Iimbak

Posts Tagged ‘touching’

Kk for Kaligayahan Challenge Day 021

Nakakatuwa kasi umuwi dito ngayon si Boyfriend.

Well, actually, bago yun, dun muna kami nagkikita-kita lahat (ako, si nanay, si tatay, at si Boyfriend) sa bahay nina ate.

Lapit ng lapit si KG kay Boyfriend at nakikipag-usap sa kanya, as if naman nakakapagsalita na sya . Hahahaha! Kini-kiss pa nya! Kakatuwa talaga. At nung kumakain na kami ng hapunan, lumalapit pa sya kay Boyfriend para magpasubo. Hihi.

Nakakatuwa kasi love na love sya ng pamangkin ko. <3<3<3

Advertisements

Kk for Kaligayahan Challenge Day 020

I did a random act of kindness to a stranger.

Salbahe ba ako kasi shinare ko pa? Haha! I don’t intend to brag what I did. I only wanted to share what made me happy today.

Kakaibang HAPPINESS. 🙂

Kk for Kaligayahan Challenge Day 010

Marso 11, 2014 2 mga puna

Kahapon, sinilip ko ang schedule ko for today.

Ang total number of classes: 9.5

Pagsilip ko ngayon: 13

May new classes, may sub classes, at may make-up classes na napadagdag ngayong araw na ‘to.

Stressful ba? Isama pa ang mga kaibigan kong hindi ko matiis dahil love na love ko sila. 

Isabay pa ang biglang paglalaho ng isa kong student na napalipat sa ibang teacher na hindi naman nagpabago ng oras. Huhuhu. “Hello, IR” na ba ito?

Haaaayy.. nauubos na ang lakas ko.

Pero, madami akong natutunan mula sa araw na ito, at sa #100happydays na ito.

– Pabor din naman pala sa akin ang mga new/sub/make up classes dahil nadagdagan ang workload ko. Char! Mukhang incentive?! haha! Hindi.. nakakatuwa din kasi I get to meet new students today, maliban sa mga estudyante kong araw-araw kong kausap. Kumbaga, nagkaroon ng bagong flavor ang araw ko. 🙂

– Kahit super jam-packed ang sched ko, I still managed to find time to help my dear friends. Nakakatuwang isipin na nakatulong din naman ako sa kanila in a way.

– Natutunan ko na i-overcome ang aking fear of the unknown. O diba, natatakot akong baka may IR na pala ako mayamaya o bukas na bukas din, e wala naman akong ginagawang masama. Kaya, tinanong ko mismo ang Kpop manager namin! Haha! Ako na ang nagtanong kung bakit. At sabi naman nya, wala daw negative feedback mula sa student. Natapos lang daw ang enrolment nya kaya biglang napalipat sa ibang teacher nung nag-renew sya. Edi kung hindi ko tinanong yun, edi araw-araw akong papasok sa opisina na para bang may bibitay sa akin mayamaya lang.

– And finally, ang pinakamahalaga kong natutunan mula sa Challenge na ito: ANG MAKITA ANG BAWAT POSITIBONG BAGAY SA MGA PANGYAYARI SA BUHAY. Grabe.. gusto ko na mamatay kanina dahil sa pagka-ngarag. Pero habang iniisip ko ang isusulat ko dito, bigla kong narealize na ang dami palang lessons na mapupulot sa araw na ito – which made me a better person today. At yun ang mas nakapagbigay sa akin ng HAPPINESS.

 

Praise God ten times! 😀

Kk for Kaligayahan Challenge Day 008

Marso 9, 2014 3 mga puna

This is one of those really special weekends for me because I get to spend the whole day with him. ❤

 

But wait, there’s more!

 

Ano pa nga ba ang ginawa ko ngayong araw na ‘to na nakapagpaligaya sa akin?
1) nagbyahe ng mahigit kumulang apat na oras kasama sya
2) bumalik sa lugar na una naming naging tagpuan (say hello to MRT- Taft Station)
3) naki-party sa 7th birthday ng anak ng peyborit couple ko sa blog world
4) nakita ko ang isa pang side niya dahil sa pagsali nila sa isa sa mga games sa kiddie party. <3<3<3
5) natunghayan ang isang napaka-tamis na wedding proposal. OMG! kahit hindi na ako nasorpresa masyado (dahil narinig ko na na pinag-uusapan ng mga kasama ko), kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. **teka teka, hindi PA ito wedding proposal para sa akin ha. hihi. **
6) tumambay at nakibonding kasama ang lalaking mahal ko at ang kanyang mga kaibigan (ayiee.. pakisilip po ulit ang listahang ito: 8 Ways to Win Your Heart)
7) matutulog na ako mayamaya kasama ulit sya, pero this time, sa bahay nila

 

osya, tama na muna ‘to. Masyado na akong masaya for today. Hindi pa rin ako maka-get-over sa proposal na nakita ko kanina e. Hahaha!

 

Thank you, O Lord, for the gift of True Love. ❤

Kk for Kaligayahan Challenge Day 005

Marso 6, 2014 6 mga puna

I’m feeling great today because another friend visited me at the office today. At nakakatawa namang nakisama pa ang sked ko at uma-absent ang ilan sa mga students ko, kaya naman chika galore nga kami. Namiss ko din kumain ng may kasabay dito sa office e.

At isa pang nakapagpaligaya sa akin, nagcomment si Boyfriend dito. Hihi. Tsaka sabi nya kanina, uuwi din sya sa bahay namin sa Cavite this weekend. Hihi. ❤

Yun lang po. I thank you. Bow. :))

Kk for Kaskas-kiskis-kuskos

Mayo 13, 2013 4 mga puna

Tuwi-tuwi na lang nalalapit na ang mga Araw ng mga Nanay, lagi ko na lang din naalala ang kwentong ito. Pero hindi pag saktong Mother’s Day na. Haha. Siguro kasi hindi naman talaga ako humaharap sa computer pag weekends, o dahil lumalabas kami.

Nakilala ko ang kwentong ito noong 1st year college pa lang ako. Ginamit namin itong pyesa para sa Sabayang Pagbigkas noong Buwan ng Wika. Napaluha pa ako noong unang nabasa ko ito.

Hindi ko makakalimutan ang kwentong ito kasi: 1) Tungkol ito sa nanay, 2) Palagay ko, ganito din ang nanay ko, at 3) epic fail kami sa SabPag dahil hindi pala ito ang piyesang pinaglalabanan. Kaya katapus-tapusan nito, naging pang-intermission na lang kami. LOL.

“Papel de Liha”

ni Ompong Remigio

Ang nanay ko ang imis-imis. Kapag me duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon. Kapag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. Kapag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon.

Dadako siya sa sala at mag-aayos. Kapag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon. Kapag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. Kapag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi. Kapag may ulam na malamig, salang dito, salang doon. Kapag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon. Kapag may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon.

Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. Kapag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon. Kapag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon. Kapag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon.

Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa. Kapg may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon. Kapag may aah-aah na naiwan, buhos dito, buhos doon. Kapg may ooh-ooh na sumingit, buhos dito, buhos doon.

Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. Kapag may dahong naglalaglagan, walis dito,walis doon. Kapg may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. Kapg may uod na naipon, alis dito, alis doon.

‘Yan si Nanay. Ang imis-imis. Maghapon at magdamad, kiskis-kuskos. Higpit-higpit. Salang-sigang. Tali-tagpi. Walis-palis.

Isang araw dumating si Tita Maring. Ang sabi niya: “Ano ba naman Milagring! Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo. Parang papel de liha na pang-isis. Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo.”

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay? Bakit? Ano ba ang papel de liha?

Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko. Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha. Magaspang ito. Mahapdi sa balat. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. Nisnis ang damit sa isang isis.

Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay?

Minsan nilagnat ako at napilitang mahiga. Si Nanay, tumabi sa akin. Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon. Nang sumama ang pakiramdam ko lunas dito, lunas doon. Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon. Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay? Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang humimas at humaplos siya sa akin? Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay. Mali si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
Noong gumaling na ako, nakita ko na namn si Nanay na umiikot ng bahay. Kapag di panatay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon. Kapag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon. Kapg may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon. Kapg may laruang nagkalat, kipkip dito, kipkip doon. Kapag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon. Kapag may naligaw na kuting kupkop dito, kupkop doon.

Minsan nakita kong magkahawak-kamay si Nanay at Tatay. Ang sarap tignan. Mali talga si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay. Hindi papel de lihang, isis dito, isis doon. Kiskis dito, kiskis doon. Kaskas dito, kaskas doon.

Pero hindi ko pa rin matiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad niya. “Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho.” ang sabi niya. Iniisip ko, pinalambot ng magaspang na kamay ni Nanay ang unan ko sa ulo, ang manok na nilaga, ang kutson sa upuan, ang medyas at kamiseta ni Tatay, ang lupang batuhan, pati lumang pandesal – lumambot din.
Pumunta ako kay Nanay at humawak sa kamay niya. Pakiramdam ko kahit kailan, ayaw ko nang bumitiw pa…

 

Kaka-touch lang, ten times. 🙂

Kk for Keep It Simple

Nai-spot-an ko lamang sa 9gag.com ang picture na ‘to. At napaisip..

 

mula sa 9gag.com

mula sa 9gag.com

Oo nga naman. Ang simple nga naman ng buhay noh? 😀

Pero bakit parang ang hirap? Ano/Sino ba ang nagpapahirap? 

Tsk tsk. Paano, mas inuuna pa ang PRIDE. Pambihirang pride yan. Mahirap talaga yan lunukin, lalo na kung bareta. LOL.

 

Oh well – papel, ganyan nga talaga siguro ang buhay. Nasa kanya-kanyang pagpapasya na lang talaga yan kung pipiliin nating maging simple o komplikado. Buti na lang at nakita ko ‘to.

 

Siguro pwede ko din idagdag sa listahang yan ang …

Hurt someone? …Apologize.

 

Monday na naman. A Manic Monday for me. Kaya i’m giving out FREE HUGS, ten times pa.

*ninja hugs*