iutos si mother. Tapos mamaya, expired na rin ang unli ko. Wala.

Hai. Topak moments. Lekat na yan. Akala-akala ako e. Sino ba kasing nagsabi na intayin ko ang text mo? Paking teyp. 😦

..para kay THE ONE..