Iimbak

Posts Tagged ‘topak moments’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 004

Marso 5, 2014 2 mga puna

Day four pa lang at na-realize kong ang challenge na ito ay challenging nga. Naisip ko kasi kanina, alas siyete na, wala pa akong nakikitang dahilan para maging maligaya. Well, yes, in a way, nalungkot pa ako kasi may konting tampuhan pa kami ni Boyfriend kanina.

 

Anyway, ang mahalaga nito e naayos na din naman. Plus, I’m glad because I got the reassurance that I am really a part of his family. Hindi lang sa kanya mismo nanggaling, kundi sa kapamilya nya. It just goes to show that it’s not just him who loves me, but his whole family, too.

 

And I guess, that’s enough to make me feel happy today. Sapat na yun para mapawi lahat ng pagod, pag-aalinlangan, at takot na nararamdaman ko kanina. 😀

Advertisements

Kk for Kung Sunday Lang Ngayon…

Abril 15, 2013 12 mga puna

“Happy Monday!” (automatic na linya sa klase; paraan ng pangontra negativity dahil Monday na.)

 

Monday na ba talaga? My day was a crappy one this morning. It is so unusual for me. Kulang ako sa tulog, pero ano bang bago sa alas kwatrong pagtulog? Posibleng di ko lang masyadong na-feel ang weekend ko e. Sunday na kasi ng maka-tanghalian ako nakauwi sa lupang tinubuan. Ayun, pagdating ko, oras na ng pagtulog sa hapon. Wala, hindi na ako nakaabot ng mga Sunday Oldies na tugtugin. Adik lang noh?

 

 

**credits kay Lola Shirley Bassey na umawit nito, at sa nag-upload na din sa youtube na si ms.detoyato.

Hinanap ko talaga ang kantang ‘to kasi isa ito sa mga paborito ko. Narinig ko lang na kinakanta ‘to dati ng nanay ko sa videoke nung bata pa ako. Tapos naririnig ko din nga pag Sunday. Kaya ngayong matanda na ako, nakikipag-unahan na ako sa nanay ko sa pagkanta nito sa videoke. Hihi. Nakaka-relate ba ako dito ngayon? Siguro. Ewan. Secret, walang clue. Masarap lang pakinggan. Sana maenjoy nyo din. 🙂

 

Happy listening. Happy Monday. Ulit-ulitin lang ten times, Kaye, para makumbinsi kang happy nga ang Monday na ito. 🙂

Kk for Keep Chasing…

Saktong-saktong soundtrip para sa babaeng may Wednesday Sickness. :[

Pasaway kasi ‘tong si Mareng Adele e. Napapahimig at napapaisip tuloy ako. Tama bang magpatuloy pa kung alam mong wala din namang patutunguhan? Pero paano ka nakakasigurado na wala ngang patutunguhan kung hindi mo susubukan? Dapat bang tumigil na kung tama naman ang iyong nararamdaman? Pero paano kung matuklasan mong mali naman pala ito, in the long run? Lagi na lang bang kailangang mag-play safe? O oras na din naman para mag-take ng risk? Magkaiba naman ang TAMA at DAPAT. Pwedeng TAMA pero hindi DAPAT. Pero ang DAPAT, laging TAMA. Sabi nga ni Pareng Aristotle (na isa din sa mga crushes ko lately) sa isa nyang awitin, DAPAT TAMA. Lol. Maisingit lang. Haaayy.. Adobo Mode.

*credits sa totoong may-ari ng video. 🙂

If you don't try you'll never know if you don't go after what you want you'll never get it and if you never ask the answer will always be no

*ang imaheng ito ay nagmula naman sa Google Images. 🙂

Kk for Kaka-ewan lang…

…kasi Wednesday pa lang ngayon.
…kasi di kami makakapag-Chillax mamayang uwian.
…kasi matagal pang kailangang i-stretch ang budget.
…kasi lango na naman ako sa antok dulot ng paputol-putol na tulog kagabi.
…kasi di makakainom ng dalawang boteng San Mig light mamaya.
…kasi di ko sila mapapanood mamaya.
…kasi hindi ka pa bumabalik.
…kasi kanina pa akong 1:30 dito sa opisina.
…kasi 6:30 pa ako nagsimula magklase.
…kasi sa Biyernes pa ang sahod.
…kasi di ko matapos-tapos ang dapat tapusin.
…kasi sinumpong na naman ng sakit.
…kasi di naaprubahan ang leave ko sa March 28.
…kasi reklamador ako.
…kasi napanaginipan ko si ninja bro.
…kasi sabi nya napanaginipan din nya ako.
…kasi atat na akong mag-Sky Ranch sa weekend.
…kasi di ako sanay na walang ginagawa. (lol. di lang talaga ginagawa)
…kasi Wednesday na.

 

Ah basta. Basta na nakadahilan. Na-LSS lang naman talaga ako sa kanta ni Nyoy. Nakaka-ewan talaga. Teka, nasaan ka na nga ba? 

 

Kanta-kanta din TEN TIMES. 🙂

Kk for Kapirasong Bahagi

Pebrero 27, 2013 16 mga puna

“Nais ko pang ika’y mas makilala sana…
Ngunit nagpaalam kang ika’y lalayo na.
Tugon ko’y ‘oo’ nang walang kakurap-kurap.
Batid mo kayang ika’y lagi pa ring hanap?”

 

 

~ Naisulat lamang ni Kk dahil nakapulot ng kaunting inspirasyon kay Jay Contreras.
Wala na akong masabi. Ohaaaay na lang. Kaya yan ten times! :]

Kk for Kasipagan Challenge – Day Four

Pebrero 5, 2013 9 mga puna

10- Day Blog Challenge Day FOUR: 7 Things That Cross Your Mind A Lot
(a.k.a. Diary ng isang Baliw na Transformer)

 

7) Uso naman ang google at mga online dictionaries, bakit kaya may mga taong lagi na din lang namang kaharap ang computer e hindi pa makuhang subukang gamitin ang mga yun at mas gusto pang mang-abala ng iba? Tss..

 

6) Bakit kaya may mga taong hindi man lang makaalala magyaya pag kakain na? Pero pag sila, ang lakas ng loob makikain, at nagrerequest pa ng gustong ulamin kinabukasan! Rated PG?

 

5) Bakit kaya tamad yung nabili naming jumping rope? Dahil kaya tigsa-sampung piso lang yun? Kung tig-i-isang daan kaya ang binili namin, magiging masipag kaya yun? LOL.

 

4) Pag umalis na yung ka-live-in ko, saan kaya ako titira? Babalik kaya ako sa Times o magbe-bedspace na lang ako sa taas ng tinitirahan namin ngayon? :/

 

3) Yung resume ko, kailangan ko na nga pala ayusin para maipasa na ni Kaedi.

 

2) Tingnan ang fb profile ni Dubai boy. Wag tingnan ang fb profile ni Dubai boy. Makipagtalo sa sarili at ulitin ng sampung ulit.

 

1) Matatapos ko kaya ang 10-Day Blog Challenge na ito? Hahahaha.

 

Mainit ba ang ulo ko ngayong araw na ‘to? Oo, siguro. Busy kasi. Bagong lipat pa sa 10th floor, at inaatake na naman ako ng separation anxiety at home sickness. Isa pa, ayoko nang inaabala pag may ginagawa. Lahat naman tayo diba? Tsk tsk. Pagpasensyahan na, hormonal imbalance. Haha. Makadahilan lang e noh? Haha.

DEEP BREATHING. Magbilang 1 to 100 TEN TIMES! -__-

Kk for Kaye is…

Enero 24, 2013 16 mga puna

…currently at THAT moment when you’re oh-so-fucked-up and oh-so-fed-up and oh-why-thank you, and can’t do anything about it.

Do you know how it feels?

You wanted to shout, but you can’t. You wanted to blame somebody else, but there’s none. You’re innocent, but they’ve already judged you. You wanted to run, but you’ve got nowhere to go. You wanted to sweep the things off your desk, but nothing’s there except for your stupid pc. You wanted to curse out loud, but the place isn’t appropriate. You wanted to talk to your officemates, but they’re all having classes. You wanted to divert your attention, but your brain won’t just cooperate. You wanted to throw up, but there’s nothing in your stomach. You wanted to die, NOW. Kung pwede lang nga e.

But there’s only one thing you could do: WEEP SILENTLY.

tengeneleng ten times. Full moon ba?