Iimbak

Posts Tagged ‘songs’

Kk for Kailangan Ba Ng Dahilan?

Abril 18, 2013 7 mga puna

Bakit may ganito?
~ dahil fan ako ng PNE.
~ dahil nakakatuwa ang video nina JM de Guzman.
~ dahil mas nakakatuwa nakakakilig ang video nina Vinci at Chito. LOL!
~ dahil naisipan ni G. Adrian de Torres na pagsamahin ang dalawang videos at i-upload ito sa YouTube.
~ dahil paborito namin ito ng mga sisterets ko dito sa office.
~ dahil madami kaming nakakarelate sa kantang ‘to.
~ dahil alam ng Akuztika 3yo na paborito namin ito, kaya lagi nilang kinakanta ‘to pag nasa Chillax kami.
~ dahil katulad ng title ng kanta, Pangarap Lang Kita.
~ dahil madali lang sabayan ang kanta.
~ dahil basta lang.

 

Suiran wo hen ai ni
Wo mei fenfa gaosu ni
Wo xin zhong yi you oh ~ qinai
Danshi shi wo de ai
 
 

Kailangan pa nga ba ng dahilan?
Kanta-kanta lang ulit ten times. Happy Thursday! 🙂

**note(19apr13-07:35pm) : eto nga pala ang link para sa chenes – english translation ng mga katagang nasa itaas. hihi. chalamats.
~kaye

Advertisements

Kk for Kalma Lang

Oktubre 17, 2010 11 mga puna

Nagsimba ako kaninang 6am. Sabi sa Gospel, “pray always without becoming weary”. Sabi nga ni Father, manalangin lagi at manalangin ng walang panghihinawa.
Naisip ko, malimit naman akong nagdadasal. At kalimitan, kasama si THE ONE sa dasal ko. Oo, hinihingi ko sya kay Lord. At hinding-hindi ko pinagsawaang dasalin kay Lord na sana mahalin na din nya ako. Mababaw ba? Mukhang. Hindi ko alam. Basta. Sya lang ang gusto kong mahalin. Sya lang ang gusto kong makasama sa mga susunod pang sandali sa buhay ko. Sya lang ang lalaking gusto kong ipaglaban. Sya lang at wala nang iba. Ganun ko sya kamahal. May equation nga kami ng bestfriend ko e. LOVELIFE = EFFORT + PRAYERS.

Nung mga nakaraang araw, parang biglang dininig ni Lord ang mga panalangin ko. Nag-eeffort na sya para maiparamdam na mahalaga ako sa kanya. At eventually, sinabi na din nya na mahal nya ako. At araw-araw nyang sinasabi sa akin yun. Masaya. Natuwa ako. Sa wakas, nakuha ko na din ang gusto ko sa buhay. Wala na akong hihingin pang iba. Mahal nga pala ako ni Lord.

Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Mukhang epekto ata ng mga sunod-sunod na ITCZ kaya pati sya e nagbago na din. Biglang nawala sya. Hindi na nya ako sinasabihang mahal nya ako. Biglang di na sya nag-eeffort na magtext o makipagkita man lang kahit isang minuto. Ni sa fb, hindi na sya nagme-message o nagsusulat sa wall ko o nagko-comment man lang sa wall posts ko. Hai. Gusto kong umiyak. Nagulo ang daigdig ko. Daig ko pa ang binagyo at dinaanan ng buhawi. Gusto kong isipin, kulang pa ba ang dasal ko? Bakit naman ganun? Kung kailan eto na, bigla na lang nawala? Hindi ba talaga ako pwedeng maging masaya? Hindi ba talaga ako pwedeng mahalin ng lalaking mahal na mahal ko? Hai.

Pero kanina, sinabi din ni Father, ang pananalangin ay 2-way communication. Nakikipag-usap tayo sa Diyos at nakikipag-usap din ang Diyos sa atin. Kailangan lang natin tumahimik sa kakangawa para marinig natin ang mensahe Niya para sa atin. At pag tayo ay nananalangin, kailangan nating tandaan na tayo ay mga abang alipin lamang. Alipin. Ibig sabihin, hindi ako ang mag-uutos sa Diyos kung ano ang dapat Niyang gawin sa buhay ko. Hindi ako ang magdidikta sa Diyos kung ano ang gusto kong mangyari. HINDI AKO, KUNDI SIYA. Ako ang makikinig. Ako ang susunod.

At dahil dun, kumalma na ako. Oo nga naman. Paano kung hindi nga pala si THE ONE ang gusto ni Lord para sa akin? Bakit ko ba ipipilit ang gusto ko e Siya itong higit na mas marunong kaysa sa akin. Mas naunawaan ko na ngayon ang salitang Humility.

PRAISE GOD ten times!  😀

Kk for Koro

Hunyo 5, 2010 2 mga puna

Kakatuwa. May schedule kami ng kanta para sa Anticipated Mass kanina. 3pm ang call time. At anong nakakatuwa dun. Kasi naka-anim kami. Kamon. Ang bait-bait kaya ni Lord. Kala ko magsosolo ako sa koro e. Tsk tsk. 🙂

Anyway, magpapasalamat lang ako sa mga batang nakasama ko kanina. Hindi nila siguro mababasa ‘to, pero just in case..hehe. 😉

Salamat kay…(in chronological order sa pagdating..haha.)

..SV, ang aming soloista at bunsong katangkaran, na kauna-unahang dumating kanina. Grabe. Salamat kasi in-absorb mo ang litanya ko. 🙂
..LC, ang ever-loyal na ate na kaliitan. Salamat kasi hindi nagkaroon na ako ng choice na kumumpas. Haha. Ang hirap kaya kung kami lang dalawa ni SV, tapos kukumpas pa ako. Haha. Ayan, tatlo na tayong magsu-swimming bukas ha. 🙂
..KML, na kakagaling lang sa mahabang biyahe at kumain lang at sumama na sa amin. Haha. Salamat, SATB na tayo. Soprano ka, Alto si LC, Tenor si SV, at ako ang Bass. Waha. 😮
..FMJB, na bigla kong nakita pagkamulat ng mata after ng prayers. Haha. Kala ko e bigla kang hinulog ni Lord mula sa kawalan para sagutin ang mga dasal namin. Haha. Salamat sa pagsama kahit kasama mo na yung newfound friends mo. Hehe. 🙂
at kay…
…KdG, na huli man daw at magaling, huli pa rin. Haha. Salamat kasi dumating ka pa rin kahit galing din sa di kalayuang byahe. Haha. At least, hindi na ako yung bass. 😮

Haha. At syempre, super big thanks kay Lord. Super. Kinaya naman namin diba? Hehe. Bukas ulit. 🙂

KAYA NAMIN ‘TO TEN TIMES! ❤

Mga Kategoriya:Kkantahan Mga kataga, , , , ,