Iimbak

Posts Tagged ‘presinto’

Kk for Karibal ba?

Oktubre 7, 2010 13 mga puna

Nanonood ako ng Magkaribal kanina, at BOOM! Bongga! Sounds familiar? Gelai, ako ba yan? Rar. Natatawa na lang ako pag naaalala ko yun. E teka, ano bang pinagsasasabi ko?

Some few years ago, I fell in love with this guy and stayed in our on-off relationship for over a year and a month. He was actually my first “legal” boyfriend, but my family doesn’t like him that much. I also had the chance to meet his family, and they loved me so. Haha. Of course, I’m such a sweet, pretty girl. But then, it ended up as a tragedy. Good girl meets Bad boy. Against all odds. My mother has a lot to say.  I love him but I have to say goodbye. Tragic. But wait, there’s more!

The broke up happened at around April, and so, I tried to move on. But by December that same year, he began texting and calling me again..telling me he misses me, he still loves me, and we should get back together. Cool. Wait, I haven’t moved on that far yet, maybe I could still go back, I thought. Until one night…

He texted me. Something’s bothering him. As in something really, really bothering. He got his “bestfriend” pregnant. Stupid. I asked him why, and his answer was, “Intindihin mo naman ako. Lalaki lang ako. Punta sya ng punta lagi sa bahay, natukso lang ako.” And he was apologizing all throughout. (Teka lang, time out muna. Feeling ko, sumasakit ang dibdib ko dahil sa mga pinagsususulat ko dito. Amps.)

Okay, going back to the story, here’s something more. HE ASKED ME TO MARRY HIM. Yeah right. He’s 21 and I’m 22. I asked him why, and he gave me a list of stupid reasons. He doesn’t love her. His family loves me. The girl’s family will sue him if he won’t support her and their child. If we’ll get married, then he’ll have a reason not to marry that girl. And he was pleading just for me to marry him. If I’ll just accept his proposal, his family will be at our house the next day and ask for my parents’ blessing. So stupid.  And I was crying all along.

But far worse than a guy trying to escape his responsibility is a girl trying to think if it was all worth the risk… and that would be ME.

Imagine, ang sinagot ko lang sa kanya,”saglit lang, hayaan mo muna akong mag-isip..” Haha. Alamat ng Gaga pala dapat ang title nito. Haha. Grabe noh? Mahal na mahal ko kaya yun. And I was so confused. Parang sasabog ang ulo ko dahil sa sobrang bilis at dami ng tumatakbo sa utak ko. Akala ko nga, may stampede na. Eto ang mga naisip ko:

  • Handa na ba akong mag-asawa? Marunong akong maglaba, maglinis, at magplantsa. Magluto? Magaling naman sya dun, kaya di ko na kailangang problemahin yun.
  • Marunong na ba akong mag-alaga ng bata? Naku,baka nga di ko mahugasan yun pag jumebs e..Huhu.
  • Saan kami titira? Malamang dun sa bahay nila dahil baka wala na akong mukhang maihaharap sa magulang ko pag nalaman nila ang tunay na dahilan ng pagpapakasal namin.
  • Paano kami mabubuhay? Ano yun? Ako ang magta-trabaho para mabuhay kami? Di pa kasi sya guma-graduate that time.
  • Paano yung magiging anak nila? Edi walang tatay? Oo, malamang. Aagawan ko nga diba? Maaatim ko ba yun?Hmm.. pagdating ng future, isa na din yun sa mga batang po-problemahin ng teachers dahil walang tatay na gagabay.
  • Hindi kaya tumutol sa kasal namin yung babae? Aw. Artista? Teleserye? Basta, feeling ko pwede din yun mangyari sa totoong buhay. Hai.
  • Paano kung manggulo yung babae pag mag-asawa na kami? Aw ulit. Peace-loving citizen of the world naman ako ah, ayoko ng eskandalo.
  • E diba mahal ko sya? If I let this chance just pass me by, there won’t be any next times. Di ko na sya mahahabol pag pinakawalan ko pa sya.
  • Ano kayang sasabihin ng nanay at tatay ko? For sure, di matutuwa yung mga yun. Basta. Sino bang magulang ang matutuwa ng ganun? Panakipbutas lang ang anak nila kaya nakapag-asawa.

At dun natapos yun sa huling tanong ko. At sumagot ako ng hindi. Ayoko pala. Naisip ko ang nanay at tatay ko. Ganun na ba ako ka-selfish at talagang kahihiyan na lang ang kaya kong ibigay sa kanila?

Napapatawa na lang tuloy ako sa Magkaribal. Magpapakasal pa rin si Gelai kay Louie kahit na alam nyang nabuntis na nun si Victoria. Para tuloy gusto kong abangan na lang sa mga susunod na gabi kung anong mangyayari sa kanila. Diba? At least, magka-ideya man lang ako kung ano nga bang nangyayari pag ganun. Haha. Bruha talaga ako. ;D

Advertisements

Kk for Kaye Kontrabida

Setyembre 8, 2010 10 mga puna

Kilala nyo ba si Dexter Determinado at si Annie the Honest? Sila yung mga bata sa commercial ng milo. Nung napanood ko yun, nag-isip agad ako ng milo name ko. Kaye K______? Ano nga kaya? Kataba?  Kulit? Kyutipay? Korni?  Haha. Kadiri naman ang mga naiisip ko. Di bagay. Haha. Hanggang sa tinamad na ako mag-isip..

Hanggang kanina.. ting! KAYE KONTRABIDA. Bonggang-bongga! 😀

Siguro, kung mga estudyante ko ang pipili, lalo na ang advisory class ko, yan din ang pipiliin nila. Palagay ko kasi yan ang tingin nila sa akin. Lahat na lang pupunahin ko. Simula sa umaga, pagpasok ng gate, hanggang sa pag-uwi sa hapon.

SCENE 1- Sa labas ng gate, sa mga batang nakatambay pa

Kaye:  “Bakit anjan pa kayo? Pasok na. ”

SCENE 2- Sa flag ceremony

Kaye: “Pakiayos na agad ang pila. Umawit kayo.”

Kaye,bago mag-pass mula sa line: “Paki-tuck in ang t-shirt. Kung ayaw, maiwan dito sa pilahan.”

SCENE 3- Sa loob ng classroom

Kaye,bago pumasok sa room: “… … …” (di magsasalita,tititigan lang ang mga batang nagdadaldalan o wala sa proper seat. Pag umayos na, tsaka babati ng “Good Morning/Afternoon Class”)

Kaye,sa batang 3 times na hindi gumawa ng assignment: “May I have your Math notebook or your guidebook?” (then writes a letter to the parent) “I want to see your parent’s signature here tomorrow.”

Kaye,sa mga batang busy sa ibang bagay na walang kinalaman sa lesson: “Therefore, an angle bisector is…” “… … …” (di muna ulit magsasalita. Tititig lang muna sa mga bata. Pag umayos na, tsaka magpapatuloy.)

Kaye,habang nagku-quiz/exam at may lumingon sa katabi: “O. Lilingon ka pa.” without mentioning the name of the student. *This is one of my favorite scenes. Kasi naman, minsan, may mga batang bigla na lang sasagot ng “Hindi naman po ako nangongopya.” kahit na hindi ko naman talaga sya na-pinpoint. Laughtrip na pag ganun. Huli kasi agad kung sino ang guilty. Defensive masyado. Haha!*

SCENE 4 – Break time

Kaye, sa mga batang nakaupo sa hagdan: “Mga ate, bawal umupo sa hagdan diba? Wala na bang upuan sa may ____?”

Kaye, sa mga batang pumapasok sa EXIT door at lumalabas sa ENTRANCE door ng canteen: “Ops. Pakibasa. Balik. ”

SCENE 5- pag past 5:30 na at may mga bata pang nakatambay sa labas ng school

Kaye: “Bakit di pa kayo umuuwi? Hapon na.”

Isama pa jan ang pagpuna sa di naglelecture, di nagbubura ng board, di nagbabalik ng return slips ng mga sulat, di nagpa-practice para sa contest, pagsisinungaling, pag-absent, and the list goes on. It’s almost endless. *No wonder, paunti na ng paunti ang nalilinlang ng kagandahan ko. Noong first year of teaching ko, may ilan ring mga binata ang nahuhumaling sa akin. Aw. Joke lamang po. Haha. Ngayon naman, fifth school year ko na, bagya pa makaisa.* Haha.

Kidding aside, napaisip nga naman ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras, atensyon, lakas at kagandahan ang mga bagay na ginagawa ko? Sadya ba talagang tamad at iresponsable na ang mga bata ngayon? O sadyang pakialamera lang talaga ako at perfect?  

Naisip ko din, pag nakinig ba sila sa akin at naging successful sila sa buhay nila, will I gain anything from it? Syempre, magiging masaya ko. Pero in terms of material things, wala naman diba? Hindi naman yun tipong “Congrats, Ms.Kaye! Magkakaroon ka ng P150,000 na increase sa sweldo dahil 25 out of your 29 students who took the board exam passed,and 8 of which are in the top 10.” or something of that sort. Diba? Tapos, pag hindi naman sila nakinig sa mga tagubilin ko at napariwara sila at naligaw ng landas, will I lose anything from it? Syempre, malulungkot ako. Pero again,in terms of material things, wala din naman diba? Hindi din naman yun tipong “I’m sorry,Ms.Kaye but I have to fire you. Estudyante mo pala yung nanghostage nung isang linggo,  tambay dun sa kanto na nakipagbasag-ulo..” oh, forget it. Parang di ko maatim na makakarinig ako ng ganung balita. Grabe diba? Madudurog ang puso ko pag may nakarating sa akin na ganun. Hai.

At dahil jan, naisip ko, ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMALASAKIT.

Ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMAHAL.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging MAGULANG.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging GURO.

Salamat sa mga magulang at guardians na nakausap ko nung nag-report card distribution kami noong Saturday. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, nasa tamang landas pa rin pala ako sa pagiging guro. Bwahaha! Si Kaye Kontrabida pa rin nga ako! Bwahaha!

Ikaw, ano ang Milo name mo? ;D

Kk for Kahibangan, pero hindi Kalokohan

A few days ago, I sent this letter to someone I really love. Actually, not just someone, but someone whom I thought to be THE ONE. Pero sige, someone that I USED to love na nga lang. Lokohin ko pa ang sarili ko. Basta. Hayaan nyo lang akong i-post dito. Kahibangan nga atang matatawag to, pero seryoso ako dito.

Subject: Presinto ba ‘to?

(part 1)

bakit? dahil gusto kong magpaliwanag. amps.

tanong muna. galit ka ba sa akin? hai.

wala na akong maintindihan. para akong dinaanan ng buhawi at nahalo ang mundo ko. at hindi ko na alam kung saan ba mag-uumpisa o kung may ipagpapatuloy pa. today, it has been exactly one month since that fateful day. pinuntahan nyo ako sa bahay, nagwalkathon hanggang bayan, uminom ng sprite na kailangang kalugin muna, tumawa at kumwento, at nagtext.

echosan ng echosan. pero bawal ma-carried away. pero ako, walang kadala-dala. natangay at nahulog. pambihira. masaya ako with you, super. hindi ko naimagine na pwede palang mafeel ang ganon ng dalawang beses sa isang tao lang. and it was tooo much for me to handle.

(part 2)

o.. so, anong problema ko? hindi ko alam. kasi nga naguguluhan ako. tama nga yung kanta..(MIGRAINE by moonstar88) OO NGA PALA, HINDI NGA PALA TAYO. HANGGANG DITO NA LANG AKO.. NANGANGARAP NA MAPASAYO… NAHIHILO.. NALILITO.. ASAN BA ‘KO SA’YO? AASA BA ‘KO SA’YO?

I almost had you. ALMOST. tama nga kaya ako? o assumera pa rin ako hanggang ngayon?

ano bang meron nung may 15? sabi mo, “nung 15 q pa cnv n kng anu mangyri skn hnda q hrapin, d q man msv n akn k pro aus n ung mgng msya q sau…n wlng ngbbwk n lmapit aq sau…sna nga wla”

ako naman si gaga, i never learned my lessons.. naniwala pa rin ako. tanda ko na ba namang ito, hanggang ngayon e nadadala pa rin ako sa simpleng text. sobrang simple pero tinangay ang puso ko.

(part 3)

so ano nga ang problema ko?

hindi ko alam kung bakit kailangang magbago ang lahat. akala ko e ok na tayong dalawa. e bakit may nagbago. sa sarili ko, alam ko na nagbago ako. may something na mas malalim, mas matindi, mas ewan.

hindi ko alam kung bakit kailangan kong magselos. hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan. basta amps lang. antanga-tanga ko.

tapos ngayon, feeling ko, nag-iba ka na. parang anlayo-layo mo na sa akin. ako lang ba ang nakakaramdam nun o totoo nga yun? nahihirapan ako. inarte ko.

hindi ko alam kung makakaintay pa ba ako ulit ng tatlong taon just to have you. hai. tanga talaga ako.

(part 4)

e anong problema ko?

naguguluhan nga ako. may nagsabi sa akin, kulang kasi tayo sa usap. hindi daw talaga tayo magkakaintindihan kung sa text lang. e ang tanong, may dapat ba talagang pag-usapan?

sabi ko kahapon, nakamove on na ako. hindi ko alam kung totoo. parang hindi moving on yun. moving away ata. hai. engot.

alam mo ba yung kanta ni mandy moore? WE CAN’T PLAY THIS GAME ANYMORE, BUT CAN WE STILL BE FRIENDS? THINGS JUST CAN’T GO ON LIKE BEFORE, BUT CAN WE STILL BE FRIENDS? ayun. posible pa nga kayang maging friends pa tayo? hmm.

sige na, ako na ang kaguluhan sa lahat. aminado naman ako.

(part 5)

e ano ba talagang problema ko?

natatakot ako. saan? ewan. to lose you. AGAIN. seryoso naman ako nung sinabi ko na IKAW LANG ANG GUSTO KONG IPAGLABAN e. pero ang tanong, gusto mo rin ba? sobrang nilalamon na ata ako ng pride dahil ayoko pa rin umamin. parang ako naman lagi ang gumagawa nun e. at ako din naman lagi ang nagpapakatanga.

hai. hai talaga. sige, to cut the long story short, dalawang salita lang ang katapat ng limang pages na to. tawanan mo kung gusto mo.
MAHAL KITA.

lagi naman e. at ayoko magsorry dahil dun.

TAPOS.