Iimbak

Posts Tagged ‘mass’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 022

This day is a really amazing one for me.

Sama-sama kami nagsimba kanina – ako, si nanay, si tatay, at si BOYFRIEND! 🙂

It is indeed a VERY HAPPY WEEKEND! 🙂

Advertisements

Kk for Kasipagan Challenge – Day Three

Pebrero 4, 2013 5 mga puna

10- Day Blog Challenge Day THREE : 8 Ways to Win Your Heart

Yun o! Ayoko pa daw makisabay sa love, love, love na tema ng majority dito, pero eto. Madali naman akong kausap e, at iiklian ko lang ‘to. Wala nang pali-paliwanag pa. Hihi.

8) Pag hinarana mo ako.

7) Pag napapatawa mo ako.

6) Pag napapangiti mo ako kahit sa mga “transformer” days ko.

5) Pag kaya mo trumopa sa mga kaibigan ko (nang hindi nai-in love sa isa man sa kanila. Lol.).

4) Pag pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo.

3) Pag nasasakyan mo ang kakulitan, kakornihan, at kabaliwan ko, pero kaya pa rin maging seryoso.

2) Pag nag-e-effort ka to keep in touch with me.

1) Pag sumisimba ka kasama ako.

Ansimple lang diba? Yung pagpapakilala sa pamilya, sunod na level na yun. If you’ve already won my heart. 🙂

Love me ten times, I’ll love you back a hundred times. 😉

Kk for Kalma Lang

Oktubre 17, 2010 11 mga puna

Nagsimba ako kaninang 6am. Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.

Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.

Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.

At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.

PRAISE GOD ten times!  😀

Kk for Kumplikasyon sa Puso

Oktubre 16, 2010 7 mga puna

Oct.3, Sunday. As usual, he is attending the second mass. Me and my members will be singing for the third mass. At syempre, nagkita kami bago sya umuwi at bago ako pumasok sa simbahan. Tamang apiran lang. Tropang-tropa lang talaga. Kwento ng konti. Very casual. Ayoko naman kasing maging awkward ang feeling namin dahil baka sa text lang pala nya ako mahal at naglolokohan lang kami at lumabas na ilusyonada lang ako. Aw. Emo. Haha.

KK: O, sige na, umuwi ka na. Di ka pa ata nakakalaba e.

THE ONE: Oo nga. Pero konti lang yun. Pero sobrang dami ko pang gagawin.

KK: Lakad na. Ba-bye. Ingat.

THE ONE: I love you. (ngiti sabay talikod)

KK: …  …. (napanganga, natulala,at speechless for a few seconds)

THE ONE: (naglakad na palayo)

KK: I love you too. (waw, narinig pa nya.)

Grabe ang feeling. Tumigil bigla ang mundo ko. Ai, hindi pala. Ako lang pala ang natigilan. Haha. So ganun na nga ang standing naming dalawa. Sinabi na nya personally na mahal nya ako. Ano yun? Boypren ko na ba sya at gelpren na nya ako? Hmm.. Naisip ko naman, hindi na naman mahalaga na bigyan pa namin ng pangalan ang relasyong ito. Ang mas mahalaga e yung alam na namin na mahal namin ang isa’t-isa.

Nung kinwento ko yun sa isang kaibigan ko, sabi nya, hindi daw ba mas madali kung malinaw ang lahat sa aming dalawa? Yung alam namin kung ano ba talaga kami. Para at least, pwede na kaming magdemand from each other. May karapatan na magselos, may karapatan na magbawal, may karapatan na malaman kung nasaan ang isa at kung ano-ano pang mga karapatan.

Pero naisip ko, dati na naman kaming ganun ni THE ONE. Alam nyang selosa ako at pinagseselosan ko yung Super-Mega-Grabeng Feelingerang Froglet nyang Friendship.  Sinasabi nya na dapat daw, sinasabi ko sa kanya kung nasaan ako. Ibig sabihin, kailangan i-inform ko sya kung saan ako pupunta kahit wala syang load at hindi nya ako mare-replyan. May extra load naman daw ako lagi kaya maiitext ko sya lagi. Edi parang ganun na din yun. Kung may nabago man sa aming dalawa, alam na namin ngayon na mahal namin ang isa’t-isa.

Tapos naisip ko pa, kailangan ko ba syang bawalan? Halimbawa, sa pagdodota. Oo, pinapaalam nya na magco-computer muna sya, kaya hinahayaan ko lang sya. Kahit na ba dapat yung oras na yun e quality time na namin. Haha. Maarte ako. May nalalaman pa akong quality time ngayon, samantalang dati, di yun nagpapaalam na may gagawin sya.  Haha.

Diba? Naisip ko talaga, kailangan bang magbago na kami ng routines sa buhay dahil mahal na namin ang isa’t-isa?

Kailangan ko nga bang magdemand na dapat itetext na nya ako lagi? As in everyday? E diba dati naman, weekends lang kami nagkakatext talaga? Fixed na yun at wala namang problema sa akin yun. Medyo nabago lang yun nung “ligawan stage” namin. Oo, feeling ko, yun na yung ligawan stage namin. Yung three weeks na araw-araw kaming nagtetext at malimit din kaming nagkikita. Hai. Kasi naman ngayon, di kami nagkita o nagkatext man lang the whole week. Finals week kasi nila. Ayoko namang makaabala. Hai talaga. At dahil dyan, sinusumpong na ako ng kapraningan. Haist.

Ano bang tawag sa akin? Gaga? Martir? Understanding? Ambisyosa? Nananaginip? All of the above? None of the above? Hai.

Sana KAYANIN KO PA ‘TO TEN TIMES. X-/

Kk for Kapwa Ko

Hulyo 11, 2010 4 mga puna

I attended mass this morning with the whole family. I was too glad to meet our new assistant parish priest and to hear his homily about one of my favorite stories – THE GOOD SAMARITAN.

Sino nga ba ang KAPWA KO? Yung mga taong katulad ko lang ba? Paano yung iba sa akin? How should I deal with them?

Naalala ko tuloy yung isang experience ko two weeks ago.

Eksena: Papasok na si Kk sa school. Sakay sa tricycle.
Buti na lang medyo maaga-aga ako nun sa usual kong pasok. Umandar ang tricycle. Mayamaya pa, nagmenor ito at parang titigil para isakay ang isang babaeng high school student mula sa public school sa amin. (NOTE: Wala sa national road yung school kaya bihira talagang pagsabayin ang mga pasahero ng private at public school.)Pero dahil nga mukhang isasakay sya ng driver, wala akong ibang choice kundi huminga ng malalim while these thoughts are running through my mind..

..Ano ba yan? Sana ako ang unang ihatid ng driver, dahil kung hindi, first time kong male-late pag nagkataon.
..Sana barya lang ang ibayad nung estudyante. O kaya naman e may pansukli si mamang driver. Karaniwan kasi P50 o P20 ang binabayad at wala pang pansukli ang driver.
..Sana hindi traffic papasok at palabas dun.
..Sana hindi sya dun sa annex ihahatid. Male-late talaga ako. AS IN!

At bigla ngang sinakay ang estudyante. Pagsakay nya, tumingin sya sa akin at ngumiti at sinabing..

“GOOD MORNING PO.”

Napangiti na lang ako at sumagot ng “GOOD MORNING DIN.”

Kk for Koro

Hunyo 5, 2010 2 mga puna

Kakatuwa. May schedule kami ng kanta para sa Anticipated Mass kanina. 3pm ang call time. At anong nakakatuwa dun. Kasi naka-anim kami. Kamon. Ang bait-bait kaya ni Lord. Kala ko magsosolo ako sa koro e. Tsk tsk. 🙂

Anyway, magpapasalamat lang ako sa mga batang nakasama ko kanina. Hindi nila siguro mababasa ‘to, pero just in case..hehe. 😉

Salamat kay…(in chronological order sa pagdating..haha.)

..SV, ang aming soloista at bunsong katangkaran, na kauna-unahang dumating kanina. Grabe. Salamat kasi in-absorb mo ang litanya ko. 🙂
..LC, ang ever-loyal na ate na kaliitan. Salamat kasi hindi nagkaroon na ako ng choice na kumumpas. Haha. Ang hirap kaya kung kami lang dalawa ni SV, tapos kukumpas pa ako. Haha. Ayan, tatlo na tayong magsu-swimming bukas ha. 🙂
..KML, na kakagaling lang sa mahabang biyahe at kumain lang at sumama na sa amin. Haha. Salamat, SATB na tayo. Soprano ka, Alto si LC, Tenor si SV, at ako ang Bass. Waha. 😮
..FMJB, na bigla kong nakita pagkamulat ng mata after ng prayers. Haha. Kala ko e bigla kang hinulog ni Lord mula sa kawalan para sagutin ang mga dasal namin. Haha. Salamat sa pagsama kahit kasama mo na yung newfound friends mo. Hehe. 🙂
at kay…
…KdG, na huli man daw at magaling, huli pa rin. Haha. Salamat kasi dumating ka pa rin kahit galing din sa di kalayuang byahe. Haha. At least, hindi na ako yung bass. 😮

Haha. At syempre, super big thanks kay Lord. Super. Kinaya naman namin diba? Hehe. Bukas ulit. 🙂

KAYA NAMIN ‘TO TEN TIMES! ❤

Mga Kategoriya:Kkantahan Mga kataga, , , , ,