Iimbak

Archive for Pebrero, 2011

Kk for Kasalan Na! ;)

Pebrero 17, 2011 1 puna

Andami-dami na ulit ngayong tribute sa EDSA 1. Naalala ko tuloy yung isang eksena namin ni mother last week. Nanonood sya ng tv habang ako naman ay busy sa fb. Haha.

Nanay: 25 years na pala ang EDSA? Ambilis naman..
Kk: Oho, 25 na ako sa August e.
Nanay: Oo nga noh? 25 ka na nga pala. Aba, anak, mag-asawa na.
Kk: Aba, nay, pwede ho bang mag-boyfriend muna? :))

Laugh trip kami dito. :))
Napaisip naman ako. Kailangan ba talagang may taning ang pagiging dalaga? Paano nga kung ganitong wala naman talaga ni magyaya sa akin na mag-date? Yung magpakasal pa ba naman.. Haha.

At lalo na akong napaisip dahil sa mga eksenang ito..

Lunch break, kasama ko yung dalawang co-teachers ko, sina Ms.N at Ms.DJ.

Ms.N: Napag-usapan ka nga naming dalawa ng asawa ko kagabi. Sabi nya, irereto ka daw namin sa kuya nya. Gwapo yun! Mas gwapo pa sa asawa ko. Nagta-trabaho pa yun sa ibang bansa. Kaya lang, baka di mo magustuhan. 30 na yun e. Hiwalay sa asawa.
Kk: Nye.. haha. :))
*syempre, napaisip naman ako dun sa kuya ng asawa ni Ms.N. Kasi naman, gwapo talaga yung asawa nya. Edi lalo pa yung kuya. Bwahaha. Joke.*

The next day..
Ms.DJ: Naikwento kita sa nanay ko. Kung hindi nga lang daw maloko si kuya, dun ka na lang namin papaligawan e.
Kk: Ganon? Super. Kinwento mo talaga ako. Haha. :))
Ms.N: Sabi ng asawa ko, hingin ko na nga lang daw ang number mo at ibibigay nya dun sa pinsan nya. Mabait yun.
Kk: Haha. Kayo talaga.. :))
Ms.N: Bakit? Wala namang masama diba? Magtetext lang naman kayo.

At eto pa ang isa. Christmas break naman ‘to naganap. Nakita ako sa simbahan nung registrar ng school namin..

Ms.NE: Bakit parang gumaganda ka ata lalo? May boyfriend ka na noh?
Kk: Naku, wala nga po e.
Ms.NE: Wala ba? Sige, may ipapakilala kami ni mama sayo. Abangan mo ha?

Waw. Ano ba? Nakakaloka lang yung mga ganitong moments kasi hindi na naman ako ulit nag-o-open tungkol sa lovelife ko. Hinding-hindi pa nga ako nakaka-move on kay THE ONE, at kung paano kami nagkahiwalay ng ganun-ganun lang ilang araw bago mag-pasko, eto naman silang lahat para uriratin ang lovelife ko..Dapat ba akong maging masaya? Pero syempre, ibang istorya yung paghihiwalay namin. Ahahaay.

Ganun ba talaga ka-bothering ang magkaroon ng kaibigan/anak na single habang lahat sila ay masaya sa buhay-pag-ibig nila? Hindi naman ako nagrereklamo sa kanila. Hindi din naman ako nag-e-emo o nagmamaktol na wala akong lovelife. Hindi din naman ako lalong pumangit at nagmukhang miserable. Kasi,sa totoo lang,ngayon ko lang naranasan na maraming nagsasabi sa akin na gumaganda ako. At dahil marami sila,(mula sa mga estudyante at dating estudyante, hanggang sa co-teachers, hanggang sa principal namin, hanggang sa dati kong HS math teacher, hanggang sa parish priest namin, hanggang sa mga kamag-anak at iba pang kaibigan na matagal ko nang di nakikita),gusto ko na tuloy maniwala na gumaganda nga ako. Haha.

Isa lang ang kongklusyon ko dito: Minsan pala, pangit din ang maging maganda. Bwahahaha! Bakit kasi ngayon ko lang natuklasan na mas bagay naman pala sa akin ang kulot kong buhok na ilang taon ko ring pinilit na ipatuwid? Yun ang salarin ng lahat ng ito e. Hehe. :))

At ang susunod na pinaka-nakakayamot na tanong naman sa akin ngayong mga panahong ito ay:
NAGPAKULOT KA BA?

Rar! Kagatin ko kaya sila? Ang kukulit e. Haha.

KAYA KO PALANG MAGING MAGANDA TEN TIMES. ❤

Advertisements

Kk for Kaleidoscope

Pebrero 6, 2011 2 mga puna

Nagfe-facebook ako kagabi nung nakita ko yung isang album na naka-tag yung kapatid ng lolo ko. Naisip ko, astig talaga tong si Lola MC, di nya tunay na pangalan. Hanggang ngayon updated sya sa kung anong uso.

Nun kasing mga bata pa kami, lagi syang may regalo sa amin tuwing Pasko,pero di ko na matandaan yung ibang binigay nya kasi may memory gap ako. Haha. Pero ang pinakanatandaan ko talaga, at pinakapaborito ko sa lahat ng natanggap kong regalo galing sa kanya ay isang tube. Kulay white yun na may kung ano-anong design sa labas. May maliit na butas sa isang dulo at may clear na plastic sa kabilang dulo. Sa loob naman, may mga salamin tsaka may mga maliliit na kung anik-anik na iba’t-ibang kulay at shapes. Astig kasi ako lang ang meron nun sa aming magkaka-klase. Hindi ko na nga lang yun naipreserve. Malamang nasira na din yun kasi burara akong bata. Haha. Nakakatuwa namang alalalahanin yung moments na yun.

Pero ngayong tumanda na ako, naisip ko, marami nga pala akong pwedeng matutunan mula sa isang simpleng laruang Kaleidoscope ang pangalan. Para din pala itong buhay. *wag kayo mag-alala, di ko ilalagay dito yung lyrics ng kanta ni Francis M.*

Natutunan ko na gaano man kasaya o kalungkot ang isang pangyayari, lahat ng yun ay lilipas din. Yung kaleidoscope, pipihitin at pipihitin ko pa din ito para makatuklas ng mga bagong images. Katulad ng araw at oras, tatakbo at tatakbo din ito.

Kung masaya ang experience, dapat i-cherish ko na yun habang andito pa. Kasi,pag nakalampas na yun, di na yun babalik pa. Ginawa ko yun dati sa kaleidoscope ko e. May magandang design, tinawag ko yung ate ko. E antagal nya lumapit, kaya yun, pagsilip ko, iba na ulit yung design. Kaya ang ginawa ko, dahan-dahan kong pinihit pabalik yung tube. Wala. Nakailang ikot na ulit hindi na bumalik yung image. Nayamot lang ako sa ate ko. Haha.

Pag naman malungkot ang experience, alam ko na din ang solusyon. Pihitin ang tube at mag-move on. Ang simple nga naman. 😉

Natutunan ko din na ang bawat araw ay may dalang saya para sa akin. Minsan nga lang, hindi ko napapansin kasi mas masaya yung kahapon kaysa ngayon, kaya akala ko malungkot ako.

Ngayon, ang misyon ko naman ay humanap ng mabibilhan ng kaleidoscope. Kung saan, ewan. Bahala na. Basta KAYA KO ‘TO TEN TIMES! 😀

Mga Kategoriya:Kkachorvahan lang Mga kataga, , , ,