Iimbak

Posts Tagged ‘kapatid’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Advertisements

Kk for Kakaba-kaba Ka Ba?

Abril 24, 2013 2 mga puna

Quality Assurance Scores, Regularization, Interviews, Group Classes, Part-time Job, asdfghjkl!

Alam kong hindi ako pabaya sa mga bagay na ginagawa ko, pero dahil hindi pa rin ata mawala-wala sa sistema ko ang pagiging isang WORRIER, yan ang mga nagbibigay ng dahilan sa akin kung bakit kakaba-kaba ako ngayon. Kakapagod din mag-isip kung minsan noh? Sino Ano nga ba talaga ang gusto ko? tsss..

Ayos diba? Credits sa itchywormsVEVO para sa video na ito. 🙂

ah! oo nga pala, alam ko na kung ano ang pinaka-nagbibigay sa akin ng matinding dahilan para maging kakaba-kaba:
2 CUPS ng KOPIKO ASTIG. -__-

mabuti pang mag-tongue twister na lang. sabihin nyo nga ang KAKABA-KABA KA BA ten times! kape pa! Hihi. 😀

Kk for Kasipagan Challenge – Day Six

Pebrero 22, 2013 7 mga puna

10- Day Blog Challenge Day SIX: 5 People Who Mean A Lot (in no order whatsoever)

 

– Si Nanay, si Tatay, at si Ate.  – Palagay ko, ito naman talaga ang pinaka-obvious. Mauubos ang buong oras ko dito sa opisina pero hindi matatapos ang paglilista ko ng mga dahilan kung bakit sila ang pinakamahalaga sa buhay ko.  Nabanggit ko na din nga sa isa kong paskil na idol ko ang nanay ko. Yung tatay ko, idol ko din yun kasi sobrang galing nun makisama kaya tuloy lapitin ng chicks at ng mangungutang .  Nag-away-away na yung mga kapatid nya, at siya na lang ang kasundo nung mga yun. Pag may mga bisita ako sa bahay, siya yung katulong ko mag-entertain. Palibhasa kasi, mana ako sa nanay ko, mahiyain. Loljk. Sa susunod, gagawa din ako ng paskil na eksklusibo lang para sa kanya. Hihi. Yung ate ko naman, sa kanya ko natutunan buuin ang sarili kong identity. Paano ba naman, bata pa lang kami, lagi na lang kaming nakukumpara. Sa kanya ko din na-realize na pareho naman pala kaming paborito ng mga magulang namin. Madramang-madrama ang eksenang yun. Naku! Haha! Sige, gagawa na nga ako ng paskil na Family Edition. Hahaha.

 

– Mga Sisterakas.  – Madami sila, galing sa iba’t-ibang lugar at sa iba’t-ibang nanay. Yung iba, mga pinsan ko. Yung iba, roommates ko. Yung iba, dati kong co-teachers. Yung iba, officemates ko ngayon. Bakit ko sila mahal? Sa kanila ako nainspire para magpunyagi, para maging maganda, para maging matapang, para maging malambing, para magmahal. Sa kanila ko natutunan kung paano intindihin ang iba pang kababaihan. Haha. Sinusuportahan nila ang mga kabaliwan ko, pero alam din nila kung kailan kailangan na akong iumpog sa pader para matauhan. Sila ang una kong testingan ng mga jokes. Sa kanila ko din minsan napupulot ang mga jokes na ibinabahagi ko sa iba. Sa ilan din sa kanila ako naging instant anak, o instant nanay. At dahil jan, oo, I’m ready to face the world of motherhood. Char!

 

– Mga Brod, Bro, at Bru.  – Katulad ng mga sisterakas, madami din sila. Nakilala ko sila sa schools na pinanggalingan ko. Sila yung mga estudyante-turned-tropa-turned-brothers ko. Masaya ako pag kasama ko sa kanila. Hindi ko nararamdaman na iba ako sa kanila. Naging teacher nila ako pero walang special treatment, pero hindi naman yung tipong nakakabastos. Yung tipong okay lang kahit walang make-up, kahit walang lipstick, kahit gulo-gulo ang buhok, kahit basta lang sumalampak kung saan, kahit sumablay paminsan-minsan, kahit hindi matira ang shuttlecock,  kahit umiyak dahil sa pagkabadtrip o pagkabigo sa pag-ibig, kahit magsuka pagkatapos uminom dahil sa pagkabigo sa pag-ibig, kahit hindi maging maganda, kasi alam kong mahal pa rin nila ako. Walang pressure.  Pwedeng maging AKO ng hindi natatakot na mahusgahan o maplastik lang. Oo, abnormal ako sa iba’t-ibang level, pero pag kasama ko sila, nararamdaman kong normal ako. Hihi.

 

– Si Madam A. – Siya yung principal sa pinagturuan kong school. Sabi nila, terror daw si Madam. Sabi ko naman, OO NGA. Lol. Hihi. Pero palagay ko, kung hindi sya ganun, hindi ko matututunan ang mga maraming bagay tulad ng multi-tasking, magkaroon ng initiative, mapuyat, sumayaw in public, kumanta in public, makapaglingkod kay Lord sa pamamagitan ng pag-awit, magkaroon ng mini-heart attack tuwing idi-ding-dong para punta sa office, maging workaholic, humaba ng pagkahaba-haba ang pasensya, at magmahal ng mga estudyante. Meron pa ba?

 

– Sila. – Sila ang mga taong nakiramay sa pagkasawi, nakitawa sa kakornihan, nakikilig sa lablayp na wala rin namang kinapuntahan, nainis sa akin man o sa mga taong kinaiinisan ko din, nakisakay sa mga kalokohan, nagbigay ng payo, ng pagmamahal, at ng atensyon, nagbahagi ng kanilang kuro-kuro at payo, higit sa lahat, nag-aksaya ng oras para makinig sa akin sa mga panahong hindi ko maihinga sa tunay na mundo ang lahat ng saloobin ko. Deep. Sila yung mga taong kahit kailan ay hindi ko pa nakita o nakausap sa totoong buhay, pero komportable ako sa kanila dahil sila ang aking home away from home. They help me keep my sanity. LOL.

 

Ansaya kong bata diba? To sum it up, I am very much blessed to have these people. Salamat TEN TIMES! 😀

 

PS. Sino yung SILA? Silipin sa comment box. Hihi. 😉

Kk for Kaedi’s Leaving (again)

Disyembre 31, 2010 6 mga puna

Ahahahayy.. 😦

I miss writing so much. I miss reading blogs, as much as I miss everyone here. I haven’t been here for almost 2 and a half months.

But since Kaedi will be again leaving for SG on the First of January, I guess I’ll be around more often. Why? For an obvious reason. I’d be alone again, with no one to talk to.

**teka, sino ba si Kaedi?**
Si Kaedi..

..she is more than a relative, a co-worker, and a picture buddy.
..she is a shoulder to cry on, a hanky to wipe my tears, a guidance counsellor, a super-duper-mega-over great listener.
..she makes lunch breaks more meaningful and worthwhile.
..she could bear my “kalandian” without being so judgmental.
..kunsintidor pero taga-gising din ng natutulog kong diwa at natatanga kong puso.
..taga-share ng bagong chichiria na meron sa neighborhood.
..taga-tawa sa mga korni kong jokes.
..promotor ng mga pagtambay sa bahay.
..kasabay sa pag-uwi.
..kasabay din sa pagiging late sa umaga.
..ka-chat sa papel during meetings.
..kaibigan, kapatid, kapuso, kapamilya.

Hmm..lahat na. Andami-dami pa, pero ayoko naman umiyak pa sa pagsusulat nito. Ayoko naman sya pigilan kasi alam ko naman na para sa ikabubuti din nya yun, at ng family nya. At di naman ako ganun ka-selfish para gawin yun. Haha. Pero dahil nga wala naman akong ibang choice, dito na lang ako ulit magkukwento. I hope you could still bear with me. ;D

Kakayanin ko kahit wala sya. Ayoko malungkot. KAYA KO ‘TO TEN TIMES! ❤

Mga Kategoriya:Kkamahalan Mga kataga, , , , ,