Iimbak

Posts Tagged ‘nanay’

Kk for Kaskas-kiskis-kuskos

Mayo 13, 2013 4 mga puna

Tuwi-tuwi na lang nalalapit na ang mga Araw ng mga Nanay, lagi ko na lang din naalala ang kwentong ito. Pero hindi pag saktong Mother’s Day na. Haha. Siguro kasi hindi naman talaga ako humaharap sa computer pag weekends, o dahil lumalabas kami.

Nakilala ko ang kwentong ito noong 1st year college pa lang ako. Ginamit namin itong pyesa para sa Sabayang Pagbigkas noong Buwan ng Wika. Napaluha pa ako noong unang nabasa ko ito.

Hindi ko makakalimutan ang kwentong ito kasi: 1) Tungkol ito sa nanay, 2) Palagay ko, ganito din ang nanay ko, at 3) epic fail kami sa SabPag dahil hindi pala ito ang piyesang pinaglalabanan. Kaya katapus-tapusan nito, naging pang-intermission na lang kami. LOL.

“Papel de Liha”

ni Ompong Remigio

Ang nanay ko ang imis-imis. Kapag me duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon. Kapag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. Kapag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon.

Dadako siya sa sala at mag-aayos. Kapag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon. Kapag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. Kapag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi. Kapag may ulam na malamig, salang dito, salang doon. Kapag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon. Kapag may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon.

Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. Kapag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon. Kapag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon. Kapag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon.

Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa. Kapg may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon. Kapag may aah-aah na naiwan, buhos dito, buhos doon. Kapg may ooh-ooh na sumingit, buhos dito, buhos doon.

Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. Kapag may dahong naglalaglagan, walis dito,walis doon. Kapg may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. Kapg may uod na naipon, alis dito, alis doon.

‘Yan si Nanay. Ang imis-imis. Maghapon at magdamad, kiskis-kuskos. Higpit-higpit. Salang-sigang. Tali-tagpi. Walis-palis.

Isang araw dumating si Tita Maring. Ang sabi niya: “Ano ba naman Milagring! Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo. Parang papel de liha na pang-isis. Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo.”

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay? Bakit? Ano ba ang papel de liha?

Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko. Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha. Magaspang ito. Mahapdi sa balat. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. Nisnis ang damit sa isang isis.

Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay?

Minsan nilagnat ako at napilitang mahiga. Si Nanay, tumabi sa akin. Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon. Nang sumama ang pakiramdam ko lunas dito, lunas doon. Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon. Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay? Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang humimas at humaplos siya sa akin? Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay. Mali si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
Noong gumaling na ako, nakita ko na namn si Nanay na umiikot ng bahay. Kapag di panatay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon. Kapag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon. Kapg may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon. Kapg may laruang nagkalat, kipkip dito, kipkip doon. Kapag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon. Kapag may naligaw na kuting kupkop dito, kupkop doon.

Minsan nakita kong magkahawak-kamay si Nanay at Tatay. Ang sarap tignan. Mali talga si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay. Hindi papel de lihang, isis dito, isis doon. Kiskis dito, kiskis doon. Kaskas dito, kaskas doon.

Pero hindi ko pa rin matiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad niya. “Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho.” ang sabi niya. Iniisip ko, pinalambot ng magaspang na kamay ni Nanay ang unan ko sa ulo, ang manok na nilaga, ang kutson sa upuan, ang medyas at kamiseta ni Tatay, ang lupang batuhan, pati lumang pandesal – lumambot din.
Pumunta ako kay Nanay at humawak sa kamay niya. Pakiramdam ko kahit kailan, ayaw ko nang bumitiw pa…

 

Kaka-touch lang, ten times. 🙂

Advertisements

Kk for Kasipagan Challenge – Day Two

Pebrero 3, 2013 11 mga puna

10- Day Blog Challenge Day TWO : 9 Things About Yourself

 

Ito ata ang pinaka-challenging sa lahat sa challenge na ‘to (sige, paulit-ulitin lang. haha.) Dalawang dosena na kasi na kung ano-ano ang nasabi ko tungkol sa sarili ko two years ago. Anyway, bahala na si Spiderman kasi sobrang random lang talaga ng mga isusulat ko dito. Haha.

 

9) Noon, gusto kong maging newscaster. Idol ko si Kara David. Pero nung malapit na akong mag-college, naisip ko, pag naging newscaster pala ako, may pasok ako pag holidays. Di ko makakasama ang pamilya ko pag Pasko at Bagong Taon. Hindi ako makakasama sa prusisyon pag Holy Week. Hindi ako makakasama sa pagsswimming pag bakasyon. Hindi ako makakagising ng late pag may bagyo. Kaya nagbago ang isip ko. Nag-teacher ako. Salbahe ba ako? Hihihi.

 

8) Syempre, sineryoso ko naman yung pagti-teacher ko, kahit ba nagsimula lang yun sa simpleng katamaran, at paghabol lang sa bakasyon. Hahaha. At, in fairness naman sa akin at sa 1/4 ng dahilan kung bakit ako nag-teacher, naka-graduate naman ako ng Bachelor of Secondary Education Major in Mathematics. Nagturo ako ng math for six years sa isang private school. At ngayon, Online English Teacher na ako. Konektadong-konektado diba?

 

7) Born under the sign Leo, at ito ay Year of the Tiger. ‘Nuff said. Rawr! este LOL pala. Hihi.

 

6) Late bloomer ako. 19 na ako nung una akong nagka-boyfriend. (for experience purposes only) oops. Don’t get me wrong. Experience purposes = ma-experience lang na may ka-i love you-han at kakiligan sa text, at ma-experience lang ang feeling na maganda pala ako kasi may boyfriend ako. Hahaha. Kababawan, kabaliwan. Pagbigyan nyo na, first time e. Haha.

 

5) Idol ko ang nanay ko. May mga moments na WWND (What Would Nanay Do) ang peg ko. Pag magkasama kami nun, puro kabaliwan. Eto ang dalawang examples:

Naglalakad kaming dalawa at palinga-linga sa ACE Hardware habang hinahanap ang tatay ko…

Salesman: Hi, Ma’am! Ano pong hanap nyo?

Nanay (na kasabay ko palang sumagot): Yung asawa ko! Haha!

Kk: Yung tatay ko. Haha! 

Habang nanonood ng tv, at napanood ang Dove Commercial ni Angel Jacob na may short, adorable hairstyle…

Kk: Magpagupit kaya ako ng maikli? 

Nanay: Sige. Testingin mo.

Kk: Naku, ayoko ata! Baka maging parang kerubin ako! (wavy/malaki-laking kulot kasi ang buhok ko)

Nanay: Hahaha! Magiging Rubin na ang apelyido mo?

Saan pa nga ba ako magmamana diba? Ma-testing nga minsan gumawa ng Compilation ng Nanay Hirits. Hahaha!

 

4) Mahiyain talaga ako sa totoong buhay. Kaya nga nagkalaman itong blog ko e. Nakakainis lang kasi madaming napapatawa pag sinasabi ko na mahiyain nga ako. Seryoso naman talaga ako dun. Hindi ba talaga obvious? Hahaha!

 

3) May pagka-introvert ako. Oo, nabasa ko, walang kinalaman ang shyness sa pagiging introvert, pero oo, I’m both. Okay na ako sa 1-3 na kasama. If I get to meet strangers, meron akong Practice Mode sa utak ko ng mga linya bago ko bitawan. At, pag may nasabi akong hirit na sablay o may nagawang palpak, ayun, paulit-ulit na ire-replay ng utak ko ang eksenang yun. Lecheng Scumbag Brain!

 

2) Bicol Express ang kinahuhumalingan kong ulam sa ngayon.

 

1) Ang mantra ko: Sabihin ang KAYA KO ‘TO ng sampung ulit o higit pa, hanggang makumbinsi ang sarili na kaya ko na nga gawin ang dapat kong gawin. Aja! Fighting! Go!

 

Ayan! Kala ko di na ako makakatapos e. Haha. Anyway, meron pa namang walo pang natitirang araw at walo pang natitirang blog posts para mas maipakilala ko kung sino si Kk. KAYA KO PA ‘TO TEN TIMES! 😀