Iimbak

Posts Tagged ‘love’

Kk for Kambak

1-2-3. Mic check. 1-2-3.  Hey hey hey! I’m back!

1-2-3. After almost 12 months x 3, eto, nagsusulat na ulit ako. Yihee! Nakakamiss pala! Ang saya magsulat ulit.

1-2-3. Mula sa trabaho ko nung ginawa ko ang huling blog post ko, naka-3 lipat na ako ng trabaho. Pero may valid reasons naman ako kung bakit ako umaalis. #followyourheart #followyoursweetheart lol.

1-2-3. 123 days na lang before the big day!

1-2-3. I mentioned about joining a fun run in my last blog post. So far, nakatapos na ako ng 3 runs – dalawang 3k, isang 5k. Next month, may 5k run ulit kami! hihi

1-2-3. Sa current job ko, 3 months ang training namin. At sa loob ng 3 months na yun, meron kaming Productive Practice (PP) 1, PP2, PP3 bago kami ma-endorse sa mga teams namin. Yun yung parts ng training where we take in calls. Sobrang bagong experience ito for me. Exciting. Nakakakaba. Nakakataranta. Pero masaya.  #okaylangmagingbayaningpuyat #waglangmagingbayaninggutom

1-2-3. Approximately 12.3 lbs na ang na-lose ko simula November. Hooray! Sorry na kung konti lang yan. Hahaha. Slowly but surely tayo dapat. Charot!

Sobrang dami ko pang gustong ikwento, pero sa susunod na lang ulit. Sana hindi naman ako abutin ng 3 taon ulit bago magsulat. Hahaha! Kaya ko ‘to 10x!

 

 

 

PS. here’s a totally unrelated pic that I want to share with y’all. lol.

20170805_221607.jpg

 

Advertisements

Kk for Kaye Writes a Love Note

Disyembre 16, 2014 8 mga puna

Dear Hubby,

Happy birthday ten times! Thank you sa: 1) walang sawang pagmamahal sa akin, 2) sa pag-intindi sa topak ko, 3) sa pagsakay sa lahat ng trip ko, 4) sa pagpapasaya sa akin, 5) sa pagiging part ng pamilya ko, 6) sa pagsusungit sa aking, 7) sa mga yakap na nakakawala ng pagod, 8) sa mga hirit na nakakabawas ng stress, 9) sa movies na pinapanood natin, 10) sa mga facts na natututunan ko sa’yo, 11) sa pagsuporta sa pagluluto ko, 12) sa effort mo na umuwi ng Alfonso kahit na anong layo pa nun, 13) sa pag-aalaga sa akin, 14) sa mga life hacks na shinare mo, 15) sa pagsundo sa akin, 16) sa pagspoil sa mga pinsan ko, 17) sa pakikipagbonding kay tatay at kuya RG, 18) sa pakikinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay, 19) sa pag-encourage sa akin sa mga panahong ayoko na, 20) sa pag-inspire sa akin para maging the best, 21) sa paniniwala na magaling akong kumanta at kahawig ako ni Denise Laurel, 22) sa pagsasayaw sa Dance Central kahit alam kong ayaw mong sumayaw, 23) sa pagmamano kina nanay at tatay, 24) sa pakikipagchikahan sa mga tito at tita, 25) sa paghahanap ng mga movies na napapanood ko sa bus, 26) sa pag-alis sa akin sa mga mahihirap na levels sa Candy Crush, 27) sa pagtitiyaga mong matulog sa sofa, 28) sa panonood ng Kung Fu Divas (oo, kasama talaga ‘to), 29) sa pagtanggap sa nakaraan ko, 30) sa pakikisama sa mga friends ko, 31) sa midnight foodtrips natin, 32) sa pag-aalaga kay Kreig, 33) sa pagtulong sa mga projects ni tatay, 34) sa mga kantang nagpapakilig sa akin, 35) sa pagbibigay sa mga requests ko, 35) sa pagiging escort ko noong Flores, 35) sa pagpupuyat, 35) sa paglalambing sa umaga, 35) sa pagkumpleto ng buhay ko, 35) sa pagiging best friend ko, 35) sa hindi pagsuko sa akin at sa mga pinagdaanan natin, 35) at sa pagiging THE BEST!

I could go on and on pero medyo mahirap pala magsulat habang nakasakay sa bus. Haha! Ang wishes ko para sa’yo: Sana hindi pa sumasakit ang ulo mo sa kakabasa ng pangit kong handwriting! Sana matupad ang mga pangarap mo sa buhay. Sana din e lagi ka pa ding anjan para sa akin.

I love you so much!

Thank you for being an angel!

Happy, happy birthday, Hubby ko!

With much love,
Khe ❤

PS. Thank you sa pagsama sa akin sa Journey to Forever. ❤ ❤ ❤

————————————————————————–

Happy Birthday, JOEL ko! =)

J – Jollibee ka ba?
Kasi I can’t help but BEE HAPPY when I’m with you!

O – Octopus ka ba?
Kasi tuwing nagsa-smile ka, napapasabi na lang ako ng “Am-PUGI TAlaga ng hubby ko!”

E – Enervon ka ba?
Kasi simula nung minahal mo ako, nagkaroon ako ng MORE ENERGY at naging MAS HAPPY!

L – LG ka ba?
Kasi ikaw ang nagpakita sa akin na LIFE’S GOOD.

————————————————————————–

dahil sinulat habang nasa bus

dahil sinulat habang nasa bus

123456

Kk for Kaligayahan Challenge Day 022

This day is a really amazing one for me.

Sama-sama kami nagsimba kanina – ako, si nanay, si tatay, at si BOYFRIEND! 🙂

It is indeed a VERY HAPPY WEEKEND! 🙂

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Kk for Kaligayahan Challenge Day 019

ULALAMMM Bistek Walastik made my day. Good job! Hindi ako nagkamali sa pagbili ng extra half rice. LOL.

At 10th monthsary namin ni Boyfriend ngayon. <3<3<3

Kk for Kaligayahan Challenge Day 012

Marso 13, 2014 2 mga puna

Edi mag-uuwian na ang lahat at muntik ko na makalimutan magsulat dito.

Masyado atang naaliw sa kokonting klase kaya naging busy sa pagyu-youtube. Haha!

Anyway, what made me the happiest is waking up very early in the morning (read: 2:42am) and having breakfast with him.

Okay lang gumising ng napaka-aga. Nakatulog pa naman ako ulit pagka-alis nya hanggang 11:48 ng umaga. Haha!

At dahil jan, lumabas na naman ang hidden talent ko sa music. May kanta akong dinededicate ko sa pinakamamahal ko:

 

“Ika’y pang-umaga. Ako’y pang-gabi.
Ang pasok natin ay magkasalungat.
Ako’y naghapunan, ika’y mag-uumagahan.
Ngunit kahit na anong mangyari…
Balang araw ay makakapiling ka.”

 

)
 

Kainis ako sa kakornihan at ka-cheesy-han ko. Haha! E bakit, miss na miss ko na agad e.. 😉

Kk for Kaligayahan Challenge Day 011

Marso 12, 2014 2 mga puna

Simple lang ang araw ko ngayon, pero masaya pa din. At alam kong magtatapos din ito ng masaya. 🙂

 

Gumising ako ng mas maaga ngayon kasi maglilipat na ako ng gamit sa bagong boarding house. Aalis na kasi ako sa tinitirhan ko this Saturday kasi ako na lang mag-isa dun. Teka, asan si Boyfriend? you might ask.. Ayun,dun na muna sya umuuwi sa kanila kasi mas malapit dun yung nahanap nyang work. Masyadong hassle kung South to North lagi ang byahe nya araw-araw.

 

Anyway, ang good news nito, nagpplano na din palang mag-board sa malapit-lapit sa work yung isang friend namin sa office. So, pumunta na din sya kanina sa lilipatan kong boarding house at tiningnan nya. Buti na lang at nagustuhan naman nya yung lugar at lilipat na din sya next month. Edi hindi din naman pala ako masyadong magiging lonely dun. Hihi.

 

Pero syempre, mas masaya pa din yun kung si Boyfriend ang kasama ko.

Mabuti na lang at mabilis tinupad ang wish ko. Kaya mamaya, pag uwi ko, may sasalubong ulit sa akin kasi dun muna sya umuwi ngayong gabi. ❤

 

PS. may isa pa palang happy news today! nag-treat ng lunch yung isang Kpop supervisor namin dahil 2 weeks na daw kaming perfect attendance sa team. hihi!