Iimbak

Posts Tagged ‘heartache’

Kk for Kung Gugustuhin..

Abril 16, 2013 2 mga puna

Wala akong gaanong magawa kanina, kaya binalikan ko yung mga “saved pages” ko sa celfone ko. Well, actually, marami pala akong dapat gawin, di lang talaga ginawa agad, sinumpong ng katam~. Haha. Anyway, isa ito sa mga nakita ko at oo, sapul na sapul nga naman ako.

And yes, it makes perfect sense.

Bakit ko nga ba naman paulit-ulit na iiyakan ang mga bagay na naiyakan ko na noon pa? Pwede namang tigilan na diba?

Ang tanong lang: Madali ba ‘to gawin?

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

Ang sagot ko: OO, kung gugustuhin. Diba?

Ngiti lang. Ngiti na ulit, Kaye. 🙂

 

~Kayang-kaya ko ‘to ten times! Kaya nga ako naging ninja e. 🙂

Advertisements

Kk for Kung Sunday Lang Ngayon…

Abril 15, 2013 12 mga puna

“Happy Monday!” (automatic na linya sa klase; paraan ng pangontra negativity dahil Monday na.)

 

Monday na ba talaga? My day was a crappy one this morning. It is so unusual for me. Kulang ako sa tulog, pero ano bang bago sa alas kwatrong pagtulog? Posibleng di ko lang masyadong na-feel ang weekend ko e. Sunday na kasi ng maka-tanghalian ako nakauwi sa lupang tinubuan. Ayun, pagdating ko, oras na ng pagtulog sa hapon. Wala, hindi na ako nakaabot ng mga Sunday Oldies na tugtugin. Adik lang noh?

 

 

**credits kay Lola Shirley Bassey na umawit nito, at sa nag-upload na din sa youtube na si ms.detoyato.

Hinanap ko talaga ang kantang ‘to kasi isa ito sa mga paborito ko. Narinig ko lang na kinakanta ‘to dati ng nanay ko sa videoke nung bata pa ako. Tapos naririnig ko din nga pag Sunday. Kaya ngayong matanda na ako, nakikipag-unahan na ako sa nanay ko sa pagkanta nito sa videoke. Hihi. Nakaka-relate ba ako dito ngayon? Siguro. Ewan. Secret, walang clue. Masarap lang pakinggan. Sana maenjoy nyo din. 🙂

 

Happy listening. Happy Monday. Ulit-ulitin lang ten times, Kaye, para makumbinsi kang happy nga ang Monday na ito. 🙂

Kk for Katahimikan! Katahimikan!

Abril 5, 2013 9 mga puna

Dear The One,

Wag ka na bumalik sa buhay ko, utang na loob! Pagod na pagod na ako sa paghabol sa’yo noon. Natauhan na ako. Tapos na yun diba? Wag ka na magparamdam. Wag ka ring magtanga-tangahan na okay pa din ang lahat between us. Wag ka na mag-inarte pag hindi mo na nakukuha ang katulad na atensyon na binibigay ko sa’yo dati (na inaksaya mo lang naman). Wag mo na isumbat sa akin na nagbago na ako. Oo, nagbago na talaga ako. Wag mo na sabihin pa na nalulungkot ka at hinihintay mo lagi ang mga replies ko sa mga messages mo. Alam ko namang nakakatulugan mo pa rin yun katulad ng dati kaya hindi ka nakakareply. O kaya naman baka hindi mo na lang napansin dahil katext mo din sya. Ayaw na kitang maging kaibigan. Hindi mo ba yun naiintindihan? At sa pagkakaalala ko, hindi Mike Enriquez ang pangalan mo para hindi mo ako tantanan.

Akala ko kinalimutan mo na ako dahil hindi mo ako tinext ng ilang linggo din, tapos biglang ako pa ngayon ang sasabihan mong baka binura ko na ang number mo. Well, fyi, hindi ko na yung kailangang gawin dahil hindi naman talaga naka-save ang number mo sa fone ko. Wag ka na umasta na parang MAHALaga pa ako sa’yo. Alam kong hindi, wag ka na magpanggap. Uulitin ko lang, wag mo na ako balikan. Wag mo na akong gawing panakipbutas sa mga oras na hindi ka napapansin ng girlfriend mo, na nakakatawang “THE ONE” din ang tawag sa’yo.

Hayaan mo na akong mag-move on. Pagod na pagod na ako. Wag mo na guluhin ang puso ko. Ok na ako. Hayaan mo namang makumbinsi ko ang sarili ko na ok na nga ako. At ngayon ko lang sasabihin ‘to sa’yo at pakitandaan: Hindi na kita mahal. (sana makumbinsi ko nga ang sarili ko ng 100%)

RIP, (Resting in Pieces)
Kaye

At palagay ko, ito ang kantang magsa-summarize ng nararamdaman ko ngayon. leche lang. (//_+)

*credits kay Mareng Nina sa talaga namang makabagbagdamdaming pag-awit nya. Salamat din kay FallenxAngelxLover sa pag-a-upload ng video na ito sa youtube. 🙂

**para sa ilang sulyap ng aking kabaliwan kay THE ONE, eto ang ilan: ang loveletter1, ang loveletter2,  ang makapunit-bibig na ngiti ko, ang unang tikim (ng aylabyu), ang simula ng katapusan.

Move on-move on din pag may time. Bilis-bilisan din ten times. >.<

Kk for Keep Chasing…

Saktong-saktong soundtrip para sa babaeng may Wednesday Sickness. :[

Pasaway kasi ‘tong si Mareng Adele e. Napapahimig at napapaisip tuloy ako. Tama bang magpatuloy pa kung alam mong wala din namang patutunguhan? Pero paano ka nakakasigurado na wala ngang patutunguhan kung hindi mo susubukan? Dapat bang tumigil na kung tama naman ang iyong nararamdaman? Pero paano kung matuklasan mong mali naman pala ito, in the long run? Lagi na lang bang kailangang mag-play safe? O oras na din naman para mag-take ng risk? Magkaiba naman ang TAMA at DAPAT. Pwedeng TAMA pero hindi DAPAT. Pero ang DAPAT, laging TAMA. Sabi nga ni Pareng Aristotle (na isa din sa mga crushes ko lately) sa isa nyang awitin, DAPAT TAMA. Lol. Maisingit lang. Haaayy.. Adobo Mode.

*credits sa totoong may-ari ng video. 🙂

If you don't try you'll never know if you don't go after what you want you'll never get it and if you never ask the answer will always be no

*ang imaheng ito ay nagmula naman sa Google Images. 🙂

Kk for Kasipagan Challenge – Day Seven

10 – Day Blog Challenge Day SEVEN: 4 Turn Offs

 

Una sa lahat, simula nung pumasok ako para mag-aral maging guro, napagtanto-tanto kong ang guro dapat ay mayroong bukas na puso para sa lahat. Kahit na anong klase ng itsura, ugali, amoy, at estado ng estudyante pa yan. At yun naman nga ako – MAPAGMAHAL. (naks, char char lang. lol.) Pero katulad nga ng depenisyon ni Kuya Cheese sa terminong “Turn Offs”, hindi ko ito ina-apply sa lahat ng tao. Sa mga prospects lang, ika nga. Hihi. *Wag nyo masyadong seryosohin ha?* 😉

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

 

– Conceited, vain, self-proclaimed, at iba pang mga kapatid ng mga salitang ito. Hello?! Oo na nga, obvious na mukhang gago gwapo sya o tarantado talentado. At sige, maraming nagkakagusto sa kanya, posibleng kasama pa din nga ako dun. Okay lang na i-joke paminsan-minsan, pero hindi naman kailangang ipagsigawan yun sa buong sangkatauhan minu-minuto. Si Coco Martin nga, parang hindi naman sinusubukang gawin yun e. Magkape para kabahan sa sinasabi mo. Eto o. cl_l Hihi.  May pa-swag-swag pang nalalaman, ipa-swag ko kaya sa kalabaw ng kapitbahay namin? Hahaha.

 

– BO (in any form). Tinuruan naman siguro tayong lahat ng proper hygiene sa school noong nasa elementary pa lang tayo, at imposibleng may hindi naka-gets yun. Kasi parang nakakapanliit naman kung reregaluhan ko pa ng toothbrush o deodorant diba? Tsaka kaya nga hindi na ako umulit pa ng pagbili ng Chili Con Carne sa Wendy’s e. Hahaha! Pero hindi ko din naman inaasahang maging kasing-bango sya ng mga lalaki sa commercials ng Axe dahil malamang hindi ko din gugustuhing mapalapit sa kanya. Sakto na ako sa neutral na amoy. Konting pabango ay ayos na din. Hihi.

 

– J3j3m0n. e3ouWsZxs pF0zXs?! Suntukan na lang o. jejeje.

 

– Bastos. 2 klaseng bastos ang ayoko. A) Yung bastos at di rumerespeto lalong-lalo na sa magulang/nakakatanda. Hindi ko sinasabing dapat lagi may ‘po’ at ‘opo’ pag kinakausap sila. Wala yun sa structure ng sentences e, nasa content na yun. Halimbawa: “Antanga-tanga mo naman, Nay!” Asus, sana hindi na lang tinawag na nanay. At sana sinundan na din ng “P*t*ng*na naman po!” para nasulit ang kabastusan. Haha. at B) Yung bastos na pervert. Alam kong may mga oras din namang kailangang maglandian kuminsan, pero wag namang SUPERMAN as in SUPER MANiac. Kahit nga si DJ Alvaro, ang sabi diba, “Ang tipo kong lalaki – maginoo pero MEDYO bastos.” MEDYO lang, hindi to the highest level. Pangalan pa nga lang ang alam mo, itatanong mo na agad kung virgin pa sya. Ano ‘to, lokohan?!

 

At bago ko ito tapusin, ibabahagi ko muna ang munting kaisipang sinabi sa akin ni nanay seven years ago: “Anak, hindi naman ibig sabihing nakakita ka na ng gwapo o mayaman, yun na agad. Pipili-pili din naman. Kaya nga mas mataas ang isip kaysa sa puso e.”
Na dinugtungan ko naman ng “At kaya nga mas mataas ang puso kaysa sa puson.” BOOM!

 

Nagmamaganda lang TEN TIMES. 😉

Kk for Kapirasong Bahagi

Pebrero 27, 2013 16 mga puna

“Nais ko pang ika’y mas makilala sana…
Ngunit nagpaalam kang ika’y lalayo na.
Tugon ko’y ‘oo’ nang walang kakurap-kurap.
Batid mo kayang ika’y lagi pa ring hanap?”

 

 

~ Naisulat lamang ni Kk dahil nakapulot ng kaunting inspirasyon kay Jay Contreras.
Wala na akong masabi. Ohaaaay na lang. Kaya yan ten times! :]

Kk for Kalaro Pala Ha…

Enero 14, 2013 22 mga puna

Hindi ibig sabihing nagmemessage-an kayo sa fb five times a week for three straight years, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing tinatawagan ka nya galing Dubai, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing humihirit sya ng mga pamatay na pick-up lines na hindi mo pa naririnig kahit kailan dahil girl pick-up ka at kinikilig ka pa din, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing nagkukwento sya sa’yo ng problema nya sa girlfriend nya, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing alam din nya ang istorya ng lovelife mo, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing sinabi nyang ikaw ang naisip nya nung sinabi nung manghuhula na nasa Pilipinas yung mapapangasawa nya, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing magkakilala pala ang pamilya nyo , gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing sinabi nyang maganda ka, maganda ang ngiti mo at crush ka nya, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing tinanong ka kung pwedeng maging dalawa kayo ng girlfriend nya, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing pinuntahan ka nya nung umuwi sya, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing inuwian ka nya ng camel (dahil yun ang request mo two years ago) na sinamahan pa nya ng ref magnet at key chain, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing inintay ka nya ng mahigit apat at kalahating oras, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing hinawakan nya ang kamay mo at sinabing sya ang boyfriend mo, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing pumayag ka na pumunta kayo sa lugar na sobrang linis at sobrang buti, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing tinititigan ka nya na parang wala nang bukas, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing sinabi nyang ayusin mo na ang mga papeles mo at sumama ka na pagbalik nya sa Dubai at dun ka na din titira kasama nya, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing nakita nyo na ang lahat sa isa’t-isa, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing nag-aalala sya sa’yo, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing mas pinili ka nya kesa sa mga kainuman nya at sa iba pa nyang appointments, gusto ka na nya.
Hindi ibig sabihing pinapangiti ka nya lagi, gusto ka na nya.

Pwede namang naghahanap lang yan ng kalaro. Para kasi yang tug-of-war. Hila kayo ng hila at palapit kayo ng palapit sa isa’t-isa. Walang gustong bumitaw kahit may nasasaktan na. Yun nga lang, the first one to fall, loses.

Malas lang, AKO yun.

Ilang testing pa, matututo din ako maglaro. Wag kayo mag-alala.

Sige lang, KAYA YAN TEN TIMES.

Eto yung camel na pasalubong nya last week.

Eto yung camel na pasalubong nya last week.

PS. Hindi ko pala nasabi na hindi na sya nagpaparamdam ngayon, kahit sa fb o sa text man lang. Gaguhan lang diba. (Jan.14, 23:51pm)