Iimbak

Posts Tagged ‘kapamilya’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 022

This day is a really amazing one for me.

Sama-sama kami nagsimba kanina – ako, si nanay, si tatay, at si BOYFRIEND! 🙂

It is indeed a VERY HAPPY WEEKEND! 🙂

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Kk for Kaligayahan Challenge Day 013-016

Waaah.. Pwede ba ang magdaya at pagsama-samahin na ang mga nakaraang araw into one post? Haha!

Syempre, blog ko ‘to, hindi na din kayo makakatanggi diba? Lol.
**kaya nga ba walang bumibisita masyado dito e. Puro kabalbalan lang ang alam ko. hahaha. **

Anyway, hindi naman ibig sabihing hindi ako nakapagsulat since last Friday e hindi ako naging matagumpay to find what makes me happy .

Day 013 – Friday
– Hindi ako nakapagsulat kasi andito na naman ang isa sa aking friends na bumisita nung isang linggo. Past 5pm, tinext nya ako kung anong oras daw ang break ko, pupunta daw sya sa office. Ayun, chikahan to the max na naman. May pasalubong pang caramel sundae. Magte-ten na ata nung umuwi sya kasi sunod-sunod na nun ang classes ko.
Na-realize ko tuloy na nagiging mabuti naman pala akong kaibigan paminsan-minsan. Hahahah! Kasi wala na naman talaga syang ibang sinadya dito sa office kundi ako. May kabutihan pa din pala akong taglay. Hihi. 🙂

Day 014 – Saturday
– Ngarag ang beauty ko sa isang oras at kalahating pagpapabalik-balik sa dating boarding house at sa bagong boarding house. Nakakaloka. Kala ko mapuputol na ang mga balikat at kamay ko e. Kung sumali pala ako sa The Biggest Loser, malamang ako ang nanalo sa mga ganung klaseng challenges. Hahaha!
Anyway, ayun, awa naman ni Lord e naging successful naman ako. Nakuha ko pang ngumiti sa mga taong nakakasalubong ko sa kabila ng ilang attempts na sumuko at kumausap na ng mga bata sa kapitbahay na ipagbitbit ako ng mga gamit sa halagang P100. Haha. Tsaka nakuha ko na din ang refund ko, kaya feeling ko, sulit ang ginawa ko. Hahahha!
Ah, eto pa pala, sinamahan ko magpa-check up sa cardiologist si Mother Earth, kasi nagka-heart attack sya last November. Ang good news dito, binawasan na yung mga gamot na iniinom nya. May mga tinanggal na na gamot, meron namang binabaan na ang dosage, at meron namang binawasan na ang number. Praise God! Naaawa na ako sa nanay ko pag nakikita ko syang umiinom ng sandamakmak na gamot e. 🙂

Day 015 – Sunday
– Binilhan kami ni Mother Earth ng bagong gadget. Hihi. Well, it was more than what I expected. Ay, actually, hindi talaga yun libre kasi babayaran namin ni ate yun kasi credit card nya yung ginagamit. Hahahah! Anyway, mabuti na din yun na bumili nito, para di naman ako nalulungkot kasi mag-isa na lang ako talaga ngayon sa nilipatan kong boarding house.

Day 016 – Monday
– Manic Monday sa iba. Panic Monday sa akin. Hahaha! Bakit kasi mas masarap matulog pag Monday ng umaga e?! Edi Plan A ako, sumakay ng aircon bus hanggang sakayan ng van. Pero pagdating ko sa terminal ng bus, wala pang sakay kahit isa! Oh no..
Buti na lang at may Plan B – sumakay sa ordinary na bus na saktong papaalis na pagkarating ko. Pagbaba ko sa sakayan ng van, oh no! Nasaan ang van? Shemay, yun pala yung kakaalis lang. Kala ko, pa-Calamba yung kasalubong ng bus. Rawr!
Buti na lang at may Plan C – sumakay ng aircon bus ulit papunta sa isa pa ulit sakayan ng van. Haaay! At salamat naman, malapit na mapuno nung dumating ako.
So, maaga pa naman ako nakarating sa office. Kala ko, aabot ako sa Plan Z e. Haha!

Magulo ba? Mahaba ba? Madaldal ba? Oo noh? Hayaan nyo na, ganyan talaga, Panic Monday e. :p

Kk for Kaligayahan Challenge Day 009

Marso 10, 2014 7 mga puna

It has been three weeks since the last time I witnessed the sunrise, and I am so much blessed to see it again today.

Ewan ko, it felt different today. I just realized I never liked my Mondays this much before. Hihi. Epekto pa rin ng true love. Hahaha!

Nakakatuwa din kasi si Soon-to-be sister-in-law ang nagprepare ng breakfast namin ni Boyfriend. Hihi. Uuuyy..love na din talaga nya ako. hihi. 🙂

Anyway, today is Happy Pay Day kaya happy din ang Monday. Hahaha!

Kk for Kaligayahan Challenge Day 008

Marso 9, 2014 3 mga puna

This is one of those really special weekends for me because I get to spend the whole day with him. ❤

 

But wait, there’s more!

 

Ano pa nga ba ang ginawa ko ngayong araw na ‘to na nakapagpaligaya sa akin?
1) nagbyahe ng mahigit kumulang apat na oras kasama sya
2) bumalik sa lugar na una naming naging tagpuan (say hello to MRT- Taft Station)
3) naki-party sa 7th birthday ng anak ng peyborit couple ko sa blog world
4) nakita ko ang isa pang side niya dahil sa pagsali nila sa isa sa mga games sa kiddie party. <3<3<3
5) natunghayan ang isang napaka-tamis na wedding proposal. OMG! kahit hindi na ako nasorpresa masyado (dahil narinig ko na na pinag-uusapan ng mga kasama ko), kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. **teka teka, hindi PA ito wedding proposal para sa akin ha. hihi. **
6) tumambay at nakibonding kasama ang lalaking mahal ko at ang kanyang mga kaibigan (ayiee.. pakisilip po ulit ang listahang ito: 8 Ways to Win Your Heart)
7) matutulog na ako mayamaya kasama ulit sya, pero this time, sa bahay nila

 

osya, tama na muna ‘to. Masyado na akong masaya for today. Hindi pa rin ako maka-get-over sa proposal na nakita ko kanina e. Hahaha!

 

Thank you, O Lord, for the gift of True Love. ❤

Kk for Kaligayahan Challenge Day 007

Marso 8, 2014 6 mga puna

Yey! TGIS!

Masaya ako ngayon kasi umuwi din dito sa bahay namin si Boyfriend. Nung January pa kasi ang huling beses na umuwi sya dito e. Hihi. ❤

Kk for Kaligayahan Challenge Day 004

Marso 5, 2014 2 mga puna

Day four pa lang at na-realize kong ang challenge na ito ay challenging nga. Naisip ko kasi kanina, alas siyete na, wala pa akong nakikitang dahilan para maging maligaya. Well, yes, in a way, nalungkot pa ako kasi may konting tampuhan pa kami ni Boyfriend kanina.

 

Anyway, ang mahalaga nito e naayos na din naman. Plus, I’m glad because I got the reassurance that I am really a part of his family. Hindi lang sa kanya mismo nanggaling, kundi sa kapamilya nya. It just goes to show that it’s not just him who loves me, but his whole family, too.

 

And I guess, that’s enough to make me feel happy today. Sapat na yun para mapawi lahat ng pagod, pag-aalinlangan, at takot na nararamdaman ko kanina. 😀