Iimbak

Posts Tagged ‘first time’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 024

Marso 25, 2014 1 puna

I had 12 classes today. Wala ni isang nag-cancel o umabsent.

BUT i got to finish all of my classes at 9:35, kaya naman feeling ko, hayahay pa din ang buhay.

Parang ang dami kong na-achieve, at feeling ko, gumagaling na talaga ako sa Dungeon Hunter 4. Hahahah! 🙂

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 022

This day is a really amazing one for me.

Sama-sama kami nagsimba kanina – ako, si nanay, si tatay, at si BOYFRIEND! 🙂

It is indeed a VERY HAPPY WEEKEND! 🙂

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Kk for Kasipagan Challenge – Day Ten

Pebrero 27, 2014 11 mga puna

10-Day Blog Challenge Day TEN: ONE Confession

O, kamusta naman ang hindi ko pagpapaskil sa loob ng mahigit kalahating taon? Hahaha!

At para bonggang-bongga naman ang aking pagbabalik, eto na ang confession kong pinag-isipan ko din ng matagal-tagal. Actually, clue lang ito. Kayo na ang bahalang mag-figure out kung ano man yun. Hihih.

mula sa yourbrainondating.com

mula sa yourbrainondating.com

At ito ang isa sa mga mahahalagang bagay na natutunan ko sa stage na yun:

mula sa pinterest.com

mula sa pinterest.com

Syempre, dahil nasa final stage na kami, narealize ko lang na compatible nga kami. Madami pa akong natutunan, pero tsaka ko na ipo-post yun. Hihi. Ito na lang muna. Tsaka mabuti nang tapusin ko muna itong challege na inabot na ng isang taon bago natapos. And after that, tsaka ko sisimulan ang panibagong hamon na haharapin ko. Ano yun?

ABANGAN!

Excited na ako 100x! 🙂

Kk for Kapag Tumibok ang Puso. LOL (lots of love)

Hunyo 20, 2013 16 mga puna

20 dahilan kung bakit love na love kita:

1) Kasi kinikiliti mo ako (kahit sobra-sobra na at ayaw ko na). O diba, dito pa lang, obvious na masaya tayong dalawa? ^_________^

2) Kasi pinapayagan mo akong magpuyat (yihee! papayag na talaga yan ng walang pero-pero..)

3) Kasi lagi mong iniisip ang welfare ko (pwede magpuyat, bast iinom ng multivitamins) Oo, in fairness, ngayon lang ako uminom ng multivitamins simula nung nagkaroon na ako ng muwang sa mundo. Love talaga kita noh? 🙂

4) Kasi you take time to know more about me. Ikaw lang ata ang nag-tityagang  basahin ang lahat ng blog entries ko (kaya nga pinost ko ‘to dito e,kasi alam kong mababasa mo din ito. hihi.) at halungkatin ang mga pictures ko sa fb. Teka, hindi kaya stalker kita? LOL.

5) Kasi  pinakilala mo ako sa family mo kahit abot-abot ang kaba ko. (well, hindi pa talaga sa buong family, pero sa mga kasama mo sa bahay)

6) Kasi pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Kahit na ba inasar mo lang ako ng inasar habang andun ako, alam kong paraan mo lang yun ng paglalambing. Buti na lang at di ako pikon, kung hindi.. 😛

7) Kasi proud ka sa talent ko. LOL. Oo, ikaw na ba naman ang magbida sa mga kaibigan mo na gusto kong magvideoke, at ikaw na ba naman ang pumili ng pumili ng number ng mga kakantahin ko, pag hindi naman ako naniwalang suportado mo ang singing career ko. hihi. 😉

8) Kasi hinahayaan mo akong hawakan ang kamay mo lagi-lagi. Alam mo namang yun pa lang, masaya na ako. 🙂

9) Kasi nakikinig ka sa mga emote KO sa buhay. :’)

10) Kasi hinahayaan mo din akong makinig sa mga emote MO sa buhay. >:D<

11) Kasi pinagttyagaan mo din pakinggan ang mga kwento ko. At ang mas sweet pa jan, fina-follow-up mo pa kung ano na ba ang nangyari, kung okay na ba kami, etc.. mukhang mas affected ka pa sa akin. Hihi. Love mo talaga ako noh? 🙂

12) Kasi you can put up with my childish ways and my foolishness. Hmm.. HUG! >:D<

13) Kasi pinapag-diet mo ako, pero lagi mo akong pinapaalalahanang kumain lagi pagkakadating sa bahay. At sinasabi mo ding di naman ako mataba. Sige, plus 10 ka na sa pambobola mong yan. Hihihi. :p

14) Kasi hinahayaan mo akong kulitin kita. At hindi ka pa naman napipikon, so far. Diba, Kuya Wawie? Hihi. :-*

15) Kasi natutulog ako at gumigising ng may ngiti sa labi dahil sa’yo. ^_________^

16) Kasi you find ways to get in touch with me, always. FB, YM, mail, text, tawag, bisita! Hihi.

17) Kasi tinanggap mo ako ng buong-buo. Kebs lang kung kumain ako ng may extra rice, o kumanta man ako ng stupid love, o kahit na ano pa ang past ko. ❤

18) Kasi binuo mo ako ulit. 🙂

19) Kasi you are a true GENTLEMAN.

20) Kasi alam kong love na love mo din ako. Halos makumpleto mo na nga yung 8 ways to win my heart diba? Hihi.

So, ano ang ending nito? Wala. Inarts lang. Gusto ko lang isigaw sa buong blog world na love na love kita.

HAPPY 1ST MONTHSARY, BOYFRIEND! 🙂

Cheers! To forever and a day! :*

I love you, ten times! ❤

PS. dahil maarte ako, gusto ko, may pics pang kasama. Yep, first time ko din magpost ng pic ko dito. Lol.

love

boyfriend + Kk = forever

take 1 daw kasi di nakangiti dun sa una. :))
take 2 daw kasi di nakangiti dun sa una. :))

Kk for Kasipagan Challenge – Day One

Pebrero 2, 2013 16 mga puna

10- Day Blog Challenge Day ONE : 10 Things You Want to Say To Ten Different People Right Now

10)  TL2, bakit binigyan mo pa rin ako ng ia-assess kahapon e sinabi ko na ngang pass muna ako? Ayan, nahuli tuloy ako ng isang araw sa blog challenge ko. Amp. (Hahaha. As if naman super seryoso talaga ako sa pagsusulat dito. LOL.)

9) Mr. Robinson, bakit po di kayo nagreply sa text ko kahapon? Nakuha nyo ba sa mailbox ang bayad namin sa renta sa bahay? Tsk. Bahala ka, wala na akong ipang-aabono jan. Haha. :[

8) Ninja bro, alam mo ba, si ano, usi ng usi tungkol sa s*xlife ko. Tadong ‘yun! Samahan mo ako, gulpihin na natin sya! Zoooooooooom! -_-

7) Kaedee, sorry kung di ko pa nase-send ang resume ko. Jusme. Pa-tatlong biyernes na ang nakakalipas, di ko pa din naasikaso. Ingat ka jan. See you soon, Singapore! 😀 (Ayun! Yun pala dapat ang inaasikaso ko, and yet, eto ako at nagrereklamo na bored na sa buhay. Hahaha.)

6) OM sa office, bakit po ang team namin ang napili nyong bumaba sa 10th floor at hindi yung kabilang team? Salbahe daw ang mga tao dun. Mababait po kami, promise! XD

5) TL1, ayaw ko mang aminin, aaminin ko na din. Hihi. Mamimiss po kita. Nahiya lang ako umiyak nung farewell mo nung Thursday. Nakakainis. Bakit kasi ikaw na ang magiging TL nung bagong team? Ngayon ko lang narealize na meron pa rin pala akong separation anxiety. 😦 PS. Nakakapagselos nga pala pag naririnig naming nagbaba-bye ka sa gabi sa bago mong teammates. Buti na lang, bababa na kami. Di ko na maririnig yun. T_T

4) Baby bro, dadaan sana ako jan kanina nung pauwi ako, para sana ibigay yung Christmas gift ko sa inyong dalawa. E kaya lang, tinamad na naman ako. Hahaha. Tsaka hindi na din kita natext e. Haha. Miss ko na kayo. :/

3) Mdx, umuwi ka ba? Hindi na tayo nagkita last week. Hindi ka kasi pumunta nung birthday ni Lola M e. Sana naka-chika tayo ng isang hapit. Masasabunutan mo na talaga ako pag nalaman mo ang mga latest na kagagahan ko sa buhay. Pero okay lang yun, para matauhan naman ako. Haha. I miss you, kapatid! :*

2) Mark Zuckerberg, ano bang meron ang system nyo at lagi-lagi na lang magbubukas ako ng fb ko e mga posts ni Dubaiby (Dubai Baby, ipinilit ko lang. Kainis. Haha.) ang kauna-unahang lumalabas sa news feed ko? Buti ba sana kung yung mga posts nya “a few seconds ago” lang e. Bakit naman kahit yung mga “6 hours ago” pa e kaunahan pa rin sa news feed ko? Ano ‘to?! Nang-aasar lang? Sige, suntukan na lang tayo o!

1) Future husband, asan ka na? Apple Maps ba ang gamit mo? Naligaw ka pa ata ng landas e. Hindi na ako sa Times nagbo-board, lumipat na ako. Pag nabasa mo ‘to, i-email mo ako, para ma-send ko sa’yo ang address ko ha? 😉

At para sa’yo, oo, IKAW nga na nagbabasa nito, thank you sa pagdaan. Hehe. At oo nga pala, kung kilala mo yung mga tao dito sa listahan, pakibanggit na lang sa kanila yung message ko. Salamat ten times! LOL. 😀

Kk for Kasipagan Kunyari

Enero 31, 2013 20 mga puna

Alam mo yung feeling na super-duper-mega-overly-bored-to-death ka na?
Ako, hindi pa. OA lang ang pagakakatanong ko. Haha. Halatang bored nga ako noh? Kaya naman nag-goodnight ako kagabi sa mga estudyante-turned-katropa-turned-ninja-turned-kapatid ko.

Eto ang naging takbo ng usapan namin ng isa sa kanila:

Kk: Goodnight, ninja. 🙂
Ninja bro: Mustasa?
Kk: Eto, ayos, pagod na sa buhay. Haha. Ikaw, kamusta?
Ninja bro: Haha, e loko ka pala e, ako na papatay sayo? Hahaha, ok lang, nakakaraos e haha
Kk:Hahaha. *insert pointless rant here* Gusto ko takasan ang buhay ko, magkapagbakasyon naman,tara. Haha.
Ninja bro: Aba’y paghanap ng ibang magagawa, kadami-daming pwedeng gawin i, haha hanap kana ibng work tas bgyan mu ku chks. San naman? Kung sa europe sasama ako haha,
Kk: Haha. Sige, san ba sa europe? Papa-book na ako ng flight. Haha.

At syempre, puro kalokohan lang kami. Ganun lang talaga kami mag-usap. Halatang bored na bored ako noh? Kaya eto, naghanap ako ng ibang magagawa.

10-day

Haha. 10-Day Blog Challenge lang muna ang sa akin. Bakit?
1) Testing pa lang kasi muna. Baka naman mapabigla pag 30-day blog challenge agad. Hihi.
2) Tsaka inggitera ako e, bakit ba?
3) Tsaka feeling ko kasi nakukurta ang utak ko sa kaka-English mula alas dos ng hapon hanggang alas onse ng gabi. Isipin ko pa lang ang classes, essays at speaking assessments sa buong araw, naku!
4) Tsaka para may iba naman nga akong mailagay dito. Haha. Para naman kasing wala pa akong naiipost dito na makabuluhan. Pero, syempre, wag nyo asahan na magiging meaningful din nga ang mga isusulat ko tungkol sa challenge na yan. Hihi.
5) Tsaka February na bukas e. Wala, maidahilan lang. Sigurado naman kasing puro love, love, at love pa din ang ipopost nyo e. So para maiba naman. Hehe. Peace! ^^V

Kaya ko kaya ‘to? Sampung araw na kasipagan? Well, for a change, KAKAYANIN KO ‘TO TEN TIMES! 😉