Iimbak

Posts Tagged ‘oras’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 023

Marso 24, 2014 1 puna

I am happy because it’s Monday! Five days na lang at weekend na ulit.

Hooray!:)

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 017

1) First time ko maghandle ng Group Class na Phonics pa ang lesson. Nakakaloka. Nakakatawa. Nakakatuwa. Nag-enjoy kasi ako. ūüôā

2) The last class on my schedule ended at 22:35KT.

Kelan pa ba ang huling beses na na-experience ko ito? Magdadalawang taon na ata ang nakalipas. Haha!

Hayahay ang buhay. ūüôā

Kk for Kasipagan Challenge – Day Four

Pebrero 5, 2013 9 mga puna

10- Day Blog Challenge Day FOUR: 7 Things That Cross Your Mind A Lot
(a.k.a. Diary ng isang Baliw na Transformer)

 

7) Uso naman ang google at mga online dictionaries, bakit kaya may mga taong lagi na din lang namang kaharap ang computer e hindi pa makuhang subukang gamitin ang mga yun at mas gusto pang mang-abala ng iba? Tss..

 

6) Bakit kaya may mga taong hindi man lang makaalala magyaya pag kakain na? Pero pag sila, ang lakas ng loob makikain, at nagrerequest pa ng gustong ulamin kinabukasan! Rated PG?

 

5) Bakit kaya tamad yung nabili naming jumping rope? Dahil kaya tigsa-sampung piso lang yun? Kung tig-i-isang daan kaya ang binili namin, magiging masipag kaya yun? LOL.

 

4) Pag umalis na yung ka-live-in ko, saan kaya ako titira? Babalik kaya ako sa Times o magbe-bedspace na lang ako sa taas ng tinitirahan namin ngayon? :/

 

3) Yung resume ko, kailangan ko na nga pala ayusin para maipasa na ni Kaedi.

 

2) Tingnan ang fb profile ni Dubai boy. Wag tingnan ang fb profile ni Dubai boy. Makipagtalo sa sarili at ulitin ng sampung ulit.

 

1) Matatapos ko kaya ang 10-Day Blog Challenge na ito? Hahahaha.

 

Mainit ba ang ulo ko ngayong araw na ‘to? Oo, siguro. Busy kasi. Bagong lipat pa sa 10th floor, at inaatake na naman ako ng separation anxiety at home sickness. Isa pa, ayoko nang inaabala pag may ginagawa. Lahat naman tayo diba? Tsk tsk. Pagpasensyahan na, hormonal imbalance. Haha. Makadahilan lang e noh? Haha.

DEEP BREATHING. Magbilang 1 to 100 TEN TIMES! -__-

Kk for Kawateveran. :p

Disyembre 18, 2012 Mag-iwan ng puna

After almost a year, eto na ulit ako! Yahoo! Gujab! Parang adik lang noh? Pagbigyan nyo na ako. Dala lang to ng kapaskuhan, kaantukan, kainipan, kagutuman, katamaran, kabag, at kawateveran. Napaka-meaningful ko pa rin talaga, as ever. Hahahaha! Wag na kayo kumontra. Namiss ko naman kayo lahat e (alam nyo na kung sino kayo diba? hihi.). Magbblog-hop na ulit ako sa isang araw. Err, baka bukas pala. Kaya humanda na kayo sa pangugulo ko sa mga posts ninyo. Naniniwala akong KAYA KO ‘TO TEN TIMES! Alabyu ol! :*

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , , , ,

Kk for Kumplikasyon sa Puso

Oktubre 16, 2010 7 mga puna

Oct.3, Sunday. As usual, he is attending the second mass. Me and my members will be singing for the third mass. At syempre, nagkita kami bago sya umuwi at bago ako pumasok sa simbahan. Tamang apiran lang. Tropang-tropa lang talaga. Kwento ng konti. Very casual. Ayoko naman kasing maging awkward ang feeling namin dahil baka sa text lang pala nya ako mahal at naglolokohan lang kami at lumabas na ilusyonada lang ako. Aw. Emo. Haha.

KK: O, sige na, umuwi ka na. Di ka pa ata nakakalaba e.

THE ONE: Oo nga. Pero konti lang yun. Pero sobrang dami ko pang gagawin.

KK: Lakad na. Ba-bye. Ingat.

THE ONE: I love you. (ngiti sabay talikod)

KK: …¬† …. (napanganga, natulala,at speechless for a few seconds)

THE ONE: (naglakad na palayo)

KK: I love you too. (waw, narinig pa nya.)

Grabe ang feeling. Tumigil bigla ang mundo ko. Ai, hindi pala. Ako lang pala ang natigilan. Haha. So ganun na nga ang standing naming dalawa. Sinabi na nya personally na mahal nya ako. Ano yun? Boypren ko na ba sya at gelpren na nya ako? Hmm.. Naisip ko naman, hindi na naman mahalaga na bigyan pa namin ng pangalan ang relasyong ito. Ang mas mahalaga e yung alam na namin na mahal namin ang isa’t-isa.

Nung kinwento ko yun sa isang kaibigan ko, sabi nya, hindi daw ba mas madali kung malinaw ang lahat sa aming dalawa? Yung alam namin kung ano ba talaga kami. Para at least, pwede na kaming magdemand from each other. May karapatan na magselos, may karapatan na magbawal, may karapatan na malaman kung nasaan ang isa at kung ano-ano pang mga karapatan.

Pero naisip ko, dati na naman kaming ganun ni THE ONE. Alam nyang selosa ako at pinagseselosan ko yung Super-Mega-Grabeng Feelingerang Froglet nyang Friendship.¬† Sinasabi nya na dapat daw, sinasabi ko sa kanya kung nasaan ako. Ibig sabihin, kailangan i-inform ko sya kung saan ako pupunta kahit wala syang load at hindi nya ako mare-replyan. May extra load naman daw ako lagi kaya maiitext ko sya lagi. Edi parang ganun na din yun. Kung may nabago man sa aming dalawa, alam na namin ngayon na mahal namin ang isa’t-isa.

Tapos naisip ko pa, kailangan ko ba syang bawalan? Halimbawa, sa pagdodota. Oo, pinapaalam nya na magco-computer muna sya, kaya hinahayaan ko lang sya. Kahit na ba dapat yung oras na yun e quality time na namin. Haha. Maarte ako. May nalalaman pa akong quality time ngayon, samantalang dati, di yun nagpapaalam na may gagawin sya.  Haha.

Diba? Naisip ko talaga, kailangan bang magbago na kami ng routines sa buhay dahil mahal na namin ang isa’t-isa?

Kailangan ko nga bang magdemand na dapat itetext na nya ako lagi? As in everyday? E diba dati naman, weekends lang kami nagkakatext talaga? Fixed na yun at wala namang problema sa akin yun. Medyo nabago lang yun nung “ligawan stage” namin. Oo, feeling ko, yun na yung ligawan stage namin. Yung three weeks na araw-araw kaming nagtetext at malimit din kaming nagkikita. Hai. Kasi naman ngayon, di kami nagkita o nagkatext man lang the whole week. Finals week kasi nila. Ayoko namang makaabala. Hai talaga. At dahil dyan, sinusumpong na ako ng kapraningan. Haist.

Ano bang tawag sa akin? Gaga? Martir? Understanding? Ambisyosa? Nananaginip? All of the above? None of the above? Hai.

Sana KAYANIN KO PA ‘TO TEN TIMES. X-/

Kk for Kaye Kontrabida

Setyembre 8, 2010 10 mga puna

Kilala nyo ba si Dexter Determinado at si Annie the Honest? Sila yung mga bata sa commercial ng milo. Nung napanood ko yun, nag-isip agad ako ng milo name ko. Kaye K______? Ano nga kaya? Kataba?  Kulit? Kyutipay? Korni?  Haha. Kadiri naman ang mga naiisip ko. Di bagay. Haha. Hanggang sa tinamad na ako mag-isip..

Hanggang kanina.. ting! KAYE KONTRABIDA. Bonggang-bongga! ūüėÄ

Siguro, kung mga estudyante ko ang pipili, lalo na ang advisory class ko, yan din ang pipiliin nila. Palagay ko kasi yan ang tingin nila sa akin. Lahat na lang pupunahin ko. Simula sa umaga, pagpasok ng gate, hanggang sa pag-uwi sa hapon.

SCENE 1- Sa labas ng gate, sa mga batang nakatambay pa

Kaye: ¬†“Bakit anjan¬†pa kayo? Pasok na. ”

SCENE 2- Sa flag ceremony

Kaye: “Pakiayos na agad ang pila. Umawit kayo.”

Kaye,bago mag-pass mula sa line: “Paki-tuck in ang t-shirt. Kung ayaw, maiwan dito sa pilahan.”

SCENE 3- Sa loob ng classroom

Kaye,bago pumasok sa room: “… … …” (di magsasalita,tititigan lang ang mga batang nagdadaldalan o wala sa proper seat. Pag umayos na, tsaka babati ng “Good Morning/Afternoon Class”)

Kaye,sa batang 3 times na hindi gumawa ng assignment: “May I have your Math notebook or your guidebook?” (then writes a letter to the parent) “I want to see your parent’s signature here tomorrow.”

Kaye,sa mga batang busy sa ibang bagay na walang kinalaman sa lesson: “Therefore, an angle bisector is…” “… … …” (di muna ulit magsasalita. Tititig lang muna sa mga bata. Pag umayos na, tsaka magpapatuloy.)

Kaye,habang nagku-quiz/exam at may lumingon sa katabi: “O. Lilingon ka pa.” without mentioning the name of the student.¬†*This is one of my favorite scenes. Kasi naman, minsan, may mga batang bigla na lang sasagot ng “Hindi naman po ako nangongopya.” kahit na hindi ko naman talaga sya na-pinpoint. Laughtrip na pag ganun. Huli kasi agad kung sino ang guilty. Defensive masyado. Haha!*

SCENE 4 – Break time

Kaye, sa mga batang nakaupo sa hagdan: “Mga ate, bawal umupo sa hagdan diba? Wala na bang upuan sa may ____?”

Kaye, sa mga batang pumapasok sa EXIT door at lumalabas sa ENTRANCE door ng canteen: “Ops. Pakibasa. Balik. ”

SCENE 5- pag past 5:30 na at may mga bata pang nakatambay sa labas ng school

Kaye: “Bakit di pa kayo umuuwi? Hapon na.”

Isama pa jan ang pagpuna sa di naglelecture, di nagbubura ng board, di nagbabalik ng return slips ng mga sulat, di nagpa-practice para sa contest, pagsisinungaling, pag-absent, and the list goes on. It’s almost endless. *No wonder, paunti na ng paunti ang nalilinlang ng kagandahan ko. Noong first year of teaching ko, may ilan ring mga binata ang nahuhumaling sa akin. Aw. Joke lamang po. Haha. Ngayon naman, fifth school year ko na, bagya pa makaisa.* Haha.

Kidding aside, napaisip nga naman ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras, atensyon, lakas at kagandahan ang mga bagay na ginagawa ko? Sadya ba talagang tamad at iresponsable na ang mga bata ngayon? O sadyang pakialamera lang talaga ako at perfect?  

Naisip ko din, pag nakinig ba sila sa akin at naging successful sila sa buhay nila, will I gain anything from it? Syempre, magiging masaya ko. Pero in terms of material things, wala naman diba? Hindi naman yun tipong “Congrats, Ms.Kaye! Magkakaroon ka ng P150,000 na increase sa sweldo dahil 25 out of¬†your 29 students¬†who took the board exam passed,and 8 of which are in the top 10.” or something of that sort. Diba? Tapos, pag hindi naman sila nakinig sa mga tagubilin ko at napariwara sila at naligaw ng landas, will I lose anything from it? Syempre, malulungkot ako. Pero again,in terms of material things, wala din naman diba? Hindi din naman yun tipong “I’m sorry,Ms.Kaye but I have to fire you. Estudyante mo pala yung nanghostage nung isang linggo,¬† tambay dun sa kanto na nakipagbasag-ulo..” oh, forget it. Parang di ko maatim na makakarinig ako ng ganung balita. Grabe diba? Madudurog ang puso ko pag may nakarating sa akin na ganun. Hai.

At dahil jan, naisip ko, ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMALASAKIT.

Ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMAHAL.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging MAGULANG.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging GURO.

Salamat sa mga magulang at guardians na nakausap ko nung nag-report card distribution kami noong Saturday. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, nasa tamang landas pa rin pala ako sa pagiging guro. Bwahaha! Si Kaye Kontrabida pa rin nga ako! Bwahaha!

Ikaw, ano ang Milo name mo? ;D

Kk for Kailangan na ata..

Agosto 23, 2010 17 mga puna

Dear THE ONE,

Tama ka.  Nasasaktan ako. Hindi lang ako makareklamo. Super. Kasalanan ko ba kung duwag talaga ako pagdating sa bagay na yun? Ayoko ng rejection. Sino ba ang may gusto? Badtrip lang. Badtrip talaga.

Alam mo namang hindi kita kayang papiliin. Bakit? Simple lang. Alam kong HINDI AKO ANG PIPILIIN MO. Ano ba ako? Friend. Special friend. Yun lang. Hanggang doon lang. Malabo ka kasi kausap. Ayaw mong lumayo ako, pero ayaw mo naman akong pigilan. Sabi mo, mahalaga ako sayo. I’M YOUR DEAR SPECIAL SOMEONE. Yeah right. Saang banda? Paking teyp talaga.

Tapos ngayon, sasabihin mong hindi na naman din mahalagang malaman ko pa kung galit ka sa akin o hindi. C’mon! Alam mo namang you were everything that mattered to me. Ano pa ba ang gusto mong mangyari? Yan kasi ang hirap sayo. Hanggang ngayon, wala ka pa ring ibang alam kundi saktan ako. *Haha. Adik ako. Sinisi pa talaga kita. Eng-eng.* Hindi mo naman nga pala ako pinilit na mahalin kita. Ako lang ang nagvolunteer sa sarili ko. Rar.

I’m still the same stupid girl who fell in love with you three years ago. O ngayon, eto na naman ako. Mahal na naman kita. Mahal pa rin pala kita. E ano naman ang laban ko sa kanya? Ex mo sya. Moment mo na yan. Go, balikan mo na. Okay na ako. Masaya ka na naman ulit e. Diba nga, yun lang naman ang role ko sa buhay mo – ANG PASAYAHIN KA. At dahil masaya ka na, ano pa ang gagawin ko sa buhay mo? Edi exit na muna ako. Oo, i still love you, but then again, I chose not to show it anymore. Ayoko pa magpaalam, pero parang yun na ang tawag ng pagkakataon. KAILANGAN NA ATA..

Sige, see you after three years. Sana pag dumating ang pagkakataong yun, handa ka na na mahalin ako. Yung ako lang, wala na silang lahat.  At sana, pag dumating na din ang pagkakataong yun, mahal pa rin kita.  Pagod na pagod na ako.

Goodbye, my boss. I love you still.

-Kaye