Iimbak

Posts Tagged ‘ninja’

Kk for Kaye Writes a Love Note

Disyembre 16, 2014 8 mga puna

Dear Hubby,

Happy birthday ten times! Thank you sa: 1) walang sawang pagmamahal sa akin, 2) sa pag-intindi sa topak ko, 3) sa pagsakay sa lahat ng trip ko, 4) sa pagpapasaya sa akin, 5) sa pagiging part ng pamilya ko, 6) sa pagsusungit sa aking, 7) sa mga yakap na nakakawala ng pagod, 8) sa mga hirit na nakakabawas ng stress, 9) sa movies na pinapanood natin, 10) sa mga facts na natututunan ko sa’yo, 11) sa pagsuporta sa pagluluto ko, 12) sa effort mo na umuwi ng Alfonso kahit na anong layo pa nun, 13) sa pag-aalaga sa akin, 14) sa mga life hacks na shinare mo, 15) sa pagsundo sa akin, 16) sa pagspoil sa mga pinsan ko, 17) sa pakikipagbonding kay tatay at kuya RG, 18) sa pakikinig sa lahat ng hinaing ko sa buhay, 19) sa pag-encourage sa akin sa mga panahong ayoko na, 20) sa pag-inspire sa akin para maging the best, 21) sa paniniwala na magaling akong kumanta at kahawig ako ni Denise Laurel, 22) sa pagsasayaw sa Dance Central kahit alam kong ayaw mong sumayaw, 23) sa pagmamano kina nanay at tatay, 24) sa pakikipagchikahan sa mga tito at tita, 25) sa paghahanap ng mga movies na napapanood ko sa bus, 26) sa pag-alis sa akin sa mga mahihirap na levels sa Candy Crush, 27) sa pagtitiyaga mong matulog sa sofa, 28) sa panonood ng Kung Fu Divas (oo, kasama talaga ‘to), 29) sa pagtanggap sa nakaraan ko, 30) sa pakikisama sa mga friends ko, 31) sa midnight foodtrips natin, 32) sa pag-aalaga kay Kreig, 33) sa pagtulong sa mga projects ni tatay, 34) sa mga kantang nagpapakilig sa akin, 35) sa pagbibigay sa mga requests ko, 35) sa pagiging escort ko noong Flores, 35) sa pagpupuyat, 35) sa paglalambing sa umaga, 35) sa pagkumpleto ng buhay ko, 35) sa pagiging best friend ko, 35) sa hindi pagsuko sa akin at sa mga pinagdaanan natin, 35) at sa pagiging THE BEST!

I could go on and on pero medyo mahirap pala magsulat habang nakasakay sa bus. Haha! Ang wishes ko para sa’yo: Sana hindi pa sumasakit ang ulo mo sa kakabasa ng pangit kong handwriting! Sana matupad ang mga pangarap mo sa buhay. Sana din e lagi ka pa ding anjan para sa akin.

I love you so much!

Thank you for being an angel!

Happy, happy birthday, Hubby ko!

With much love,
Khe ❀

PS. Thank you sa pagsama sa akin sa Journey to Forever. ❀ ❀ ❀

————————————————————————–

Happy Birthday, JOEL ko! =)

J – Jollibee ka ba?
Kasi I can’t help but BEE HAPPY when I’m with you!

O – Octopus ka ba?
Kasi tuwing nagsa-smile ka, napapasabi na lang ako ng “Am-PUGI TAlaga ng hubby ko!”

E – Enervon ka ba?
Kasi simula nung minahal mo ako, nagkaroon ako ng MORE ENERGY at naging MAS HAPPY!

L – LG ka ba?
Kasi ikaw ang nagpakita sa akin na LIFE’S GOOD.

————————————————————————–

dahil sinulat habang nasa bus

dahil sinulat habang nasa bus

123456

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 025

Marso 26, 2014 1 puna

Simula nung lumipat na ako ng boarding house, laging malungkot ang kanin ko. Kasi pag hindi prito, instant o baboy lagi ang ulam ko.

Pero ngayong araw na ‘to, may tindang pinakbet sa karinderya sa baba. Simula kasi nung nakabili ako ng pinakbet na halumanis dun sa malapit sa dati kong tirahan, hinding-hindi na talaga ako bumili ulit nun.Hahahaha! Partly, kasalanan ko din yun kasi tanghali ko binili, gabi ko na kinain.

Anyway, naisip ko, ibang karinderya naman ito at baka naman pwede ko bigyan ng chance. Hahahah!

At hindi naman nga ako nagkamali.

GOOD JOB, ate sa karinderya.

One happy tummy here! πŸ™‚

At na-very good din ako ni Boyfriend kasi kumain nga ako ng gulay. Hihi. πŸ™‚

Ang pinakbet, bow.

Kk for Kaligayahan Challenge Day 024

Marso 25, 2014 1 puna

I had 12 classes today. Wala ni isang nag-cancel o umabsent.

BUT i got to finish all of my classes at 9:35, kaya naman feeling ko, hayahay pa din ang buhay.

Parang ang dami kong na-achieve, at feeling ko, gumagaling na talaga ako sa Dungeon Hunter 4. Hahahah! πŸ™‚

Kk for Kaligayahan Challenge Day 023

Marso 24, 2014 1 puna

I am happy because it’s Monday! Five days na lang at weekend na ulit.

Hooray!:)

Kk for Kaligayahan Challenge Day 022

This day is a really amazing one for me.

Sama-sama kami nagsimba kanina – ako, si nanay, si tatay, at si BOYFRIEND! πŸ™‚

It is indeed a VERY HAPPY WEEKEND! πŸ™‚

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Kk for Kaligayahan Challenge Day 020

I did a random act of kindness to a stranger.

Salbahe ba ako kasi shinare ko pa? Haha! I don’t intend to brag what I did. I only wanted to share what made me happy today.

Kakaibang HAPPINESS. πŸ™‚