Iimbak

Posts Tagged ‘maruta’

Kk for Kasipagan Challenge – Day Seven

10 – Day Blog Challenge Day SEVEN: 4 Turn Offs

 

Una sa lahat, simula nung pumasok ako para mag-aral maging guro, napagtanto-tanto kong ang guro dapat ay mayroong bukas na puso para sa lahat. Kahit na anong klase ng itsura, ugali, amoy, at estado ng estudyante pa yan. At yun naman nga ako – MAPAGMAHAL. (naks, char char lang. lol.) Pero katulad nga ng depenisyon ni Kuya Cheese sa terminong “Turn Offs”, hindi ko ito ina-apply sa lahat ng tao. Sa mga prospects lang, ika nga. Hihi. *Wag nyo masyadong seryosohin ha?* ūüėČ

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

 

РConceited, vain, self-proclaimed, at iba pang mga kapatid ng mga salitang ito. Hello?! Oo na nga, obvious na mukhang gago gwapo sya o tarantado talentado. At sige, maraming nagkakagusto sa kanya, posibleng kasama pa din nga ako dun. Okay lang na i-joke paminsan-minsan, pero hindi naman kailangang ipagsigawan yun sa buong sangkatauhan minu-minuto. Si Coco Martin nga, parang hindi naman sinusubukang gawin yun e. Magkape para kabahan sa sinasabi mo. Eto o. cl_l Hihi.  May pa-swag-swag pang nalalaman, ipa-swag ko kaya sa kalabaw ng kapitbahay namin? Hahaha.

 

– BO (in any form). Tinuruan naman siguro tayong lahat ng proper hygiene sa school noong nasa elementary pa lang tayo, at imposibleng may hindi naka-gets yun. Kasi parang nakakapanliit naman kung reregaluhan ko pa ng toothbrush o deodorant diba? Tsaka kaya nga hindi na ako umulit pa ng pagbili ng Chili Con Carne sa Wendy’s e. Hahaha! Pero hindi ko din naman inaasahang maging kasing-bango sya ng mga lalaki sa commercials ng Axe dahil malamang hindi ko din gugustuhing mapalapit sa kanya. Sakto na ako sa neutral na amoy. Konting pabango ay ayos na din. Hihi.

 

– J3j3m0n. e3ouWsZxs pF0zXs?! Suntukan na lang o. jejeje.

 

– Bastos. 2 klaseng bastos ang ayoko. A) Yung bastos at di rumerespeto lalong-lalo na sa magulang/nakakatanda. Hindi ko sinasabing dapat lagi may ‘po’ at ‘opo’ pag kinakausap sila. Wala yun sa structure ng sentences e, nasa content na yun. Halimbawa: “Antanga-tanga mo naman, Nay!” Asus, sana hindi na lang tinawag na nanay. At sana sinundan na din ng “P*t*ng*na naman po!” para nasulit ang kabastusan. Haha. at B) Yung bastos na pervert. Alam kong may mga oras din namang kailangang maglandian kuminsan, pero wag namang SUPERMAN as in SUPER MANiac. Kahit nga si DJ Alvaro, ang sabi diba, “Ang tipo kong lalaki – maginoo pero MEDYO bastos.” MEDYO lang, hindi to the highest level. Pangalan pa nga lang ang alam mo, itatanong mo na agad kung virgin pa sya. Ano ‘to, lokohan?!

 

At bago ko ito tapusin, ibabahagi ko muna ang munting kaisipang sinabi sa akin ni nanay seven years ago: “Anak, hindi naman ibig sabihing nakakita ka na ng gwapo o mayaman, yun na agad. Pipili-pili din naman. Kaya nga mas mataas ang isip kaysa sa puso e.”
Na dinugtungan ko naman ng “At kaya nga mas mataas ang puso kaysa sa puson.” BOOM!

 

Nagmamaganda lang TEN TIMES. ūüėČ

Advertisements

Kk for Kasipagan Challenge – Day Four

Pebrero 5, 2013 9 mga puna

10- Day Blog Challenge Day FOUR: 7 Things That Cross Your Mind A Lot
(a.k.a. Diary ng isang Baliw na Transformer)

 

7) Uso naman ang google at mga online dictionaries, bakit kaya may mga taong lagi na din lang namang kaharap ang computer e hindi pa makuhang subukang gamitin ang mga yun at mas gusto pang mang-abala ng iba? Tss..

 

6) Bakit kaya may mga taong hindi man lang makaalala magyaya pag kakain na? Pero pag sila, ang lakas ng loob makikain, at nagrerequest pa ng gustong ulamin kinabukasan! Rated PG?

 

5) Bakit kaya tamad yung nabili naming jumping rope? Dahil kaya tigsa-sampung piso lang yun? Kung tig-i-isang daan kaya ang binili namin, magiging masipag kaya yun? LOL.

 

4) Pag umalis na yung ka-live-in ko, saan kaya ako titira? Babalik kaya ako sa Times o magbe-bedspace na lang ako sa taas ng tinitirahan namin ngayon? :/

 

3) Yung resume ko, kailangan ko na nga pala ayusin para maipasa na ni Kaedi.

 

2) Tingnan ang fb profile ni Dubai boy. Wag tingnan ang fb profile ni Dubai boy. Makipagtalo sa sarili at ulitin ng sampung ulit.

 

1) Matatapos ko kaya ang 10-Day Blog Challenge na ito? Hahahaha.

 

Mainit ba ang ulo ko ngayong araw na ‘to? Oo, siguro. Busy kasi. Bagong lipat pa sa 10th floor, at inaatake na naman ako ng separation anxiety at home sickness. Isa pa, ayoko nang inaabala pag may ginagawa. Lahat naman tayo diba? Tsk tsk. Pagpasensyahan na, hormonal imbalance. Haha. Makadahilan lang e noh? Haha.

DEEP BREATHING. Magbilang 1 to 100 TEN TIMES! -__-

Kk for Kasipagan Challenge – Day Two

Pebrero 3, 2013 11 mga puna

10- Day Blog Challenge Day TWO : 9 Things About Yourself

 

Ito ata ang pinaka-challenging sa lahat sa challenge na ‘to (sige, paulit-ulitin lang. haha.)¬†Dalawang dosena¬†na kasi na kung ano-ano ang nasabi ko tungkol sa sarili ko two years ago. Anyway, bahala na si Spiderman kasi sobrang random lang talaga ng mga isusulat ko dito. Haha.

 

9) Noon, gusto kong maging newscaster. Idol ko si Kara David. Pero nung malapit na akong mag-college, naisip ko, pag naging newscaster pala ako, may pasok ako pag holidays. Di ko makakasama ang pamilya ko pag Pasko at Bagong Taon. Hindi ako makakasama sa prusisyon pag Holy Week. Hindi ako makakasama sa pagsswimming pag bakasyon. Hindi ako makakagising ng late pag may bagyo. Kaya nagbago ang isip ko. Nag-teacher ako. Salbahe ba ako? Hihihi.

 

8) Syempre, sineryoso ko naman yung pagti-teacher ko, kahit ba nagsimula lang yun sa simpleng katamaran, at paghabol lang sa bakasyon. Hahaha. At, in fairness naman sa akin at sa 1/4 ng dahilan kung bakit ako nag-teacher, naka-graduate naman ako ng Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Nagturo ako ng math for six years sa isang private school. At ngayon, Online English Teacher na ako. Konektadong-konektado diba?

 

7) Born under the sign Leo, at ito ay Year of the Tiger. ‘Nuff said. Rawr! este LOL pala. Hihi.

 

6) Late bloomer ako. 19 na ako nung una akong nagka-boyfriend. (for experience purposes only) oops. Don’t get me wrong. Experience purposes = ma-experience lang na may ka-i love you-han at kakiligan sa text, at ma-experience lang ang feeling na maganda pala ako kasi may boyfriend ako. Hahaha. Kababawan, kabaliwan. Pagbigyan nyo na, first time e. Haha.

 

5) Idol ko ang nanay ko. May mga moments na WWND (What Would Nanay Do) ang peg ko. Pag magkasama kami nun, puro kabaliwan. Eto ang dalawang examples:

Naglalakad kaming dalawa at palinga-linga sa ACE Hardware habang hinahanap ang tatay ko…

Salesman: Hi, Ma’am! Ano pong hanap nyo?

Nanay (na kasabay ko palang sumagot): Yung asawa ko! Haha!

Kk: Yung tatay ko. Haha! 

Habang nanonood ng tv, at napanood ang Dove Commercial ni Angel Jacob na may short, adorable hairstyle…

Kk: Magpagupit kaya ako ng maikli? 

Nanay: Sige. Testingin mo.

Kk: Naku, ayoko ata! Baka maging parang kerubin ako! (wavy/malaki-laking kulot kasi ang buhok ko)

Nanay: Hahaha! Magiging Rubin na ang apelyido mo?

Saan pa nga ba ako magmamana diba? Ma-testing nga minsan gumawa ng Compilation ng Nanay Hirits. Hahaha!

 

4) Mahiyain talaga ako sa totoong buhay. Kaya nga nagkalaman itong blog ko e. Nakakainis lang kasi madaming napapatawa pag sinasabi ko na mahiyain nga ako. Seryoso naman talaga ako dun. Hindi ba talaga obvious? Hahaha!

 

3) May pagka-introvert ako. Oo, nabasa ko, walang kinalaman ang shyness sa pagiging introvert, pero oo, I’m both. Okay na ako sa 1-3 na kasama. If I get to meet strangers, meron akong Practice Mode sa utak ko ng mga linya bago ko bitawan. At, pag may nasabi akong hirit na sablay o may nagawang palpak, ayun, paulit-ulit na ire-replay ng utak ko ang eksenang yun. Lecheng Scumbag Brain!

 

2) Bicol Express ang kinahuhumalingan kong ulam sa ngayon.

 

1) Ang mantra ko: Sabihin ang KAYA KO ‘TO ng sampung ulit o higit pa, hanggang makumbinsi ang sarili na kaya ko na nga gawin ang dapat kong gawin. Aja! Fighting! Go!

 

Ayan! Kala ko di na ako makakatapos e. Haha. Anyway, meron pa namang walo pang natitirang araw at walo pang natitirang blog posts para mas maipakilala ko kung sino si Kk. KAYA KO PA ‘TO TEN TIMES! ūüėÄ

Kk for Kasalan Na! ;)

Pebrero 17, 2011 1 puna

Andami-dami na ulit ngayong tribute sa EDSA 1. Naalala ko tuloy yung isang eksena namin ni mother last week. Nanonood sya ng tv habang ako naman ay busy sa fb. Haha.

Nanay: 25 years na pala ang EDSA? Ambilis naman..
Kk: Oho, 25 na ako sa August e.
Nanay: Oo nga noh? 25 ka na nga pala. Aba, anak, mag-asawa na.
Kk: Aba, nay, pwede ho bang mag-boyfriend muna? :))

Laugh trip kami dito. :))
Napaisip naman ako. Kailangan ba talagang may taning ang pagiging dalaga? Paano nga kung ganitong wala naman talaga ni magyaya sa akin na mag-date? Yung magpakasal pa ba naman.. Haha.

At lalo na akong napaisip dahil sa mga eksenang ito..

Lunch break, kasama ko yung dalawang co-teachers ko, sina Ms.N at Ms.DJ.

Ms.N: Napag-usapan ka nga naming dalawa ng asawa ko kagabi. Sabi nya, irereto ka daw namin sa kuya nya. Gwapo yun! Mas gwapo pa sa asawa ko. Nagta-trabaho pa yun sa ibang bansa. Kaya lang, baka di mo magustuhan. 30 na yun e. Hiwalay sa asawa.
Kk: Nye.. haha. :))
*syempre, napaisip naman ako dun sa kuya ng asawa ni Ms.N. Kasi naman, gwapo talaga yung asawa nya. Edi lalo pa yung kuya. Bwahaha. Joke.*

The next day..
Ms.DJ: Naikwento kita sa nanay ko. Kung hindi nga lang daw maloko si kuya, dun ka na lang namin papaligawan e.
Kk: Ganon? Super. Kinwento mo talaga ako. Haha. :))
Ms.N: Sabi ng asawa ko, hingin ko na nga lang daw ang number mo at ibibigay nya dun sa pinsan nya. Mabait yun.
Kk: Haha. Kayo talaga.. :))
Ms.N: Bakit? Wala namang masama diba? Magtetext lang naman kayo.

At eto pa ang isa. Christmas break naman ‘to naganap. Nakita ako sa simbahan nung registrar ng school namin..

Ms.NE: Bakit parang gumaganda ka ata lalo? May boyfriend ka na noh?
Kk: Naku, wala nga po e.
Ms.NE: Wala ba? Sige, may ipapakilala kami ni mama sayo. Abangan mo ha?

Waw. Ano ba? Nakakaloka lang yung mga ganitong moments kasi hindi na naman ako ulit nag-o-open tungkol sa lovelife ko. Hinding-hindi pa nga ako nakaka-move on kay THE ONE, at kung paano kami nagkahiwalay ng ganun-ganun lang ilang araw bago mag-pasko, eto naman silang lahat para uriratin ang lovelife ko..Dapat ba akong maging masaya? Pero syempre, ibang istorya yung paghihiwalay namin. Ahahaay.

Ganun ba talaga ka-bothering ang magkaroon ng kaibigan/anak na single habang lahat sila ay masaya sa buhay-pag-ibig nila? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanila. Hindi din naman ako nag-e-emo o nagmamaktol na wala akong lovelife. Hindi din naman ako lalong pumangit at nagmukhang miserable. Kasi,sa totoo lang,ngayon ko lang naranasan na maraming nagsasabi sa akin na gumaganda ako. At dahil marami sila,(mula sa mga estudyante at dating estudyante, hanggang sa co-teachers, hanggang sa principal namin, hanggang sa dati kong HS math teacher, hanggang sa parish priest namin, hanggang sa mga kamag-anak at iba pang kaibigan na matagal ko nang di nakikita),gusto ko na tuloy maniwala na gumaganda nga ako. Haha.

Isa lang ang kongklusyon ko dito: Minsan pala, pangit din ang maging maganda. Bwahahaha! Bakit kasi ngayon ko lang natuklasan na mas bagay naman pala sa akin ang kulot kong buhok na ilang taon ko ring pinilit na ipatuwid? Yun ang salarin ng lahat ng ito e. Hehe. :))

At ang susunod na pinaka-nakakayamot na tanong naman sa akin ngayong mga panahong ito ay:
NAGPAKULOT KA BA?

Rar! Kagatin ko kaya sila? Ang kukulit e. Haha.

KAYA KO PALANG MAGING MAGANDA TEN TIMES. ‚̧

Kk for Karibal ba?

Oktubre 7, 2010 13 mga puna

Nanonood ako ng Magkaribal kanina, at BOOM! Bongga! Sounds familiar? Gelai, ako ba yan? Rar. Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun. E teka, ano bang pinagsasasabi ko?

Some few years ago, I fell in love with this guy and stayed in our on-off relationship for over a year and a month. He was actually my first “legal” boyfriend, but my family doesn’t like him that much. I also had the chance to meet his family, and they loved me so. Haha. Of course, I’m¬†such a sweet,¬†pretty¬†girl. But then, it ended up as a tragedy. Good girl meets Bad boy. Against all odds.¬†My mother has a lot¬†to say. ¬†I love him but I have to say goodbye. Tragic. But wait, there’s more!

The broke up happened at around April, and so, I tried to move on. But by December that same year, he began texting and calling me again..telling me he misses me, he still loves me, and we should get back together. Cool.¬†Wait, I haven’t moved on that far yet, maybe I¬†could still go back,¬†I thought.¬†Until one night…

He texted me. Something’s bothering him.¬†As in something really, really bothering.¬†He got his “bestfriend” pregnant. Stupid. I asked him why, and his answer was, “Intindihin mo naman ako. Lalaki lang ako. Punta sya ng punta lagi sa bahay, natukso lang ako.” And he was apologizing all throughout. (Teka lang,¬†time out¬†muna. Feeling ko, sumasakit ang dibdib ko dahil sa mga pinagsususulat ko dito. Amps.)

Okay, going back to the story, here’s something more. HE ASKED ME TO MARRY HIM. Yeah right.¬†He’s 21 and I’m 22. I asked him why,¬†and he gave me a list of stupid reasons.¬†He doesn’t love her.¬†His family loves me.¬†The girl’s family will sue him if he won’t support her and their child.¬†If¬†we’ll get married, then¬†he’ll have a reason¬†not to marry that girl.¬†And he was pleading just for me to marry him. If I’ll just accept his proposal,¬†his family¬†will¬†be at our house¬†the next day and ask for my parents’ blessing.¬†So stupid. ¬†And I was crying all along.

But far worse than a guy trying to escape his responsibility is a girl trying to think if it was all worth the risk… and that would be ME.

Imagine, ang sinagot ko lang sa kanya,”saglit lang, hayaan mo muna akong mag-isip..” Haha. Alamat ng Gaga pala dapat ang title nito. Haha. Grabe noh? Mahal na mahal ko kaya yun. And I was so confused. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa sobrang bilis at dami ng tumatakbo sa utak ko. Akala ko nga, may stampede na. Eto ang mga naisip ko:

  • Handa na ba akong mag-asawa? Marunong akong maglaba, maglinis, at magplantsa. Magluto? Magaling naman sya dun, kaya di ko na kailangang problemahin yun.
  • Marunong na ba akong mag-alaga ng bata? Naku,baka nga di ko mahugasan yun pag jumebs e..Huhu.
  • Saan kami titira? Malamang dun sa bahay nila dahil baka wala na akong mukhang maihaharap sa magulang ko pag nalaman nila ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin.
  • Paano kami mabubuhay? Ano yun? Ako ang magta-trabaho para mabuhay kami? Di pa kasi sya guma-graduate that time.
  • Paano yung magiging anak nila? Edi walang tatay? Oo, malamang. Aagawan ko nga diba? Maaatim ko ba yun?Hmm.. pagdating ng future, isa na din yun sa mga batang po-problemahin ng teachers dahil walang tatay na gagabay.
  • Hindi kaya tumutol sa kasal namin yung babae? Aw. Artista? Teleserye? Basta, feeling ko pwede din yun mangyari sa totoong buhay. Hai.
  • Paano kung manggulo yung babae pag mag-asawa na kami? Aw ulit. Peace-loving citizen of the world naman ako ah, ayoko ng eskandalo.
  • E diba mahal ko sya? If I let this chance just pass me by, there won’t be any next times. Di ko na sya mahahabol pag pinakawalan ko pa sya.
  • Ano kayang sasabihin ng nanay at tatay ko? For sure, di matutuwa yung mga yun. Basta. Sino bang magulang ang matutuwa ng ganun? Panakipbutas lang ang anak nila kaya nakapag-asawa.

At dun natapos yun sa huling tanong ko. At sumagot ako ng hindi. Ayoko pala. Naisip ko ang nanay at tatay ko. Ganun na ba ako ka-selfish at talagang kahihiyan na lang ang kaya kong ibigay sa kanila?

Napapatawa na lang tuloy ako sa Magkaribal. Magpapakasal pa rin si Gelai kay Louie kahit na alam nyang nabuntis na nun si Victoria. Para tuloy gusto kong abangan na lang sa mga susunod na gabi kung anong mangyayari sa kanila. Diba? At least, magka-ideya man lang ako kung ano nga bang nangyayari pag ganun. Haha. Bruha talaga ako. ;D

Kk for Kaye Kontrabida

Setyembre 8, 2010 10 mga puna

Kilala nyo ba si Dexter Determinado at si Annie the Honest? Sila yung mga bata sa commercial ng milo. Nung napanood ko yun, nag-isip agad ako ng milo name ko. Kaye K______? Ano nga kaya? Kataba?  Kulit? Kyutipay? Korni?  Haha. Kadiri naman ang mga naiisip ko. Di bagay. Haha. Hanggang sa tinamad na ako mag-isip..

Hanggang kanina.. ting! KAYE KONTRABIDA. Bonggang-bongga! ūüėÄ

Siguro, kung mga estudyante ko ang pipili, lalo na ang advisory class ko, yan din ang pipiliin nila. Palagay ko kasi yan ang tingin nila sa akin. Lahat na lang pupunahin ko. Simula sa umaga, pagpasok ng gate, hanggang sa pag-uwi sa hapon.

SCENE 1- Sa labas ng gate, sa mga batang nakatambay pa

Kaye: ¬†“Bakit anjan¬†pa kayo? Pasok na. ”

SCENE 2- Sa flag ceremony

Kaye: “Pakiayos na agad ang pila. Umawit kayo.”

Kaye,bago mag-pass mula sa line: “Paki-tuck in ang t-shirt. Kung ayaw, maiwan dito sa pilahan.”

SCENE 3- Sa loob ng classroom

Kaye,bago pumasok sa room: “… … …” (di magsasalita,tititigan lang ang mga batang nagdadaldalan o wala sa proper seat. Pag umayos na, tsaka babati ng “Good Morning/Afternoon Class”)

Kaye,sa batang 3 times na hindi gumawa ng assignment: “May I have your Math notebook or your guidebook?” (then writes a letter to the parent) “I want to see your parent’s signature here tomorrow.”

Kaye,sa mga batang busy sa ibang bagay na walang kinalaman sa lesson: “Therefore, an angle bisector is…” “… … …” (di muna ulit magsasalita. Tititig lang muna sa mga bata. Pag umayos na, tsaka magpapatuloy.)

Kaye,habang nagku-quiz/exam at may lumingon sa katabi: “O. Lilingon ka pa.” without mentioning the name of the student.¬†*This is one of my favorite scenes. Kasi naman, minsan, may mga batang bigla na lang sasagot ng “Hindi naman po ako nangongopya.” kahit na hindi ko naman talaga sya na-pinpoint. Laughtrip na pag ganun. Huli kasi agad kung sino ang guilty. Defensive masyado. Haha!*

SCENE 4 – Break time

Kaye, sa mga batang nakaupo sa hagdan: “Mga ate, bawal umupo sa hagdan diba? Wala na bang upuan sa may ____?”

Kaye, sa mga batang pumapasok sa EXIT door at lumalabas sa ENTRANCE door ng canteen: “Ops. Pakibasa. Balik. ”

SCENE 5- pag past 5:30 na at may mga bata pang nakatambay sa labas ng school

Kaye: “Bakit di pa kayo umuuwi? Hapon na.”

Isama pa jan ang pagpuna sa di naglelecture, di nagbubura ng board, di nagbabalik ng return slips ng mga sulat, di nagpa-practice para sa contest, pagsisinungaling, pag-absent, and the list goes on. It’s almost endless. *No wonder, paunti na ng paunti ang nalilinlang ng kagandahan ko. Noong first year of teaching ko, may ilan ring mga binata ang nahuhumaling sa akin. Aw. Joke lamang po. Haha. Ngayon naman, fifth school year ko na, bagya pa makaisa.* Haha.

Kidding aside, napaisip nga naman ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras, atensyon, lakas at kagandahan ang mga bagay na ginagawa ko? Sadya ba talagang tamad at iresponsable na ang mga bata ngayon? O sadyang pakialamera lang talaga ako at perfect?  

Naisip ko din, pag nakinig ba sila sa akin at naging successful sila sa buhay nila, will I gain anything from it? Syempre, magiging masaya ko. Pero in terms of material things, wala naman diba? Hindi naman yun tipong “Congrats, Ms.Kaye! Magkakaroon ka ng P150,000 na increase sa sweldo dahil 25 out of¬†your 29 students¬†who took the board exam passed,and 8 of which are in the top 10.” or something of that sort. Diba? Tapos, pag hindi naman sila nakinig sa mga tagubilin ko at napariwara sila at naligaw ng landas, will I lose anything from it? Syempre, malulungkot ako. Pero again,in terms of material things, wala din naman diba? Hindi din naman yun tipong “I’m sorry,Ms.Kaye but I have to fire you. Estudyante mo pala yung nanghostage nung isang linggo,¬† tambay dun sa kanto na nakipagbasag-ulo..” oh, forget it. Parang di ko maatim na makakarinig ako ng ganung balita. Grabe diba? Madudurog ang puso ko pag may nakarating sa akin na ganun. Hai.

At dahil jan, naisip ko, ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMALASAKIT.

Ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMAHAL.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging MAGULANG.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging GURO.

Salamat sa mga magulang at guardians na nakausap ko nung nag-report card distribution kami noong Saturday. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, nasa tamang landas pa rin pala ako sa pagiging guro. Bwahaha! Si Kaye Kontrabida pa rin nga ako! Bwahaha!

Ikaw, ano ang Milo name mo? ;D

Kk for Kapwa Ko

Hulyo 11, 2010 4 mga puna

I attended mass this morning with the whole family. I was too glad to meet our new assistant parish priest and to hear his homily about one of my favorite stories – THE GOOD SAMARITAN.

Sino nga ba ang KAPWA KO? Yung mga taong katulad ko lang ba? Paano yung iba sa akin? How should I deal with them?

Naalala ko tuloy yung isang experience ko two weeks ago.

Eksena: Papasok na si Kk sa school. Sakay sa tricycle.
Buti na lang medyo maaga-aga ako nun sa usual kong pasok. Umandar ang tricycle. Mayamaya pa, nagmenor ito at parang titigil para isakay ang isang babaeng high school student mula sa public school sa amin. (NOTE: Wala sa national road yung school kaya bihira talagang pagsabayin ang mga pasahero ng private at public school.)Pero dahil nga mukhang isasakay sya ng driver, wala akong ibang choice kundi huminga ng malalim while these thoughts are running through my mind..

..Ano ba yan? Sana ako ang unang ihatid ng driver, dahil kung hindi, first time kong male-late pag nagkataon.
..Sana barya lang ang ibayad nung estudyante. O kaya naman e may pansukli si mamang driver. Karaniwan kasi P50 o P20 ang binabayad at wala pang pansukli ang driver.
..Sana hindi traffic papasok at palabas dun.
..Sana hindi sya dun sa annex ihahatid. Male-late talaga ako. AS IN!

At bigla ngang sinakay ang estudyante. Pagsakay nya, tumingin sya sa akin at ngumiti at sinabing..

“GOOD MORNING PO.”

Napangiti na lang ako at sumagot ng “GOOD MORNING DIN.”