Iimbak

Posts Tagged ‘halumanis’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 025

Marso 26, 2014 1 puna

Simula nung lumipat na ako ng boarding house, laging malungkot ang kanin ko. Kasi pag hindi prito, instant o baboy lagi ang ulam ko.

Pero ngayong araw na ‘to, may tindang pinakbet sa karinderya sa baba. Simula kasi nung nakabili ako ng pinakbet na halumanis dun sa malapit sa dati kong tirahan, hinding-hindi na talaga ako bumili ulit nun.Hahahaha! Partly, kasalanan ko din yun kasi tanghali ko binili, gabi ko na kinain.

Anyway, naisip ko, ibang karinderya naman ito at baka naman pwede ko bigyan ng chance. Hahahah!

At hindi naman nga ako nagkamali.

GOOD JOB, ate sa karinderya.

One happy tummy here! 🙂

At na-very good din ako ni Boyfriend kasi kumain nga ako ng gulay. Hihi. 🙂

Ang pinakbet, bow.

Advertisements