Iimbak

Posts Tagged ‘newbie’

Kk for Kaskas-kiskis-kuskos

Mayo 13, 2013 4 mga puna

Tuwi-tuwi na lang nalalapit na ang mga Araw ng mga Nanay, lagi ko na lang din naalala ang kwentong ito. Pero hindi pag saktong Mother’s Day na. Haha. Siguro kasi hindi naman talaga ako humaharap sa computer pag weekends, o dahil lumalabas kami.

Nakilala ko ang kwentong ito noong 1st year college pa lang ako. Ginamit namin itong pyesa para sa Sabayang Pagbigkas noong Buwan ng Wika. Napaluha pa ako noong unang nabasa ko ito.

Hindi ko makakalimutan ang kwentong ito kasi: 1) Tungkol ito sa nanay, 2) Palagay ko, ganito din ang nanay ko, at 3) epic fail kami sa SabPag dahil hindi pala ito ang piyesang pinaglalabanan. Kaya katapus-tapusan nito, naging pang-intermission na lang kami. LOL.

“Papel de Liha”

ni Ompong Remigio

Ang nanay ko ang imis-imis. Kapag me duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon. Kapag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon. Kapag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon.

Dadako siya sa sala at mag-aayos. Kapag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon. Kapag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon. Kapag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon.

Papasok siya sa kusina at magbubusisi. Kapag may ulam na malamig, salang dito, salang doon. Kapag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon. Kapag may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon.

Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit. Kapag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon. Kapag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon. Kapag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon.

Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa. Kapg may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon. Kapag may aah-aah na naiwan, buhos dito, buhos doon. Kapg may ooh-ooh na sumingit, buhos dito, buhos doon.

Iikot siya sa bakuran, sa may halamanan. Kapag may dahong naglalaglagan, walis dito,walis doon. Kapg may ipot ng ibon, palis dito, palis doon. Kapg may uod na naipon, alis dito, alis doon.

‘Yan si Nanay. Ang imis-imis. Maghapon at magdamad, kiskis-kuskos. Higpit-higpit. Salang-sigang. Tali-tagpi. Walis-palis.

Isang araw dumating si Tita Maring. Ang sabi niya: “Ano ba naman Milagring! Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos kaya kumapal at gumaspang ang mga palad mo. Parang papel de liha na pang-isis. Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi na hawakan ni Turing ang kamay mo.”

Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay? Bakit? Ano ba ang papel de liha?

Naghanap ako sa bahay ng papel de liha pero papel de hapon lang ang nakita ko. Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang at bumili ako ng papel de liha. Magaspang ito. Mahapdi sa balat. Gasgas ang kahoy sa isang kaskas. Nisnis ang damit sa isang isis.

Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni Nanay?

Minsan nilagnat ako at napilitang mahiga. Si Nanay, tumabi sa akin. Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon. Nang sumama ang pakiramdam ko lunas dito, lunas doon. Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon. Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni Nanay? Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang humimas at humaplos siya sa akin? Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay. Mali si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
Noong gumaling na ako, nakita ko na namn si Nanay na umiikot ng bahay. Kapag di panatay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon. Kapag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon. Kapg may palay sa bigas, tahip dito, tahip doon. Kapg may laruang nagkalat, kipkip dito, kipkip doon. Kapag nabukulan ako, kapkap dito, kapkap doon. Kapag may naligaw na kuting kupkop dito, kupkop doon.

Minsan nakita kong magkahawak-kamay si Nanay at Tatay. Ang sarap tignan. Mali talga si Tita Maring. Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay. Hindi papel de lihang, isis dito, isis doon. Kiskis dito, kiskis doon. Kaskas dito, kaskas doon.

Pero hindi ko pa rin matiis na tanungin si Nanay kung bakit nasabi ni Tita Maring na papel de liha ang mga palad niya. “Anak, makapal at magaspang na ang mga palad ko dahil sa kakatrabaho.” ang sabi niya. Iniisip ko, pinalambot ng magaspang na kamay ni Nanay ang unan ko sa ulo, ang manok na nilaga, ang kutson sa upuan, ang medyas at kamiseta ni Tatay, ang lupang batuhan, pati lumang pandesal – lumambot din.
Pumunta ako kay Nanay at humawak sa kamay niya. Pakiramdam ko kahit kailan, ayaw ko nang bumitiw pa…

 

Kaka-touch lang, ten times. 🙂

Advertisements

Kk for Kaligayahan

Abril 30, 2013 4 mga puna

do-what-you-love

 

Kanina, tungkol sa HAPPINESS ang topic namin ng isa kong estudyante. Bago matapos ang period, pinakita ko sa kanya ang larawan sa itaas at tinanong kung ano ang naintindihan nya sa mga nakasulat. Sabi nya, yung DO WHAT YOU LOVE, yun daw yung ginagawa nya yung gusto nyang gawin. Halimbawa, mahilig sya magluto, magluluto sya dahil yun ang nakakapagpasaya sa kanya. Yung LOVE WHAT YOU DO naman, yun daw yung ginugusto mo yung ginagawa mo. Halimbawa, ayaw nya mag-aral, pero wala naman syang choice talaga kundi mag-aral diba? Kaya ginugusto na din daw nya kahit ayaw nya. Magulo ba? Hahaha!

 

Bigla tuloy akong napaisip. Napakaswerte ko pala. Kasi I am able to DO WHAT I LOVE and LOVE WHAT I DO. Eksaktong isang taon na ngayon mula nung pinasok ko itong trabahong ito. At nakakatuwa kasi nagagawa ko yung gusto ko, at nagugustuhan ko din ang ginagawa ko. Ito pala yung HAPPINESS. 😀

Eto yung note ko a year ago:

Day 1 – April 30, 2012

~got there too early, and so I spent my time walking inside the mall

~2-6pm – crash course with Sup Em about Tall English. Had much fun and fright with the exercises, made it through well though.

~in came Sir Steve with his super-duper-overly captivating voice, and took all my anxieties away. ❤ loljk 😉

~prepared slides for my classes on Wed. So excited for it. Managed to do it easily that it makes me think there’s something wrong with what I did. Well, I hope not.

~to sum it up, I had a great day! Praise God. 🙂

KAYA KO ‘TO 100X! 🙂

 

Ang saya lang. Kinaya ko nga, 100x pa! 😀

Kk for Kaye Kontrabida

Setyembre 8, 2010 10 mga puna

Kilala nyo ba si Dexter Determinado at si Annie the Honest? Sila yung mga bata sa commercial ng milo. Nung napanood ko yun, nag-isip agad ako ng milo name ko. Kaye K______? Ano nga kaya? Kataba?  Kulit? Kyutipay? Korni?  Haha. Kadiri naman ang mga naiisip ko. Di bagay. Haha. Hanggang sa tinamad na ako mag-isip..

Hanggang kanina.. ting! KAYE KONTRABIDA. Bonggang-bongga! 😀

Siguro, kung mga estudyante ko ang pipili, lalo na ang advisory class ko, yan din ang pipiliin nila. Palagay ko kasi yan ang tingin nila sa akin. Lahat na lang pupunahin ko. Simula sa umaga, pagpasok ng gate, hanggang sa pag-uwi sa hapon.

SCENE 1- Sa labas ng gate, sa mga batang nakatambay pa

Kaye:  “Bakit anjan pa kayo? Pasok na. ”

SCENE 2- Sa flag ceremony

Kaye: “Pakiayos na agad ang pila. Umawit kayo.”

Kaye,bago mag-pass mula sa line: “Paki-tuck in ang t-shirt. Kung ayaw, maiwan dito sa pilahan.”

SCENE 3- Sa loob ng classroom

Kaye,bago pumasok sa room: “… … …” (di magsasalita,tititigan lang ang mga batang nagdadaldalan o wala sa proper seat. Pag umayos na, tsaka babati ng “Good Morning/Afternoon Class”)

Kaye,sa batang 3 times na hindi gumawa ng assignment: “May I have your Math notebook or your guidebook?” (then writes a letter to the parent) “I want to see your parent’s signature here tomorrow.”

Kaye,sa mga batang busy sa ibang bagay na walang kinalaman sa lesson: “Therefore, an angle bisector is…” “… … …” (di muna ulit magsasalita. Tititig lang muna sa mga bata. Pag umayos na, tsaka magpapatuloy.)

Kaye,habang nagku-quiz/exam at may lumingon sa katabi: “O. Lilingon ka pa.” without mentioning the name of the student. *This is one of my favorite scenes. Kasi naman, minsan, may mga batang bigla na lang sasagot ng “Hindi naman po ako nangongopya.” kahit na hindi ko naman talaga sya na-pinpoint. Laughtrip na pag ganun. Huli kasi agad kung sino ang guilty. Defensive masyado. Haha!*

SCENE 4 – Break time

Kaye, sa mga batang nakaupo sa hagdan: “Mga ate, bawal umupo sa hagdan diba? Wala na bang upuan sa may ____?”

Kaye, sa mga batang pumapasok sa EXIT door at lumalabas sa ENTRANCE door ng canteen: “Ops. Pakibasa. Balik. ”

SCENE 5- pag past 5:30 na at may mga bata pang nakatambay sa labas ng school

Kaye: “Bakit di pa kayo umuuwi? Hapon na.”

Isama pa jan ang pagpuna sa di naglelecture, di nagbubura ng board, di nagbabalik ng return slips ng mga sulat, di nagpa-practice para sa contest, pagsisinungaling, pag-absent, and the list goes on. It’s almost endless. *No wonder, paunti na ng paunti ang nalilinlang ng kagandahan ko. Noong first year of teaching ko, may ilan ring mga binata ang nahuhumaling sa akin. Aw. Joke lamang po. Haha. Ngayon naman, fifth school year ko na, bagya pa makaisa.* Haha.

Kidding aside, napaisip nga naman ako. Bakit ko nga ba pinag-aaksayahan ng oras, atensyon, lakas at kagandahan ang mga bagay na ginagawa ko? Sadya ba talagang tamad at iresponsable na ang mga bata ngayon? O sadyang pakialamera lang talaga ako at perfect?  

Naisip ko din, pag nakinig ba sila sa akin at naging successful sila sa buhay nila, will I gain anything from it? Syempre, magiging masaya ko. Pero in terms of material things, wala naman diba? Hindi naman yun tipong “Congrats, Ms.Kaye! Magkakaroon ka ng P150,000 na increase sa sweldo dahil 25 out of your 29 students who took the board exam passed,and 8 of which are in the top 10.” or something of that sort. Diba? Tapos, pag hindi naman sila nakinig sa mga tagubilin ko at napariwara sila at naligaw ng landas, will I lose anything from it? Syempre, malulungkot ako. Pero again,in terms of material things, wala din naman diba? Hindi din naman yun tipong “I’m sorry,Ms.Kaye but I have to fire you. Estudyante mo pala yung nanghostage nung isang linggo,  tambay dun sa kanto na nakipagbasag-ulo..” oh, forget it. Parang di ko maatim na makakarinig ako ng ganung balita. Grabe diba? Madudurog ang puso ko pag may nakarating sa akin na ganun. Hai.

At dahil jan, naisip ko, ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMALASAKIT.

Ito pala ang ibig sabihin ng salitang PAGMAMAHAL.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging MAGULANG.

Ito pala ang ibig sabihin ng pagiging GURO.

Salamat sa mga magulang at guardians na nakausap ko nung nag-report card distribution kami noong Saturday. Sa kanila ko natutunan ang mga bagay na ito. Ibig sabihin, nasa tamang landas pa rin pala ako sa pagiging guro. Bwahaha! Si Kaye Kontrabida pa rin nga ako! Bwahaha!

Ikaw, ano ang Milo name mo? ;D

Kk for Kongrachuleyshens!

Kamon. Kauna-unahang blog ko ‘to sa labas ng mga social networking sites. 🙂

Welcome sa akin. Haha.

Isa ‘to sa mga pangarap ko e. Yung hindi lang sa papel magsulat. Nasubukan ko na kasi sa blackboard, sa white board, sa desk ng upuan, sa lamesa, sa dingding ng classroom, at sa pader ng cr, noong kabataan ko. Waha. Pero bata pa naman ako ah. Kaya para maiba lang, dito naman. ;P

Kung tutuusin, andami-daming tumatakbo ngayon sa isip ko..at malamang napapagod na rin sila. Hindi ko alam kung saan sisimulan ang pagsusulat e.. Kaya eto, sige ako sa pagtype ng kung anong tumatakbo sa isip ko. Basta na ako e. Haha. Sorry naman.

Siguro, i’ll try to organize my thoughts first bago ako magpost ulit ng bago. Magulo pa kasi ang isip ko. Haha. Hindi ko nga alam kung may magkakainteres ba na magbasa ng mga sinusulat ko e, pero ok lang. Ang una ko naman talagang purpose e mailabas lang lahat ng saloobin ko lalo na pag wala akong mapagsabihan. Haha. Ano ‘to, CR? Haha. Pis everyone. ^^

Basta, within this week, pag nasolo ko na ulit ang laptop, magpopost ulit ako. Amps.

KAYA KO ‘TO TEN TIMES! ❤

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , , ,