Iimbak

Posts Tagged ‘monthsary’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 019

ULALAMMM Bistek Walastik made my day. Good job! Hindi ako nagkamali sa pagbili ng extra half rice. LOL.

At 10th monthsary namin ni Boyfriend ngayon. <3<3<3

Advertisements

Kk for Kapag Tumibok ang Puso. LOL (lots of love)

Hunyo 20, 2013 16 mga puna

20 dahilan kung bakit love na love kita:

1) Kasi kinikiliti mo ako (kahit sobra-sobra na at ayaw ko na). O diba, dito pa lang, obvious na masaya tayong dalawa? ^_________^

2) Kasi pinapayagan mo akong magpuyat (yihee! papayag na talaga yan ng walang pero-pero..)

3) Kasi lagi mong iniisip ang welfare ko (pwede magpuyat, bast iinom ng multivitamins) Oo, in fairness, ngayon lang ako uminom ng multivitamins simula nung nagkaroon na ako ng muwang sa mundo. Love talaga kita noh? 🙂

4) Kasi you take time to know more about me. Ikaw lang ata ang nag-tityagang  basahin ang lahat ng blog entries ko (kaya nga pinost ko ‘to dito e,kasi alam kong mababasa mo din ito. hihi.) at halungkatin ang mga pictures ko sa fb. Teka, hindi kaya stalker kita? LOL.

5) Kasi  pinakilala mo ako sa family mo kahit abot-abot ang kaba ko. (well, hindi pa talaga sa buong family, pero sa mga kasama mo sa bahay)

6) Kasi pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Kahit na ba inasar mo lang ako ng inasar habang andun ako, alam kong paraan mo lang yun ng paglalambing. Buti na lang at di ako pikon, kung hindi.. 😛

7) Kasi proud ka sa talent ko. LOL. Oo, ikaw na ba naman ang magbida sa mga kaibigan mo na gusto kong magvideoke, at ikaw na ba naman ang pumili ng pumili ng number ng mga kakantahin ko, pag hindi naman ako naniwalang suportado mo ang singing career ko. hihi. 😉

8) Kasi hinahayaan mo akong hawakan ang kamay mo lagi-lagi. Alam mo namang yun pa lang, masaya na ako. 🙂

9) Kasi nakikinig ka sa mga emote KO sa buhay. :’)

10) Kasi hinahayaan mo din akong makinig sa mga emote MO sa buhay. >:D<

11) Kasi pinagttyagaan mo din pakinggan ang mga kwento ko. At ang mas sweet pa jan, fina-follow-up mo pa kung ano na ba ang nangyari, kung okay na ba kami, etc.. mukhang mas affected ka pa sa akin. Hihi. Love mo talaga ako noh? 🙂

12) Kasi you can put up with my childish ways and my foolishness. Hmm.. HUG! >:D<

13) Kasi pinapag-diet mo ako, pero lagi mo akong pinapaalalahanang kumain lagi pagkakadating sa bahay. At sinasabi mo ding di naman ako mataba. Sige, plus 10 ka na sa pambobola mong yan. Hihihi. :p

14) Kasi hinahayaan mo akong kulitin kita. At hindi ka pa naman napipikon, so far. Diba, Kuya Wawie? Hihi. :-*

15) Kasi natutulog ako at gumigising ng may ngiti sa labi dahil sa’yo. ^_________^

16) Kasi you find ways to get in touch with me, always. FB, YM, mail, text, tawag, bisita! Hihi.

17) Kasi tinanggap mo ako ng buong-buo. Kebs lang kung kumain ako ng may extra rice, o kumanta man ako ng stupid love, o kahit na ano pa ang past ko. ❤

18) Kasi binuo mo ako ulit. 🙂

19) Kasi you are a true GENTLEMAN.

20) Kasi alam kong love na love mo din ako. Halos makumpleto mo na nga yung 8 ways to win my heart diba? Hihi.

So, ano ang ending nito? Wala. Inarts lang. Gusto ko lang isigaw sa buong blog world na love na love kita.

HAPPY 1ST MONTHSARY, BOYFRIEND! 🙂

Cheers! To forever and a day! :*

I love you, ten times! ❤

PS. dahil maarte ako, gusto ko, may pics pang kasama. Yep, first time ko din magpost ng pic ko dito. Lol.

love

boyfriend + Kk = forever

take 1 daw kasi di nakangiti dun sa una. :))
take 2 daw kasi di nakangiti dun sa una. :))

Kk for Kaunahang Mansari

Oo,mansari ko lang ‘to. Asa pa naman akong sa aming dalawa ni THE ONE diba? Haha. ;p

5 posts, 1 page, 4 categories, 37 tags, at 36 comments.

Kakatuwa naman. I’ve been here for exactly one month, and it still amazes me to find other people’s comments on my posts. Natutuwa ako kasi marami na akong friends dito. Yeah, i now consider you as my friends. Touching diba? Hehe. Natutuwa din ako kasi sa kabila ng pagbi-busy-busy-han sa school e naiisip ko pa ring magkomento sa blog ng may blog, magsulat ng posts, sumagot sa mga comments sa posts ko, at problemahin ang lovelife ko. Ang galing-galing talaga. One month na din akong kinukulit ni THE ONE na ipakita ko na sa kanya itong blog ko, at one month ko na ring pinipilit sa kanya na joke lang ang ideyang nagba-blog nga ako. Haha. 🙂

Wala na akong maisulat. Wala na din akong maisip..kundi siya. Haha! Seriously, gusto ko lang talaga batiin ang sarili ko. Haha. Maruta ako e. Echosera. At bitter. Kaya sige, sa mga susunod na posts na lang ulit.

HAPI MANSARI ulit sa akin. 🙂

Alam ko, madagdagdagan pa ‘to ng marami pang mansaris. Syempre pa, KAYA KO ‘TO TEN TIMES diba? 😀

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , ,