Iimbak

Posts Tagged ‘moving on’

Kk for Kasipagan Challenge – Day Nine

Hunyo 3, 2013 8 mga puna

10 – Day Blog Challenge Day NINE: 2 Smileys that Describe My Life Right Now

happiness

mula sa google.com

1) NGITING MALAKI! 

Kasi happy ako. Kasi madaming blessings. Kung may mga mishaps man, mas nalalamangan pa rin ng mabubuting bagay, at mabubuting tao. Tsaka ganyan talaga ako ngumiti. Laging malaki, abot hanggang mata. ^_____^

 

 

in love

mula sa google.com

 

2) NGITING IN LOVE! :)<3

Eto ang konting clue, para magka-ideya kayo. Hihi.

 

 

Oo nga pala, isa pa palang dahilan kung bakit ako masaya ngayon ay dahil Birthday ng blog ko! Yiheee!

 

3

Natya-tyaga din naman sa kabila ng katamaran pagbi-busy-busy-han ko. Hahaha. Happy Third Anniversary sa blog ko. 😀 *muntanga lang, binati ang sarili* LOL. pagbigyan nyo na, happy lang. Hihi.

 

O sya, quick post lang talaga ‘to. Totoong busy-busyhan ang peg ko ngayon e. Obviously, June na, hindi pa natatapos ang 10-day Blog Challenge na ‘to na sinimulan ko nung February. Hahaha! Matatapos ko din ‘to, tiwala lang. 😀

 

KAYA KO ‘TO TEN TIMES! 🙂

Advertisements

Kk for Kung Tinatamad Ka..

Abril 19, 2013 8 mga puna

Let not your heart walk away from you,
lest your mind grows legs and follows it.

~Patrick Star’s Uncle

Mema lang. Biyernes na kasi. Masarap ang buhay dahil 4 out of 13 lang na-klase ko. Kaya eto, nagpaka-busy na lang sa panonood ng Spongebob Squarepants. Hihi.

Happy Friday!
Nakikibata lang, ten times. 😉

Kk for Kung Gugustuhin..

Abril 16, 2013 2 mga puna

Wala akong gaanong magawa kanina, kaya binalikan ko yung mga “saved pages” ko sa celfone ko. Well, actually, marami pala akong dapat gawin, di lang talaga ginawa agad, sinumpong ng katam~. Haha. Anyway, isa ito sa mga nakita ko at oo, sapul na sapul nga naman ako.

And yes, it makes perfect sense.

Bakit ko nga ba naman paulit-ulit na iiyakan ang mga bagay na naiyakan ko na noon pa? Pwede namang tigilan na diba?

Ang tanong lang: Madali ba ‘to gawin?

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

Ang sagot ko: OO, kung gugustuhin. Diba?

Ngiti lang. Ngiti na ulit, Kaye. 🙂

 

~Kayang-kaya ko ‘to ten times! Kaya nga ako naging ninja e. 🙂

Kk for Katahimikan! Katahimikan!

Abril 5, 2013 9 mga puna

Dear The One,

Wag ka na bumalik sa buhay ko, utang na loob! Pagod na pagod na ako sa paghabol sa’yo noon. Natauhan na ako. Tapos na yun diba? Wag ka na magparamdam. Wag ka ring magtanga-tangahan na okay pa din ang lahat between us. Wag ka na mag-inarte pag hindi mo na nakukuha ang katulad na atensyon na binibigay ko sa’yo dati (na inaksaya mo lang naman). Wag mo na isumbat sa akin na nagbago na ako. Oo, nagbago na talaga ako. Wag mo na sabihin pa na nalulungkot ka at hinihintay mo lagi ang mga replies ko sa mga messages mo. Alam ko namang nakakatulugan mo pa rin yun katulad ng dati kaya hindi ka nakakareply. O kaya naman baka hindi mo na lang napansin dahil katext mo din sya. Ayaw na kitang maging kaibigan. Hindi mo ba yun naiintindihan? At sa pagkakaalala ko, hindi Mike Enriquez ang pangalan mo para hindi mo ako tantanan.

Akala ko kinalimutan mo na ako dahil hindi mo ako tinext ng ilang linggo din, tapos biglang ako pa ngayon ang sasabihan mong baka binura ko na ang number mo. Well, fyi, hindi ko na yung kailangang gawin dahil hindi naman talaga naka-save ang number mo sa fone ko. Wag ka na umasta na parang MAHALaga pa ako sa’yo. Alam kong hindi, wag ka na magpanggap. Uulitin ko lang, wag mo na ako balikan. Wag mo na akong gawing panakipbutas sa mga oras na hindi ka napapansin ng girlfriend mo, na nakakatawang “THE ONE” din ang tawag sa’yo.

Hayaan mo na akong mag-move on. Pagod na pagod na ako. Wag mo na guluhin ang puso ko. Ok na ako. Hayaan mo namang makumbinsi ko ang sarili ko na ok na nga ako. At ngayon ko lang sasabihin ‘to sa’yo at pakitandaan: Hindi na kita mahal. (sana makumbinsi ko nga ang sarili ko ng 100%)

RIP, (Resting in Pieces)
Kaye

At palagay ko, ito ang kantang magsa-summarize ng nararamdaman ko ngayon. leche lang. (//_+)

*credits kay Mareng Nina sa talaga namang makabagbagdamdaming pag-awit nya. Salamat din kay FallenxAngelxLover sa pag-a-upload ng video na ito sa youtube. 🙂

**para sa ilang sulyap ng aking kabaliwan kay THE ONE, eto ang ilan: ang loveletter1, ang loveletter2,  ang makapunit-bibig na ngiti ko, ang unang tikim (ng aylabyu), ang simula ng katapusan.

Move on-move on din pag may time. Bilis-bilisan din ten times. >.<

Kk for Kasipagan Challenge – Day Five

Pebrero 6, 2013 37 mga puna

10- Day Blog Challenge Day FIVE: 6 Things You Wish You’d Never Done

Katulad nga ng nasabi ko nung Day One, may pagka-introvert ako. Tipong OC na, perfectionist pa. OA to the highest level lang diba? Perfectionist pero di naman kayang maging perfect. Ganun naman talaga lagi. Hehe. Epekto siguro ng pagiging math teacher ko dati. Kasi naman pag teacher ka, lahat nakamasid sa’yo. Parang bawal magkamali. Tapos sabi pa, ang math daw ay exact science. So ano pa nga bang aasahan nyo? Hihi.
And, I wouldn’t deny the fact that I have a list of things that I wish I’d never done (or things that I wish I had done).

6) Nag-cutting classes nung college. Hahahah! Pero wala ako nun sa SM Manila o nakikipag-EB sa harap ng National Bookstore. Wala din ako sa San Mar para lang mag-internet. Pwes, nasaan ako nung mga oras na yun? Nasa dorm – NATUTULOG.

5) Pumunta sa isang job interview ng hindi prepared. Ito ang pinaka-recent e. As recent as last week. Haha. Hindi ko nga ba alam kung bakit ganun ako ka-gaga. Niyaya lang kasi ako ng roommate ko na testingin mag-apply ng part-time. Edi syempre, gora ako. Raket din yun e. Haha. Print ng resume, bihis ng disente, gising ng maaga. Take note: hindi ako MORNING PERSON. Edi lumulutang-lutang lang ako sa kawalan habang nasa jeep at habang naghihintay na tawagin, kasi iinterviewhin na din pala nung araw na yun. Tsk tsk. At eto ang pinaka-memorable na tanong:
Interviewer: Do you know any Japanese word?
Kk: Hmmmm… HAI! Haha!
BOOM sa katangahan ko. Haha. Buti na din lang at pa-resign na din yung interviewer namin. Haha. At buti na lang din at nadaan sa karisma ko. Ayun, magsisimula na kami sa Sabado. Hahaha!

4) Hindi ipaglaban ang relationship. Haha. Ayoko kasi ng pa-martir effect. Madali naman akong kausap e. Gaano kadali? Ganito:
BF: Maghiwalay na muna tayo.
Kk: Ok.
Oo, nangyari talaga yan. Wala nang tanong-tanong pa. Bakit ko pa ipagpipilitan at ipagsisiksikan ang sarili ko kung umaayaw na nga diba?  Pero in the end, ako yung namumugto ang mata.

3) Pumayag maging isang lampara. Ano daw? Basta, yun yun. Haha.

(NOTE – 02/18 : ow-em! ngayon ko lang na-realize na mali palang lampara ang ginamit kong term. pareho kasing sa gabi ginagamit e. hihihi. -_-v dapat pala ay “mumunting kabinet sa gilid ng kama”. hahaha.)

2) Pumayag na lamunin ng inferiority complex. Awwww..emo much? Give me a hug! Haha.Buti na lang at naka-get over na ako sa chapter na ito ng buhay ko. 😀

imagesCAB7S1SS

1) Magpuyat gabi-gabi, at pagsisihan ito paggising kinabukasan. Repeat until fade. Hahaha. Sigurado namang hindi lang ako ang guilty dito diba? HIhihi. 🙂

Ansaya ng mga pinagdaanan/pinagdadaanan ko diba? Sabi nga ni Ninja Bro, “Ginusto mo yan e. Hayaan mo na, naging masaya ka naman.” Haha. So true. Isa pa,

 What Doesn't Kill You, Makes You Stronger.

Ganun talaga. Sabi nga nila, there are NO MISTAKES, only LESSONS LEARNED.

Kaya eto ako ngayon, STRONGER and TEN TIMES BETTER THAN EVER. 😀

***ang mga larawan po dito ay hindi sa akin. credits sa totoong may-ari. peace. 🙂

Kk for Kasalan Na! ;)

Pebrero 17, 2011 1 puna

Andami-dami na ulit ngayong tribute sa EDSA 1. Naalala ko tuloy yung isang eksena namin ni mother last week. Nanonood sya ng tv habang ako naman ay busy sa fb. Haha.

Nanay: 25 years na pala ang EDSA? Ambilis naman..
Kk: Oho, 25 na ako sa August e.
Nanay: Oo nga noh? 25 ka na nga pala. Aba, anak, mag-asawa na.
Kk: Aba, nay, pwede ho bang mag-boyfriend muna? :))

Laugh trip kami dito. :))
Napaisip naman ako. Kailangan ba talagang may taning ang pagiging dalaga? Paano nga kung ganitong wala naman talaga ni magyaya sa akin na mag-date? Yung magpakasal pa ba naman.. Haha.

At lalo na akong napaisip dahil sa mga eksenang ito..

Lunch break, kasama ko yung dalawang co-teachers ko, sina Ms.N at Ms.DJ.

Ms.N: Napag-usapan ka nga naming dalawa ng asawa ko kagabi. Sabi nya, irereto ka daw namin sa kuya nya. Gwapo yun! Mas gwapo pa sa asawa ko. Nagta-trabaho pa yun sa ibang bansa. Kaya lang, baka di mo magustuhan. 30 na yun e. Hiwalay sa asawa.
Kk: Nye.. haha. :))
*syempre, napaisip naman ako dun sa kuya ng asawa ni Ms.N. Kasi naman, gwapo talaga yung asawa nya. Edi lalo pa yung kuya. Bwahaha. Joke.*

The next day..
Ms.DJ: Naikwento kita sa nanay ko. Kung hindi nga lang daw maloko si kuya, dun ka na lang namin papaligawan e.
Kk: Ganon? Super. Kinwento mo talaga ako. Haha. :))
Ms.N: Sabi ng asawa ko, hingin ko na nga lang daw ang number mo at ibibigay nya dun sa pinsan nya. Mabait yun.
Kk: Haha. Kayo talaga.. :))
Ms.N: Bakit? Wala namang masama diba? Magtetext lang naman kayo.

At eto pa ang isa. Christmas break naman ‘to naganap. Nakita ako sa simbahan nung registrar ng school namin..

Ms.NE: Bakit parang gumaganda ka ata lalo? May boyfriend ka na noh?
Kk: Naku, wala nga po e.
Ms.NE: Wala ba? Sige, may ipapakilala kami ni mama sayo. Abangan mo ha?

Waw. Ano ba? Nakakaloka lang yung mga ganitong moments kasi hindi na naman ako ulit nag-o-open tungkol sa lovelife ko. Hinding-hindi pa nga ako nakaka-move on kay THE ONE, at kung paano kami nagkahiwalay ng ganun-ganun lang ilang araw bago mag-pasko, eto naman silang lahat para uriratin ang lovelife ko..Dapat ba akong maging masaya? Pero syempre, ibang istorya yung paghihiwalay namin. Ahahaay.

Ganun ba talaga ka-bothering ang magkaroon ng kaibigan/anak na single habang lahat sila ay masaya sa buhay-pag-ibig nila? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanila. Hindi din naman ako nag-e-emo o nagmamaktol na wala akong lovelife. Hindi din naman ako lalong pumangit at nagmukhang miserable. Kasi,sa totoo lang,ngayon ko lang naranasan na maraming nagsasabi sa akin na gumaganda ako. At dahil marami sila,(mula sa mga estudyante at dating estudyante, hanggang sa co-teachers, hanggang sa principal namin, hanggang sa dati kong HS math teacher, hanggang sa parish priest namin, hanggang sa mga kamag-anak at iba pang kaibigan na matagal ko nang di nakikita),gusto ko na tuloy maniwala na gumaganda nga ako. Haha.

Isa lang ang kongklusyon ko dito: Minsan pala, pangit din ang maging maganda. Bwahahaha! Bakit kasi ngayon ko lang natuklasan na mas bagay naman pala sa akin ang kulot kong buhok na ilang taon ko ring pinilit na ipatuwid? Yun ang salarin ng lahat ng ito e. Hehe. :))

At ang susunod na pinaka-nakakayamot na tanong naman sa akin ngayong mga panahong ito ay:
NAGPAKULOT KA BA?

Rar! Kagatin ko kaya sila? Ang kukulit e. Haha.

KAYA KO PALANG MAGING MAGANDA TEN TIMES. ❤

Kk for Kalma Lang

Oktubre 17, 2010 11 mga puna

Nagsimba ako kaninang 6am. Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.

Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.

Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.

At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.

PRAISE GOD ten times!  😀